“You're really funny.” Nawala ang tawa niya dahilan para makaramdam ako ng kaba. “Hintayin mo ako mamaya sa labas.”
Susuntukin niya ba ako? Papatayin niya ba ako?! Ito na ba ang katapusan ko?! Napailing ako at sinampal ang sarili ko.
Calm down, Blaire. Walang mangyayaring masama sa'yo at isa pa hindi si Ice ang pinunta mo dito!
“Busy ako,” cold kong sabi at kinuha ang libro sa bag ko at tinuon nalang ang atensyon dito.
Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong nakakunot na ang noo nitong pinagmamasdan ang maganda kong mukha.
“Busy? Sa tingin ko wala ka namang ibang ginawa kundi sumama sa ibang lalaki.” Sinamaan ko siya ng tingin at binigyan niya ako ng napipilitan na ngiti.
Kapag ako talaga napuno sa lalaki na 'to. Kakalimutan ko talaga na mabait ako at baka maging mamamatay tao ako.
“Well, boys are useful if you manipulate them correctly.” I winked at him at mukhang nainis naman siya.
I chuckled. Ewan ko ba nasasayahan ako kapag nakikita ko siyang naiinis. Siguro pinaglaruan talaga siya ng babae na minahal niya noon kaya ayaw niya sa babaeng kagaya ko.
“I hate you.”
“Oh~ I love you too.” Halata sa kanyang ekspresyon sa mukha na nandidiri ito dahilan para mapatawa ako.
•••
Agad ako nagtago sa pader nang lumingon si Syera sa direksyon ko. Napakunot ang noo niya, alam niyang may nakasunod sa kanya. Susundan ko na sana siya pero agad hinawakan ni Zake ang wrist ko.
“Wag mo muna siyang sundan.” Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya at pinagtataka ko rin kung bakit siya nandito.
“Bakit? And why the hell are you here?” Pilit kong kinokontrol ang sarili ko para hindi ako makaramdam ng inis baka masampal ko siya.
“Nagdududa na si Syera sa'yo. Sa tingin ko alam na niyang siya ang pakay mo dito.” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“And what do you want me to do? Just wait for her to change her mind of me.” Napakagat ito ng labi mukhang hindi niya nagugustuhan ang dapat gawin. “Do you want me to just wait until Lareina got killed?”
“No!” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa wrist ko. “B-but we don't have a choice.”
“Damn it!” Inis kong binawi sa kanya ang wrist ko at iniwan siya.
Ayaw kong makita ang nakakaawa niyang mukha. Kahit ako hindi ko alam kung ano ang gagawin. Napahinto ako sa paglalakad. Bigla nalang pumasok sa isipan ko si Zayan.
Wait a minute—bakit ngayon ko lang naisip 'to? Zayan loves me so much that he will do anything just to make me happy—except on letting me go. I heavily sighed, I'm sure if manghihingi ako ng tulong sa kanya ang kapalit nito ay magiging boyfriend ko siya.
•••
Napahinto ako nang makita si Syera na palihim na pinagmamasdan si Zayan. Nakapatong sa malaking puno si Syera habang si Zayan naman ay nasa classroom doon siya sa tapat ng bintana kaya makikita siya kung aakyat ka ng puno. This girl is crazy! Hindi pa rin siya nakaka move on kahit ilang taon na ang lumilipas.
“This girl is really crazy.” Napahinto ako nang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Dahan-dahana kong napalingon sa kanya and I saw that girl na hinila ako at nagbigay ng impormasyon tungkol kay Ice.
She waved at me nag imaginary rolled eyes nalang ako. Bakit ba sa tuwing may balak akong lumapit kay Syera may mga tao nalang talaga na lalapit sa akin at e-epal sa mga plano ko?
“Blaire!” Agad siya lumapit sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. Mukhang mahihirapan ako nito.
“Jazel? What are you doing here?” Napatingin ako sa mga papel na mukhang testpaper 'ata.
“Inutusan kasi ako ng teacher ko na idala 'to sa section niyo.” Lumingon siya sa likod ko at binigyan ako ng nakakaasar na tingin. “Don't tell me crush mo 'yong Zayan na 'yan?”
Tinuro ko ang sarili ko. Hindi ako makapaniwala na aakalain niyang nagkacrush ako sa lalaking 'yon.
“Ako? Magkacrush kay Zayan?” hindi makapaniwalang paninigurado ko.
Napatango naman siya habang matamis itong nakangiti sa akin. Siya nga 'yong may gusto sa akin.
“Wag mo ng ideny pa, Blaire. Don't worry hindi ko ipagsasabi.” Magsasalita na sana ako pero agad na siya umalis.
Hindi man lang ako hinintay na magsalita. Tumalikod na ako upang hanapin sana si Zayan pero muntik na ako mapasigaw nang nasa likod ko na siya. What the heck?!
He smiled at me. Minsan talaga mapapahinto nalang talaga ako dahil sa gwapo niyang mukha.
“Are you looking for me?” he asked.
“Ako? Hindi ah! Bakit naman kita hahanapin?!” inis kong tanong sa kanya.
Napatango nalang siya pero halata sa ekspresyon ng mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala na akong nakikitang Syera. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko dahilan para tignan ko siya.
“Aalis ka na agad?” malungkot niyang tanong.
“May kailangan pa akong asikasuhin,” seryoso kong sabi sa kanya.
“I miss you.” Natahimik lang ako. Ayaw kong sagutin siya dahil alam kong hindi ko siya mahal. At alam ko rin na mas masasaktan lang siya kung ipapamukha ko na hindi ko talaga siya mahal—which is true naman. “Pwede mamaya nalang 'yan? I want to be with you. Can you please give me some of your time?” Tinignan ko lang siya at kitang-kita ang pangungulila niya sa akin. “Please...”
Napabuntong hininga ako, “I want you to help me, Zayan.”
“What? Help you?” Napatango ako. Lumunok muna ako ng laway, ewan ko ba pero kinakabahan ako—nag o-overthink ako sa mangyayari.
“Alam mo naman kung ano ang pakay ko dito. Gusto ko makuha ang kaibigan ko sa kamay ni Syera.” Natigilan siya dahil sa sinabi ko. Pinanliitan ko siya ng mata. “Alam mo ba na nasa kamay ni Syera si Lareina?”
Hindi lang siya nagsalita. Tinaasan ko siya ng kilay. Bumuga ito ng hangin na para bang sumusuko na ito.
“Okay fine, I will help you—”
“Anong kapalit?”
“Wala.”
What?! Tutulungan niya ako ng walang kapalit?
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romansa(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...