Kinuha ko ang heart na necklace na may diamond. Familiar ito ah.
“That's what I gave you back then.” Lumingon ako sa lalaking nagsalita. He smiled nang magtama ang mata naming dalawa.
“Zayan? What are you doing here?” Napakunot ang noo ko ng hindi siya nagsalita. “Sinusundan mo ba ako?”
“No.” Pinanliitan ko siya ng mata. “I just want to give you a gift and hindi ko inaasahan na makikita kita dito.”
“Gift?” nagtataka kong panigurado. “Hindi ko naman birthday ah. Bakit bibigyan mo ako ng regalo?”
“Because I wanted to. Gusto ko suot mo or hawak mo ang bagay na binigay ko sa'yo.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko. “C-can you please stay for a minute?”
“I'm busy,” cold kong sabi.
Binitawan na niya ako pero nakatingin pa rin ito sa akin. Halata sa kanyang ekspresyon sa mukha niya na nasasaktan siya. I think he's willing to do anything even if it hurts him. What an idiot.
“Fine. Just a minute.” Nagliwanag ang ekspresyon sa mukha niya at hinawakan ang wrist ko.
•••
We're at the top of rooftop. Ang ganda ng view dito at ang ganda ng langit. Kahit mainit ay hindi ako pinapawisan kasi malakas ang hangin.
“What are we doing here?” Nilingon ko siya at napahinto ako ng may dala siyang flowers.
It's a white tulips and it's so beautiful. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang bulaklak o hindi pero sa huli ay tinanggap ko ang bulaklak.
“What is this for?” I asked habang nakakunot ang noo ko.
“It's just a gift.” Lumingon siya sa direksyon sa likod ko dahilan para tignan ko din ang nasa likod ko.
“Lahat ba 'to para sa akin?” gulat kong tanong.
“Oo. It's all for you.” Napakamot siya sa sintido niya at binigyan ako ng matamis na ngiti. “Hindi ko alam kung anong dapat ibigay ko but I hope nagustuhan mo.”
“Why are you doing this?” nagtataka kong tanong.
Hindi ko kayang tanggapin ang mga regalo niya kasi hindi ko naman deserve 'to. Hindi ko siya maintindihan. Kapag ibang tao siguro, susuko na agad sila. But why is he still here?
“Because I love you...” Magsasalita na sana ako pero agad siya nagsalita. “Hindi ka man naniniwala, but I truly love you. Even if it hurts me, I'll stay.”
Hindi na ako nagsalita dahil alam ko naman na hindi magbabago ang desisyon niya na hindi ako iwan.
“Hindi ka talaga mabubuhay ng matagal niyan,” biro ko.
Hinaplos niya ang pisnge ko dahilan para matigilan ako. Ewan ko ba pero bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ba ako?
“I would die for you, Blaire.” Sinampal ko ang kamay niya at malamig siyang tinignan.
“Ayaw kong umasa ka, Zayan. But I don't like you at wala kang pag asa sa akin.” Hinding-hindi ko kayang magseryoso sa love.
Takot ako sa pag ibig, ayaw kong masaktan, ayaw ko din mabaliw. Love is the best trap for human. At madami ng nahuhulog sa patibong na 'yan. If you fall, you'll get hurt.
“I can sacrifice my life just for you, Blaire. I can't let you go. I can't... Even if it kills me.”
•••
Nang makapasok na ako sa bahay ko ay wala na si Ice at Jazel. Sigurado akong pinauwi na sila ni Zake. Ayaw ko ng may ibang kasama.
“Zayan is already approaching Syera.” Napahinto si Zake sa pag inom niya ng kape. Iluluwa niya na sana ito pero agad ko siya sinamaan ng tingin dahilan para lunukin niya ang kape.
“What?! Nanghingi ka ng tulong sa kany?!” hindi makapaniwalang tanong ni Zake.
“Of course... After all, Syera is inlove with Zayan alam mo 'yan.” Napa cross arm ako at seryoso siyang tinignan. “Hindi ako madaling makalapit kay Syera kaya gagamitin ko si Zayan para makalapit kay Syera.” Napansin kong napahinto ito at malalim ang iniisip. “Alam kong naaawa ka sa kuya mo—”
“No! You know i hate him!” Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.
“Kahit pa sabihin mo sa akin na kinamumuhian mo siya. I know you still love him.” I heavily sighed. Hindi matapos-tapos ang problema ko, kaloka. “But we need to use him. Buhay ng kaibigan ko at jowa mo ang nakasalalay dito.”
“Yes, I know.” Napalingon ako sa bintana ko.
Ano na kaya ang nangyari ni Lareina? Buhay pa ba talaga siya?
•••
Pumasok na ako sa classroom and I saw Syera looking at the love letter she hold while smiling like a tanga. Mukhang napansin niya ang presensya ko dahilan para lumingon siya sa akin. Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang pagmumukha ko. Maganda kaya ako?
“Goodmorning.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at hindi niga lang ako pinansin.
Sarap mo sabunutan beh. Makukuha ko lang talaga sa'yo ang kaibigan ko.
Umupo na ako sa upuan ko at napalingon ako kay Ice na ngayon ay nakatitig sa akin. Kung nakakatunaw lang talaga ang tingin, kanina pa ako natunaw. Binigyan ko siya ng peke na ngiti upang ipamukha sa kanya na hindi ako natutuwa sa mga titig niya. Kung ibang babae siguro kikiligin but no! Wala akong panahon kiligin ngayon! Hindi ko alam kung patay o buhay pa ba si Lareina?!
Ayaw ko naman sabihin kay Zake ang iniisip ko, baka mas lalo lang siyang mabaliw.
“Ang lalim yata ng iniisip mo,” wala sa sariling sabi niya.
Hindi ko namalayan na kanina din pala ako nakatitig sa kanya.
“Wala. Wag ka tumingin sa akin pwede?!” inis kong sabi sa kanya.
“You're pretty.”
“I know.”
“I can't look away.” Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapangiti siya.
Ang gwapo niya talaga, hindi ko alam kung bakit siya napunta sa akin, naaawa ako kay Jazel.
“Alam kong maganda ako pero hindi libre ang mukha ko. Kada tingin, may bayad,” irita kong sabi.
Napahinto ako ng bigla siyang naglagay ng libong-libo sa lamesa ko. Napalunok nalang ako ng laway at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.
“May i co-complain ka pa ba?”
Ewan ko na lang talaga.
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romance(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...