Hindi lang siya nagsalita at umupo lang sa tabi ko. Napangiwi ako. Parang nag deja vu ako ah. Dahan-dahan akong napalingon sa lalaking mahimbing na natutulog.
Is this really allowed?
Napalingon ako sa kanila at umiwas naman sila ng tingin. Somethings not right.
Nang matapos na ang klase. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko. What the heck?! Kailangan ko pang sundan si Syera bago pa siya mawala sa paningin ko. Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti. Kahit naiinis ako. I need to calm myself.
“What do you want, sir?” mahinahon kong tanong.
Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin ng malamig. Hindi kaya magkasabwat si Syera at ang lalaking 'to.
“Strawberry milk.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ha? Ano bang pinagsasabi nito.
Magsasalita na sana ako pero agad ako hinila ng babaeng naka short hair na brown at brown eyes. Naka eyeglasses din siya.
Nang makalayo-layo na kami ay agad niya ako binitawan. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahabol niya ang sariling hininga niya.
“I-i'm sorry!” Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa inasta niya.
“Who are you?” seryoso kong tanong.
Nahalata ko sa ekspresyon ng mukha niya na medyo natakot siya sa akin.
“I-i'm Jazel Rivero. C-classmate mo ako. S-sorry! I hope you can forgive me!”
“So bakit mo ako hinila?” Napakunot ang noo ko. “At bakit parang takot kayo lahat sa lalaki na 'yon?”
“H-he's Ice Lorenzo. Ang anak ng magmamay ari ng school na 'to. He's totally crazy.” Napatakip siya sa bibig niya. Halata sa kinikilos niya na natatakot siya. “M-may isang studyante nakakita sa kanya na may pinatay siya at ang pinagtataka namin lahat. Nawala 'yong studyanteng nakakita kay Ice na may pinatay siya. Ang sabi-sabi pinatay niya raw ito para manahimik.”
“T-thanks for saving me.” Kahit na nagtataka ako.
“Ako na ang bibili sa kanya ng strawberry milk. Ibigay mo nalang sa kanya. Hintayin mo ako dito!” Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na siya umalis.
Hindi ko alam na may kapareho pala si Zayan.
•••
Nilahad ko sa kanya ang strawberry milk at napatingin lang siya sa akin na walang kabuhay-buhay. Thanks to you! Nawala na sa paningin ko si Syera.
“Now if you excuse me, sir. May kailangan pa kasing akong gawin bukod sa pagiging alipin mo,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at nag walk out nalang ako. Nang makalabas na ako ay lalapitan na sana ako ni Zayan pero agad hinawakan ni Zake ang wrist ko at hinila palayo. Mukhang nagulat si Zayan na magkasama kami ni Zake.
Papasok na sana kami sa kotse niya pero agad rin hinawakan ni Zayan ang kamay ko.
“Anong ibig sabihin nito? Iisa lang ba kayo ng bahay na tinitirahan?!” Ano bang pake ng lalaking 'to?
Agad hinawakan ni Zake ang wrist ni Zayan at cold siyang tinignan. Ganun na din si Zayan, feeling ko talaga magsusuntukan silang dalawa sa harapan ko.
“Bitawan mo siya, kuya. Nasasaktan na si Blaire,” seryosong sabi niya sa kuya niya.
“Lahat nalang ba aagawin mo sa akin, Zake. Lahat nalang!” inis na sigaw ni Zayan.
Mga tao dito ay pinagtitinginan na kami. Napahinto ako ng makita si Syera na nakatingin sa akin at ganun din si Ice.
“Wala akong inagaw sa'yo!” Agad ako hinila ni Zake at pinasok sa kotse.
Hindi pa ako nakapagsalita ay agad niya sinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako at hinilot ang sintido ko. Why did we end up like this?
“Kahit kailan hindi naging sa'yo si Blaire!”
Tinakpan ko nalang ng headset ang tenga ko at malakas na pinatutog ang paborito kong music. Midnight rain.
•••
Agad ko nilagay ang bag ko sa upuan at umupo na rin. Napabuga ako ng hangin.
“Ano sa feeling?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. “Na pinag aagawan ka ng dalawang lalaki?”
“What?”
“How did you do that? Two boys are in love with you?” Napangiti ito ng nakakaloko pero kahit hindi niya sabihin halatang na disappoint ito. What's with him? “Masaya bang pagluruan ang feelings ng iba?”
Walang gana ko lang siyang tinignan. Medyo may pagkachismosa din ang lalaking 'to no. Akala ko si Lareina lang ang chismosa na makikilala ko.
“Paglaruan?” Napatawa ako dahilan para samaan niya ako ng tingin. “Wala akong pinaglaruan, Ice. They just fall for their own trap. In short, tanga.” At isa pa, walang romantic feelings sa akin si Zake. He is inlove with my bestfriend at hindi magbabago 'yon.
“What is love to you, Blaire?” Napatigil ako dahil sa tanong niya.
Hindi ako nagsalita pero parang interesado siya sa tanong ko. What's with him? Bakig nakatuon na ang atensyon niya sa akin ngayon? Napangiti ako ng nakakaloko at hinaplos ang pisnge niya dahilan para matigilan siya.
“Love... is a game.” Napangiti ako sa sagot ko. “Many people will do things just you to like them... And when you fall inlove with them, they will not love you back. They will leave you behind and ignore your feelings. And that makes you hurt and suffer from pain that they cause to you.” Mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya. “Once you fall for their trap, mahihirapan kang umalis dito.”
He smirked kaya dumistansya na ako. Napalingon ako sa babaeng kanina pa nakatingin sa amin. I gave her a warm smile at umiwas siya ng tingin.
“Magkakilala kayo?” he asked.
Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang siya nakitang interesado. Napahinto ako sa naisip ko. Don't tell me! Gusto niya si Syera?!
“Anong pake mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.
Nagulat nalang ako ng agad niya sinasaksak ng ballpen ang desk ko at masama akong tinignan. Sinasabi ko na nga ba eh! Kukunin na ako ni lord.
“Hindi ka ba natatakot sa akin?” mapaglaro niyang sabi. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang perfume. “Hindi mo yata ako masyadong kilala, miss.”
“Ofcourse, hindi. Bago lang ako dito eh,” walang gana kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love is a game
Romansa(Completed) Blaire Ceniza ay isang playgirl na nag e-enjoy lang sa kanyang buhay. She used men to make money, and she enjoys seeing them hurt because of the illusion she gave. Hanggang sa dumating ang kanyang bestfriend na si Lareina Lastimosa ang p...