Fate 3

19K 395 15
                                    

Maya maya pa ay dumating narin si Sasha. At alam ko na anong ipambubungad nito sa amin. Kaya tinakpan ko agad tenga ko...


"KYAAAAAA!! SI STEVEN PUMUNTA KANINA SA DEPARTMENT NAMIN! AT HINDI LANG YON, SA ROOM NAMIN SHA PUMASOK AT KINAUSAP AKO!!! KYAAAAA~!" see? Buti nalang nakapagtakip ako ng tenga.. E kasi po dakilang tagahanga ni Ventura tong BestFriends ko. Ewan ko sa dalawang to! Kulang nalang ligawan si Ventura!


"Talaga Babe? Tangna! Bat ikaw kinausap non? Wala talaga shang taste!" Panloloko ni Alen.


"Bwiset ka! Inggit kalang bruha!" Tsk. Ganyan po yang dalawang yan basta about sa fafa steven daw nila. Kulang nalang magpatayan yang dalawang yan. Hahahaha!


"Pwedi ba! Kung magpapatayan man kayo wag sa harap ko. Ang iingay nyo talaga!" Reklamo ko..


"Babe naman eeeh! Di mo ba ako na miss?" Sabi ni Sasha sabay act na nasasaktan.


"Sus mukha mo! Di naman nakaka miss yan!" Pang aalaska ko.


"Pabayaan mo na nga yang si Zel Sasha! KJ yan eh. Osha kwento mo na daliiii~ bat ka kinausap ni Baby Steve ko?" I just rolled my eyes sa sinabi ni Alen.


"Hinahanap nya si Zel"


"WHAAAT?!" Gulat na sigaw namin ni Alen.


"Sinong Zel?" Tanong ni Alen.


"Tanga lang te? Sino pabang Zel ang kilala natin bukod kay Zitella?" Sagot ni Sasha na halatang naiinis.


"B-bat nya ko hinahanap?" Tanong ko. Langya! Bat ako kilala ng Ventura na yon?


"Malay ko. Basta ipapasabi ko raw sayo na bukas punta karaw sa Student Council Office" kibit balikat na sagot ni Sasha.


"Myghad babe! Ang swerte mo naman makikita mo ng malapitan si steven!"- Alen


"So?"- Ako


"Ewan ko sayo! Basta i reto mo yon sakin ha? Pagnagkausap kau sabihin mong may kaibigan kang ubod ng ganda na ang pangalan ay Aleah Nicole Sandoval" sabi ni alen sabay beautiful eyes pa!


"Don't you ever dare to forget me too Zel! Pakisabi din kay Fafa Steven na Bagay kami" sus! Wala talagang magpapatalo sa dalawang to!


"Eh kong isumbong ko kayo sa mga Boyfriend nyo ha!" - ako


"Ito naman di na mabiro. Tara Alen Bili tayong Milk Tea" - Sasha


"Tara Babe. Kanina pako uhaw eh" - Alen

At kumaripas ng alis ang dalawa. Tignan nyo na! Kumukirengkeng yong mga loka e may mga Boyfriend naman! Hahahaha.


Pero teka, totoo kaya yong sinabi ni Sasha na Gusto akong makausap ni Steven? At talagang sa Student Council Office pa talaga ha! Hala! Baka nalaman nya ung pag-acting ko kahapon. Lagot na! Pero bat naman nya malalaman e paniwalang paniwala nga si Sir kahapon eh. Ah ewan!


Anyways, yong si Nathaniel Steven Ventura na yon ay ang President ng Student Body ng school nato. No wonder e matalino daw yon. Suma Cum Laude Standing eh. See? Ang taray ng lolo nyo! Hahaha. 4th Year college na yon, graduating this year. Tsaka one year ahead sa amin. BS in Neurology yong course non. Hoy! Alam ko yang iniisip nyo na bat andami kong alam sa Venturang yon! Well, don't get me wrong ha! E ikaw ba naman magkaroon ng dalawang kaibigan na halos araw araw may latest update sa Ventura na yon! Ewan ko nalang kung di ka mapupurga sa mga informations about sa lalaking yon. Haaay!


Teka nga, tinakasan ba ako ng dalawang yon? E mag aalas tres na di parin bumabalik ah! Pambihirang Milk Tea yan. Ilang tunilada ba binili nila?! Masundan na nga lang sila sa Cafeteria.

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon