Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school kasi 8:30 yong start ng exam namin. Tinext ko na si Nathan na wag na ako sunduin kasi 9am yong Defense nila at ayaw ko ng makaabala.. Sinadya kong pumasok ng maaga para Makapunta ako sa Department nila Nathan ng hindi nya nalalaman... Sa Locker nya ako nagtungo. Alam ko yong password ng locker nya kaya walang problema. Wala pa namang mga students masyado kasi 7am pa naman...
Nasa harap na ako ng locker nya at inilabas sa bag ko ang prinipare ko kagabi para sa kanya. Motivational Letter lang naman yong ginawa ko eh. Para di sya kabahan mamaya. Kahit naman matalino si Nathan ay kinakabahan din yon... Hindi lang simpleng letter yon, may dinikit akong picture namin ni Nathan.. Yong sa kanya ay nong Kinder picture nya na wala syang suot na damit kaya kita lahat ng katawan nya. Nakapogi sign pa sya jan. Binigay yan ni Tita Agnes sa akin nong nasa hospital kami habang hindi pa nagkakamalay si Nathan.. Yong akin naman... Shemay! Kahit nakakahiya ay idinikit ko nalang din don. Grade 1 ako non at pinapasayaw ako nila mama ng otso-otso kaya medyo nakatuwad ako sa picture. Take note! Nakapanty lang ako! Wag na kayo magtaka! Magkaroon ka ba naman ng nanay na dinaig pa ang payaso sa kabaliwan. Ewan ko nalang! So yon, pinagdikit ko yong pictures namin tapos naglagay ako ng arrow pababa at doon naman ay idinikit ko yong picture namin sa Baguio na nakayakap sya sa likod ko habang sinasandal ang ulo nya sa balikat ko habang nakatingin kami sa mountains... A perfect picture para sa akin. Mararamdaman mo kasing puno iyon ng pagmamahal.
Nilagay ko rin yong binake kong choco muffins na paborito nya.. Nang masarado ko ang locker nya ay naglakad na ako pabalik sa Department namin at nagtungo sa Cafeteria. Mag-aalmusal muna ako. Di kasi ako nagbreakfast kanina eh..
Isang Large Burger pati Fresh milk lang yong inorder ko tapos umupo na ako para magsimulang kumain... Parami narin ang students sa cafeteria. May iba pa nga na nag-aaral habang kumakain at may iba ring nagsusulat habang panay ang nguya... Napangiti nalang ako. Ang busy ng lahat at dahil don ay parang nakalimutan nilang binubully nila ako. Wala na kasi yong mga nakakamatay na tingin at irap nila. Nasa Mga reviewer kasi nila sila nakafocus. Mabuti naman iyon, at least hindi masama ang loob ko habang nagtetake ng exam mamaya.. Patapos na sana akong kumain nang may umupo bigla sa harap ko. Pag-angat ko ay si Jefferson na nakangiti... Bat kaya ito nandito?
"Hi Beautiful" sabi nya kaya alam kong pinamulahan ako. Buti nalang walang nakarinig sa sinabi nya.
"Bat ka ba nandito?" Tanong ko ... Sumimangot naman ang gwapo nyang mukha .
"Ayaw mo ba akong makita?" Jusko! Bat ba ako napapaligiran ng mga taong may sayad sa utak?
"Hindi naman. Ano kaba! Ang ibig kong sabihin bat ka naparito? Di ba Malapit na magsisimula ang exam?" Ngumiti naman sya bago magsalita.
"Nakita kasi kitang pumasok dito kaya pumunta narin ako" pinunasan ko muna ng tissue yong bibig ko bago magsalita.
"Okey. Tara na? 25 minutes nalang magsisimula na ang exam" aya ko sabay tayo kaya tumayo narin sya...
"Sige." Tapos naglakad na kami papuntang Gymnasium. Dito kasi gaganapin ang exam namin. Lahat ng students ay dito pinapatake ng exams sabay sabay. Sobrang laki kasi ng Gymnasium namin kaya kasya lahat. Bale one seat apart rin sya.
Pagpasok namin ay may ibang tumitingin sa direkstyon namin.. Mga tinging mapang husga.. Bigla namang may yumakap sa right arm ko. Nong tignan ko ay si Alen pala kasama si Sasha.
"Goodmorning Babe" sabay nilang bati sa akin bago napatingin kay Jeff. Halatang nagulat sila. Ofcourse magugulat yang mga yan kasi alam naman nilang dati kong crush si Jeff.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...