Its been 3 weeks simula nong nakalabas ng hospital si Nathan. So far so good ay maayos naman ang pagsasama namin. Well, except lang don sa bruhilda nyang kapatid na walang ginawa kundi irapan, taasan ng kilay at tarayan ako pag wala si Nathan at ang parents nya. Ewan ko ba sa batang yon kung bakit ang init ng dugo sa akin eh wala naman akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko nalang pinapansin. Next month pa kasi yong uwi non patungong america. Tapos sa bakasyon ay babalik na naman daw sya dito. Muntik ko na ngang sabihin na wag na lang syang bumalik at magpalapa nalang sa mga Lion doon. Hihihi
And guess what? Ang gwapo kong boyfriend na may saltik sa utak ay naipasa yong lahat ng exams nya. At talagang 2 or 3 mistakes lang halos sa lahat ng scores nya. May dalawa rin syang majors na nai-perfect. Edi wow talaga! Pinanindigan nya talaga yong "I will show you how extraordinary I am" churva eklabush nya! Edi sya na talaga!
Busy narin sya sa Thesis nya. Pero nagagawa nya parin akong ihatid at sundunduin sa bahay. Maayos narin nyang nahingi ang permiso ng mga magulang ko sa relasyon namin kahit alam naman nating nauna pa yong landian namin kaysa sa blessing ng parents namin. Hahaha!
——
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kasama ko ang dalawang bruha. Vacant kasi namin at mamaya pang 1:30pm ang next class namin. Buti nga nagkataon na 1:30 din yong next sched ni Sasha kaya nakasabay sya sa amin maglunch ngayon.
"Babe, kumusta na yong nambubully sayo?" Tanong ni Sasha habang kumakain ng paborito nyang calamaris.
"At talagang yong mga nambubully pa sa akin ang kinakamusta mo ha!" Kunyaring tampo ko. Alam ko naman ang ibig nyang sabihin. Na kung binubully pa ba ako ng mga ito. Sanay na naman ako eh kaya di ko na masyadong inaalala yang mga yan.
"Shunga! Ang ibig kong sabihin ay kung inaaway ka parin ba ng mga kutong lupang yon" Napatawa naman kami ni Alen sa sinabi nya..
"Hay naku Sha! Immune na yang lokang yan. Sinabi ko naman sa kanyang isumbong na sa Guidance office eh pero ayaw parin" naaasar na sabi naman ni Alen na sinimangutan ko naman.
"Hindi naman kasi kayo Scholar kaya madali lang sa inyong sabihin yan!" Bwelta ko naman.
"Yun na nga eh! Dapat nga magsumbong ka nalang kasi Scholar ka ng school kaya I'm sure na tutulungan ka nila." Tugon naman ni Alen na ngayon ay kumakain na ng dessert.
"Oo nga naman Zel. Naiinis na kasi ako sa mga pinag gagagawa nila sayo eh! Ayaw mo namang Labanan namin sila" Concern na sabi ni Sasha kaya napangiti nalang ako..
"Ano ba kayo! Okey lang talaga sa akin. Promise! Tsaka, ayaw ko namang idamay nila kayo ano! Hindi pa naman nila ako sinasaktan ng bongga kaya keri lang" biro ko na nakapagpaikot naman ng mata ni Alen.
"So hihintayin mong gawan ka nila ng masama, ganun? Eh kung pektusan kaya kita jang bruha ka! Naku! Mapapatay ko sila kung may masama silang gawin sayo!" Nanggagalaiting sabi ni Alen kaya hinawakan ko yong right hand nya na nasa ibabaw ng mesa tapos pinisil iyon...
"Thanks Alen. Alam ko namang concern talaga kayo sa akin eh. Pero wala na tayong magagawa kung ayaw nila sa akin. Hayaan nalang natin sila. Lilipas din yan. Hihinto rin yan sila sa mga pambubully nila sa akin" right after I finished what i've said ay naramdaman ko nalang may malagkit na likidong dumadaloy sa damit ko galing sa ulo ko.. Pag-angat ko ay may isang babae palang nagbuhos sa akin ng isang litrong melted ice cream... Shit!
"PUNTANGINA KANG BABOY KA! BUMALIK KA DITOOO!!" sigaw ni Alen don sa babae na mabilis pa sa alas kwatro ay nakalabas na ng cafeteria. Tangna! Kailan ba sila titigil sa pambubully sa akin?! Narinig ko namang nagbulungan yong mga tao sa canteen. Yong iba naman ay pinipicturan ako.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...