Fate 10

14.2K 307 12
                                    

"I like you"

"I like you"

"I like you"

"I like you"

Putanginang I like you yan! Nakakabanas na! Ni ayaw akong patulugin! Letchugas!

"Okey kalang Zel?" Tanong ni Olivia. Hala! Baka nagising ko to sa sobrang likot ko kakachange ng position sa paghiga...

"Nagising ba kita?" Tinignan ko ang Wall clock sa kwarto... Alas tres pa pala ng madaling araw..

"Medyo.. May problema ka ba?" Concern na tanong nya...

"W-wala naman... Di lang ako makatulog.. Namimiss ko lang sina mama" palusot ko.. Tumango lang sha at nginitian ako tapos maya't maya ay natulog narin...

Sigh.. Ba't ba kasi may pa-I like you I like you pang nalalaman ang Venturang yon?! Teka.. Baka naman pinagtitripan lang ako? Tama! Baka nantitrip lang yong mokong nayon! Ikaw talaga Zel napaka-assuming mo! Matulog ka na nga! Kalimutan mo na yang shutangnang I like you nayan!

——-

Nandito kami ngayon sa Conference Hall... Hinihintay nalang namin ang mga Students from other school at iilang Staff. 

Kanina ko pa nakikitang pasulyap sulyap si Nathan sa akin.. Naku Zel! Ayan kana naman! Wag ngang assuming! Haynaku!

"Zel? Ok kalang?" Tanong ni Olivia sabay pisil ng kanang kamay ko... Ewan ko ba, parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Olivia. Kaya siguro parang matalik ko narin shang kaibigan.. Sha rin naman kasi ang palagi kong kasama dito.

Nginitian ko nalang sha.. Wala ako sa mood magdaldal.. Ewan ko ba! Sobrang affected talaga ako sa sinabi ni Nathan kagabi.. Baka siguro dahil gusto ko sha tapos may biglang ek-ek shang ganun.. Baka nga!

"Goodmorning Ladies and Gentlemen.. I am Dr.Lorenzo Dela Feuente your speaker for today. We would like to thank you all for being able to attend this seminar. So before we start... Blah... Blah... Blah" marami pa shang pinagsasabi don tapos may part ding pinakilala kami isa isa sa harapan para naman daw mas makilala ang bawat isa. Nalaman kong 23 schools pala ang sumali.. Puro Universities at International Universities. Dalawa lang ata yong Private Colleges...

Nag-activity nalang laha't ay wala parin ako sa tamang huwisyo ko.. Di nga ako nakikinig sa Lecture eh kaya panay ang tanong ni Olivia kong Okey lang ba raw ako.. Tatango at ngingiti lang ako sa kanya... Si Nathan naman nong group activity ay sinubukuan nya akong kausapin pero di ko sha pinansin. Aba! Ano sha sinuswerte? Ano? Dadagdagan na naman nya ang polusyong nasa utak ko?! 

——

Alas Dose nong matapos ang first day ng conference.. Andito kami lahat ng mga kasamahan ko sa isang Italian Restaurant malapit sa Hotel.. Dito na raw kami maglulunch.. Tapos after daw ay kami na ang bahala kung saan mamasyal basta raw pagdating ng alasingko ay nasa Hotel na kami...

"Zel.." Mahina akong kinalabit ni Olivia since sha yong katabi ko...nTakang tinignan ko naman sha..

Inginuso nya lang yong lips nya sa plato ko... Ahh. Nagtataka ata sha kung bakit di ko mashado ginagalaw ang pagkain ko..

Sasagot na sana ako nang may biglang lumapit sa akin tapos hinila ako patayo.. Aba ang bastos! Kita nyang kumakain ako!

"Ma'am? Will you excuse us?" Formal na sabi nya kay ma'am Valencia.. Narinig ko namang nag 'ohh' yong mga kasamahan namin..

"Okey. Basta yong reminders ko. Tsaka wag mo munang itanan yang si Yllustre ok?" Nagtawanan naman ang mga kasamahan namin sa tinuran ng ginang.. Tangna! Pulang pula na ako sa hiya! Si ma'am talaga :3

Tumango lang si Nathan tapos hinila na nya ako palabas ng restaurant.. Letcheng to! Ang sakit sakit na ng kamay ko!

"Teka! Ano ba Nathan! Nasasaktan ako!" Naiinis kong saad.. Huminto naman sha sa paglalakad tapos niluwagan nya ang pagkakahawak ng kamay ko sabay buntong hininga... 

"I'm sorry Zela. Can you do me a favor?" Aba! Baliw na talaga to! Eh kung Pektusan kita jan!

"Pwedi bang wag ka munang magsalita? Pwedi bang mamaya kana magtanong? Sumama kalang sa akin.. May pupuntahan tayo" jusko! May sayad nga talaga sa utak tong lalaking to! Hindi pala magsalita ha! Pwes, humanda ka!

Hinila ulit nya ako sa may bandang kalsada at nagpara ng taxi.. Di na ako umimik pa.. Eh yon ang gusto nya eh! Pagbigyan!

——

Pagkababa namin sa Taxi ay laking mangha ko naman sa nakikita ko.. Isang Hacienda ang binabaan namin tapos may isang napakalaking bahay sa gitna na mukhang Mediterranean ang tema ng external design nya... Gustong gusto ko na sana sha tanungin kong nasaan kami pero pinapanindigan ko parin yong sinabi nyang wag muna ako magsalit. Talagang di ako magsasalita! Makita talaga nya!

Hinila na naman nya ako papasok ng hacienda.. Bwiset nato! Wala ng ginawa kundi hilain ako!

"Goodafternoon Senyorito Steven" bati nong guwardya sa kanya.. Kaya alam ko ng sa kanina talaga tong Haciendang to..

Pagpasok namin sa malaking bahay ay halos mahulog ang panga ko sa ganda ng desenyo sa loob.. Pinaghalong Asian at western Design.. At mas lalong nagulat ako nong may 30 na katulong ang nakahilira sa loob ng mansyon.. Naka maid's uniform pa.. Ang kaibahan lang ay sosyal yong style ng damit nila.. Alam nyo ba yong sa victorian era na mg damit? Parang ganon kaya ang cute nilang tignan.

"Welcome back senyorito Steven" sabay nilang sabi sabay Bow kay Nathan..

"Kayo po talaga.. Sege na bumalik na kayo sa area nyo. Anyways, this is Zela.. Kaibigan ko" kaibigan ko... Eh kaibigan kalang pala Zel eh tapos panay ang emote mo jan! Ano bang pinuputok ng butche mo?

"Sege po senyorito steven at senyorita zela" sabay na naman nilang sabi tapos naghiwa hiwalay na... Hala! Nailang naman ako sa senyorita.

"Anak.. Halikayo't mananghalian na.. Marami akong inihanda" isang matandang babae ang lumapit sa amin. Sa tantya ko ay nasa 50's na ang matanda.. Agad namang yumakap si nathan sa kanya. Bakas sa mukha nya ang pagkamiss sa matanda..

"Nanay Coring.. Namiss ko po kayo ng sobra" sabi nya tapos ginawaran ng halik sa pisngi ang matanda...

"Ito talagang alaga ko malambing parin kahit kailan.. Osha, tara na sa hapag" tapos bigla nya akong binalingan ng tingin at ngumiti ng sensero...

"Halika na Zitella hija.. Kumain muna kayo ni steven" hala! Nagulat naman ako kung bakit nya alam ang buong pangalan ko .. Naguguluhan man ay sumunod nalang ako sa kanila sa Hapag.. Aba! Hindi na ako tatanggi sa pagkain no! Eh gutom na gutom pa ako buhat ng di pag galaw sa pagkain ko kanina...



The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon