❤ SPECIAL CHAPTER ❤

16K 301 46
                                    


Hahaha. Naisipan kong gawan nalang kasi matagal na silang nagrerequest nito. So here it is...

"Nanaaaaaay! Huhuhuhu." Umiiyak na lapit sa akin ni Savannah. Mabilis ko syang kinarga at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Ohh, napano ba ang Baby Nana namin?" Malambing kong tanong.

"S-Si Kuya Karick po nanay..." Humihikbi parin nitong sagot.

Letche talagang batang iyon oo! Wala ng ginawa kundi paiyakin ang kapatid nya. Makukurot ko talaga sa singit iyon. Nakuuu!

"Nasan ba si Ate Angel mo?" Sabay baba ko sa kanya. Tumatahan na sya ngayon.

"Nandon po sa labas inay kausap crush nya. Hihihi" Sabay bungisngis nito. Umusok naman ang ilong ko sa sinabi nya.

Isa pa yong batang iyon! Kung wala ang tatay nila ay kumikirengkeng.

"Baby, play ka muna doon sa room mo ok? Pupuntahan ko lang ang ate nyo at kukurutin ko pa ang kuya mo." Natatawang tumango naman ito.

"One point for me Kuya Kariiiiiccck!!" Sigaw nito habang umaakyat sa kwarto nya.

Ay leche! Kailan pa ako tumanda doon pa sila lahat naging pasaway.

Anyway Highway, Ako parin po ito ang nag-iisang Dyosa sa balat ng lupa. Hahaha! Djoke lang. Ako parin po ito ang nag-iisang may bahay ng pogi kong asawa. Langya! Isa pa yon! Dalawang araw ng hindi umuuwi. Humanda talaga ang matandang hukluban na yon. Makikita nya, wala talagang kembotan ang magaganap! Psh!

Well, 7 years na po ang nakalipas simula nong ikasal kami ni Nathan. 11 years old na si Angelica at nasa third year high school na ito. Haynaku! Ako ang namomroblema sa katalinuhan ng batang iyan. Accelerated palagi ehh. 1 year after the wedding ay nasundan si Angelica. Si Karick iyon. 6 years old na ngayon at 2 yrs later ay nasundan na naman. At si Savannah iyon. 4 years old naman ito. O diba, target shooter iyang asawa ko. Napakayummy parin kasi ng abs nya. Hihihi

"Angelicaaaa!!" Sigaw ko sa kanya na ngayon ay nakikipag-usap doon sa bago naming kapit-bahay.

"Oh my god. Stop yelling nay!" Maarte nitong sambit at pagkatapos ay nagpacute na naman doon sa kausap nya.

Tignan nyo na! Kaya dumadami ang wrinkles ko ehh. Umaarte narin kasi ang isang yan.

"Hi po tita." Nahihiyang bati nong batang lalaki.

"Ohh, Hi rin sayo Hijo. Ano kailangan mo sa anak ko?" Kunyari ay seryoso kong tanong.

"H-Ha? W-Wala po. Napadaan lang po ako. S-Sige po. Aalis na po ako. Bye Natasha." Pagkatapos ay tumakbo na ito.

Hahahaha! 1 point for me.

"Nay! Why did you scare him!" Asar na maktol nito. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Eh kung kurutin ko yang singit mong bata ka ha! Kailan ka pa natotong magcrush crush? At maypa Natasha Natasha ka pang nalalaman ha. Eh ang sabi mo ayaw mo sa second name mo." Inikot nya naman ng 360 degrees ang kanyang mata.

"Nanay, i'm eleven and gorgeous. And besides, having a crush has an emotional and psychological benefits. It's where the hormones---"

"Tigil tigilan mo ako sa mga ganyang eksplenasyon Angelica ha. Dinadaan mo na naman ako sa katalinuhan mo." Ngumiti naman ito ng malapad tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Eh kasi nay ang OA nyo po. Porket crush lang ehh. Tsaka When did I tell you po that I don't like my second name? Ang sabi ko lang naman po diba na brand name iyon ng sapatos. Hihi" Pati ako ay napatawa nalang din sa huli nitong sinabi. Eh brand name din naman ng sapatos yong first name ng tatay nya eh. Haha!

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon