Fate 15

12.2K 272 9
                                    



~Walang update kahapon. I'm sarrey. Busy sa pag-enroll ehh. Lapit na ding pasukan at nasa crucial stage na po ako pero don't worry palagi parin ako mag-uupdate. I hope you'll like this chap~

Kinabukasan maaga kaming bumyahe patungong puerto princesa. Nag-rent lang kami ng malaking Van para magkasya kaming lahat. 20 kasi kaming mga students tapos isama mo pa si ma'am Valencia pati yong isang Body Guard na pinasama ni Mr. Ventura (Nathan's Dad).  Naninigurado lang shang may magbabantay sa amin kaya ganun.

Magkatabi kami ngayon ni Nathan sa upuan habang nakasandal ang ulo ko sa balikat nya at nakapulupot naman yong kaliwang kamay nya sa bewang ko.. hmmm~ Ang bango talaga ng boyfriend ko. Hihihi. Pasekreto ko kasi shang inaamoy.

"Baka naman maubos mo na pabango ko kakaamoy mo sakin" mapang-asar na turan nya. Tengene! Napansin nya pala yon?! Kaya sa sobrang kahihiyan ko ay nakagat ko nalang yong balikat nya..

"ARAAAY!" sigaw nya kaya napatingin lahat sa amin. Lagot na! Baka isipin nilang minomolestya ko ang gunggong nato na sa totoo naman ay gustong gusto ng internal organs ko na gawin ko yon. Malalandi kasi sila! Oo! Hindi ako ang kumekerengkeng kundi ang internal organs ko. Hahaha!

"Ma'am oh! Gumagawa sila ng Miracle!" Pangloloko ni Mark. Naku! Sarap ibitin to patiwarik!

Nagtawanan naman yong mga kasamahan namin habang si Nathan ay himas himas ang parteng kinagat ko habang sinamaan ng tingin si Mark na binelatan lang naman sha.

"Bat kasi anlakas mong sumigaw ha?! Para ka namang ginahasa!" Sita ko sa kanya. At ang loko ngumisi na naman..

"Aha! Kaya mo ba ako inaamoy amoy kanina dahil gusto mo akong gahasain? Yon ba ang gusto mong sabihin? Magsabi kalang Zela Babe kasi basta sayo, For free ako" sinabayan nya pa yan ng kindat. Hinampas ko na talaga sya. Mali atang sinagot ko ang kumag nato eh! Puro asar at panloloko lang ang abot ko! Hmp!

Inirapan ko sya sabay baling sa bintana na nakalabi. Shempre tamputampuhan daw muna ang internal organs ko. Oo ulit! Sila ang nagtatampo. Hindi ako! Haha

"Galit kana nyan?" Malambing na tanong nya na sinabayan nya pa sa pagstroke sa buhok ko. Ghad! Yan yong paburito kong ginagawa nya sa akin. It feels so good every time he's stroking my hair. Ang sarap lang sa pakiramdam. Pero dahil nagtatampo yong internal organs ko ay di nya ako madadala sa paganyan ganyan nya..

Pero tangna! Malapit na ako bumigay!

"I love you" narinig kong bulong nya sa kanang tenga ko. Pagkuwa'y hinalikan nya ako sa ulo tapos pinasandal nya ulit ako sa balikat ko. Shit naman eh! Hindi ko talaga magawang magtampo sa kanya ng matagal. Niyakap ko nalang sya tapos sumiksik pa ako lalo at pumikit..

"Aheeem! Hindi pa ba kayo bababa jan love birds? Nasa baba na mga kasamahan nyo" Napatayo naman kami sa gulat sa sinabi ni ma'am Valencia. Ghash! Nakakahiya kay ma'am! Feel na feel ko pa naman ang pagsandal at pagyakap kay Nathan na nakapikit.



Pagbaba namin ni Nathan sa sasakyan ay isang malakas na kantyaw na naman ang inabot namin. Tengene telege!

——

"Wow!! Ma'am V! Pwedi bang dito nalang tayo hanggang summer?" Nakakalokang suhisyon ni ate Gelai na manghang mangha sa ganda ng lugar..

"Sige. Dito kana tumira mag-isa mo. Wag kang mandamay!" Biglang singit ni Kuya Jushua. Naningkit naman ang bilugang mata ni ate Gelai na parang umuusok narin ang ilong sa galit.. Ohno! I smell war~

"Wow ha! Si ma'am V kana pala ngayon? Sabagay! Mukha ka namang Vulate!" Pft! Hahahahaha. Binta yon ahh! Pero teka bat parang sa akin lang buminta yong banat ni ate Gelai? Tahimik na nakatutok lang kasi sa kanya yong iba...

"Kasi naman eehh!! Dapat ang reaksyon nyo ay 'Hahahaha! Mukha ka daw Vulate Jush! Totoo naman. Hahahaha!' Dapat ganun!" Paliwanag ni ate Gelai. Natawa naman ako sa aking isipan dahil sa ginawa nya. Para kasi shang loka loka. Pero tahimik na nakatingin na naman sa kanya ang iba...

"Haist!! Ewan ko sa inyo!! Mababaliw ako ng di sa oras" tapos umalis sha at pumasok na sa loob ng entrance.. and then, sabay sabay silang humagalpak ng tawa sa pangunguna ni Nathan. Seriously, mga may churva nga talaga sa utak tong mga to. Lalong lalo na si Nathan my loves! Hahaha.

——

"Isuot mo na kasi yan Fren!" Di ko na mabilang na pamimilit ni Olivia sa akin. Langyang babaeng to! Pinagtu-two piece ako! Tanda nyo paba yong pinipilit nila Alen sa akin na bilhin ko raw na two piece na may animal print? To be specific, may tiger na naka bukas ang bibig na litaw ang mga pangil na naka print sa unahan ng panty. Tengene! Nakacenter pa naman ang bibig sa churva ko! Mga bwiset talagang bruha yon! Nilagay pala nila sa Bag ko yong two piece. Ang buong akala ko ay di na nila binili yon! Hmp! At ang lokaret na Olivia kanina pa ako kinukilit na isuot ...

"Sige na Zel. Show some skin. Sayang ang curves mo" isa patong si ate Rhea! 

"Ayaw ko. Nahihiya talaga ako" tsaka baka patayin ako ni Nathan.

Nagpout naman si Olivia. "Zel naman! Last day na natin tong magkakasama. Wag ng KJ!" Sigh.. Di rin naman siguro magagalit si Nathan diba? Tsaka di ko naman ginusto diba? Hay ewan! Bahala na ang internal organs ko ang magpaliwanag kay Nathan tutal sila naman tong kumekerengkeng eh!

Tinulak na ako ni olivia papasok sa comfort room at kahit labag sa kili kili ko ay sinunod nalang ang gusto nila... Mga sampung minuto na ang lumilipas ay di parin ako lumalabas. Nakasandal lang ako sa pinto na nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Alam kong maganda at sexy ako pero nahihiya talaga ako! Lalo na't nanjan ang boyfriend ko! Nung huling suot ko kasi ng two piece ay nong 4th year high school kami nila Sasha..

"Zel! Labas na jan!!" Sigaw ni Olivia..

"Oo nga ate Lorraine" dagdag naman ni Alexa.. Ewan ko ba sa batang yan. Mas maganda raw sa pandinig ang second name ko kaya yan nalang daw itatawag nya sa akin..

"Teka lang.. Hindi pa ako tapos" pagsisinungaling ko..

"Aba! Pang limang beses mo na yang sagot. Hoy Zitella Lorraine! Lumabas ka na jan!" Alam kong pabiro lang yon ni ate Gelai pero di ko parin maiwasang di mapalabi. Kasi naman! Nahihiya talaga ako! Nahihiya ako na baka maturn-off si Nathan sa akin. Nakakachurva naman kasing buhay to!

Huminga akong malalim tapos dahan dahang binuksan ang pinto... Paglabas ko, isa lang ang naging reaksyon ng kanilang mukha.. All their eyes are widen...

"Oh my god Zel! Natitibo na ata ako!" Biro ni ate Rhea.. Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"I know you're sexy pero ang hot mo pala!" Puna naman ni ate Bernadette..

"Enough guys, Labas na tayo" pukaw ni Olivia sa amin.. Napansin kong tinitigan nya lang ako kanina. Walang reaksyon ang kanyang mukha pero nong makita nya akong nakatingin sa kanya ay nginitian nya ako kaya ngumiti nalang din ako. Baka nagulat lang sha kagaya ng iba.. Kasi nga Maganda ako! Hahahaha.

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon