Fate 12

13K 323 10
                                    

Dedicated po itong chap nato kay @valleriedavid Thanks for reading :)

"Dikya! Dikya! Dikya!" Nanggagalaiting pabulong bulong ko habang panay hablot ng Bermuda Grass. Mapapanot na nga to eh! Paki ko ba! Iniisip ko nalang na buhok to ni Nathan at ng mukhang dikya nyang bestfriend slash first love! Nakuu! Umiinit ang dugo ko sakanila!

"Anong dikya?" Jusko! Hilig ba talaga nilang gulatin ang ganda ko?!

"Yong First Lo- este gusto ko makakita ng dikya at tirisin ng tirisin!" Kulang nalang sabihin kong 'gusto kong tirisin yong dikya mong first love!' Shutangna!

"Are you still mad Zela?" Malambing na tanong nya sabay upo sa tabi ko.. Sinamaan ko sha ng tingin.

"Anong satingin mo?! Matapos mo kong pagtawanan kanina! Lechugas ka!" Ngumiti sha sa akin na litaw yong dimple nya sabay cupped ng mukha ko..

"Wag kana magalit please? I can't bear seeing you mad at me" shit na malagkit! Bat ba ang gwapo gwapo nito?!

"Hoy Nathan! Tigil tigilan mo ako kakaenglish mo jan! Di purket suma cum laude ka ay gumaganyan kana!"

"Hindi pa naman ako suma eh!" Nakapout na tugon nya. Langya! Pag ako di makapagpigil hahalikan talaga kita! Hala san galing yon?

"Parehas din yon engot!" Sabay mahinang kurot ng pisngi nya.. Lambooot! Chansing! Hahaha.

"So bati na tayo?" May magagawa pa ba ako? Eh kigwapo gwapo mo! Pati pwet ko ata may gusto sayo kaya dika matiis!

Tinanguan ko lang sha bilang sagot.. Di ko naman inaasahang yakapin nya ako..

"Nathan..."

"Sssh.. Let me hug you.. Kahit five minutes lang" andemanding ng mokong! Sus! Pakipot kapa Eh yan din naman ang gusto mo Zitella!

"Nathan.. May gusto lang akong itanong.." Nak ng panot! Kinakabahan ako!

"Spill it" tugon nya na hanggang ngaun ay yakap yakap parin ako... Shits! hang bangooo~ hahaha.

"Y-yung... Kagabi... Yong sinabi mo" nag-angat naman sha ng katawan kaya magkaharap ulit kami. Yumuko lang ako.

"Na I like you?" Shutangna! Yong puso ko nagjo-joy to the world na naman sa saya! I remain silent kaya iniangat nya ang mukha ko. Hinuhuli ng mala-hazelnut nyang mata ang aking mga mata.. Di nagtagal ay nanalo rin sha. Magkatitigan kami ngayon..

Huminga sha ng malalim bago magsalita...

"Zela.. Gusto kita.. No crap it! Mahal na kita.." Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Jusko! Lahat ata ng internal organs ko nagtatalon sa tuwa.

"Please... Please Let me court you Zela" di na ako nakasagot ng sakupin ng mga mapupulang labi nya ang labi ko... Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. This is not my first kiss but the sensation we feel right now tells either way.

It was a passionate kiss. Ewan ko pero medyo nadismaya ako nong bumitaw sha. Hoy Zel! Malala na yang pangengerengkeng mo!

"Ano na Zela? Pumapayag ka nabang ligawan kita?" Nangungusap nyang tanong.. Piningot ko naman yong kaliwang tenga nya.

"Hinalikan muna ko't lahat di pa ba ako papayag? Gago!"

"Yes!" Sigaw nya sabay fist pump pa sa ere.

"Tumigil ka nga jan Nathan! Para kang baliw!" Sita ko sa kanya na ngayon ay napakalaki ang tawa.

"Nanay Coriiiing! Nanay!" Sigaw nya.. Kaya halos magkandaugagang lumapit ang matanda sa amin..

"Ano yon anak?! Anong nangyayari?!" Hysterical na tanong ni nanay. Loko naman kasi tong isa. Para namang nire-rape kakasigaw! Yan tuloy nag-alala si nanay. Kala nya siguro may masamang nangyari..

"Nay! Liligawan ko napo si Zela! Pumayag na sha" parang batang sumbong nya. Jusko! May sayad nga talaga sa utak to!

Ngumiti ng sensero ang matanda sabay yakap sa akin..

"Salamat Hija.. Hindi mo alam kung gano ako nagpapasalamat sayo" huh? Naguguluhan man ako sa sinabi nya ay tumango tango nalang ako.

---

Pagsapit ng alas singco ay bumalik na kami ni Nathan sa hotel. Nagpahatid kami sa driver nila sa hacienda.. Habang nasa byahe kami ay naikwento nyang matagal na raw nya kong gusto pero nahihiya lang sha. Akalain mo yon? Isang Nathaniel Steven Ventura nahihiya sa kagandahan ko? Hahaha. Nakwento rin nyang may Bestfriend sha na nagngangalang Kervin. Tapos sabi pa nya na medyo magiging busy sha next Month para sa upcoming thesis nila. After 3 months nalang kasi graduation na nila kaya susulitin daw nya ang panliligaw habang di pa sha busy.. Kinilig naman daw ako don. Haha!

--

"Ayyiiiee! San kayo galing ha?" Pagpasok ko sa quarter ay yan agad ang bungad nila sa akin. Jusko!

"Sa Hacienda Ventura" sagot ko nalang sabay upo sa kama.. Napansin kong wala si Olivia..

"As in?!! Hala! Ang swerte mo naman Zel! Alam mo bang yan ang pinakamalaking hacienda dito sa pinas!" Amaze na paliwanag ni ate Gelai..

"Tama! Alam mo bang matagal ko ng pangarap makapasok jan! Kaso di naman basta basta makakapasok don kahit malaki ang kapit ng pamilya mo. Exclusive na Hacienda kasi yon" mahabang salaysay naman ni ate Jean..

"Teka nga, ano bang meron sa inyo ni steven?" Ngaun, si ate Rhea naman ang nagtanong..

Jusko! Nasa Hot seat ako! Sasabihin ko nalang sa kanila kasi wala namang kwentang magsinungaling ako kasi i'm sure mabilis pa sa alas kwatro kakalat na ang balitang yan. Knowing those psychotic fans ni Nathan!

Huminga ako ng malalim..

"Nanliligaw sya sa akin" pikit kong sagot.. At ayun, isang malakas na 'Yun oh!' at 'ayyiiieee' ang sabay nilang sigaw lahat. Ngunit nahinto kami nang may marinig kaming basag sa labas ng pintuan namin kaya agad naming tinungo ito.. Medyo bukas yong pinto.. Teka, sinirado ko naman ng maayos to kanina ahh. Pero di ko naman nilock..

"OMG!" Sigaw ng iba...

"Ano ba ang nangyayari dito?" Biglang labas ng boys sa room nila. Yong iba pupungas pungas pa. Malamang narinig din nila yong malakas na basag kanina...

Kinindatan naman ako ni Nathan nong naglandas ang mga paningin namin kaya inirapan ko nalang ...

"Sinong nakabasag nyan?" Tanong ni kuya Jushua ata yon..

"Hindi rin namin alam eh.

We're expecting na baka may tao dito sa labas pero pagbukas namin ng pinto ay yan lang ang bumungad sa amin" paliwanag ni ate Gelai..

May isang malaking glass Tupperware kasi na basag na nakahandusay sa sahig na may lamang Frozen Salad...

"ma'am? Sir? Ano po ang nangyayari dito?" Biglang lapit nung guard sa amin...

"Di po namin alam kuya. Paglabas namin may basag na ganyan na jan" paliwanag ko...

"Cge, ako ng bahala dito. Ipapalinis nalang ho namin ito" tumango nalang kami tapos pumasok na sa kwarto...

"Guys? Asan ba si Olivia?" Tanong ko..

"Pinatawag sha ni ma'am Valencia ate" sagot ni Alexa..

"Ahh ganun ba?" Tumango lang sha..

Nagpalit nalang ako sa cr tapos naglaro sa phone ko...




PS: pm for dedication. natuwa lang ako may nagbabasa din pala knowing na ikatlong araw ko pa ata tong ginagawa :) maraming salamat!

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon