Kinahapunan ay nakababa narin sa Hospital si Nathan. Ang sabi ng doctor ay sapat naraw yong dalawang linggong tulog sya para mabawi ang lakas nya. Pero bukas ay kailangan nyang bumalik para sa konting check up. Ang sabi naman ni Nathan kahit wag na raw pero pinagalitan sya ni tito kaya ayun, tiklop ang mokong! Hahaha.
Sabi nya dadaan nalang daw kami dito bukas bago pumunta ng school. 9:30 am pa naman kasi ang exams namin. Sinabihan namin syang wag munang pumasok bukas at sumali sa exam pero alam nyo naman ang boyfriend kong genius, ayaw paaawat basta academics na ang pinag-uusapan. I wonder, paano sya makakasagot bukas e wala syang review at hindi nya alam yong dalawang linggong topics nila. Pero ang sabi nya lang sa akin.. "Just trust your hot boyfriend Zela. I'll show you how extraordinary I am" Myghaad! Halos mabali ang mata ko sa pag-ikot nito sa sinabi nya! At dahil naghahamon ang mokong ay may deal kami. Kung maipapasa nya lahat ng exams nya bukas ay papayag akong magstay sa kanila for 2 nights. Wag kayong berde! Pinakiusapan lang din ako ng mommy nya na tulungan si Nathan sa pagrereview para sa exams nya. Kasi baka hindi raw nya kayanin kasi nga 2 weeks syang absent. Sus! Kung alam lang nya yong sinabi ng anak nyang "I'll show you how extraordinary I am" ay baka pati sya mapaikot ang mata ng 360 degrees.
Sinabi ko narin kina mama yong deal namin ni Nathan at walang kaso naman daw sa kanila kasi may tiwala sila kay Nathan basta daw wag akong uuwing may Pakwan ang tyan. Jusko! Pano naman mangyayari yon?
——
"Kunin mo nga yon Zela" turo ni Nathan sa maliit na unan na nasa couch. Nakaupo kasi sya ngayon sa sliding chair nya sa veranda ng kwarto nya. Oo! Andito kami sa kwarto nya. Gusto raw nya ng quality time with me. Kikiligin na sana ako kaso ang damuho! Kanina pa utos ng utos! Kala mo naman private nanny nya ako! Quality time pala ha! Hmp!
Kinuha ko yong tinuturo nyang unan tapos binato ko sa mukha nya...
"Aray! Para saan yon?" Nakalabing tanong nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Hoy Nathaniel! Kanina ka pa utos ng utos ha! Ano ka lumpo? Putulin ko yang ano mo eh!" Ngumisi naman sya ng pagkalakilaki bago lumapit sa akin.. Shit! Bat parang ang hot nya sa paningin ko?!
"Anong puputulin mo?" Tengene! Ako ba inaakit nya?! Pinagpapawisan na ako. Letche!
"Y-yung ano.... Yung... Ano..." Mas namula ang mukha ko nong ilapit nya ang mukha nya sa akin sabay ngisi ng nakakaloko.
"Anong ano Zela?" Pataas pababang kilay na tanong nya... Kwagong to! Pinagtitripan na naman ako!
"Yung ano ... Yung—" i was stopped when he captured my lips... Ano Zel? First kiss lang? Inosente lang? Letcheng Internal Organs to oo!
"KUYA HELLO NANDITO—-" napalayo kami ni Nathan sa isa't isa nong may biglang dumating... Napatingin ako sa pintuan.. Ghad! Ang ganda pala talaga ng batang ito!
"Nami-koy!" Bati ni Nathan sa kapatid na ngayon ay lumalapit na ito sa amin.. Halatang close silang dalawa. Bakas kasi sa mukha ni Nathan ang pagkatuwa nong makita ang kapatid.
"Kuya Tan-Tan!!" Tapos niyakap nya agad ang kuya nya... Gumanti rin si Nathan. Napangiti nalang ako sa nakikita ko. Endearment palang nilang magkapatid ay bakas na ang closeness sa isa't isa...
"Alam mo kuya. Marami akong ikukwento sayo. Alam mo bang—-"
"Mamaya nayan Nami. Alam kong mala MMK na naman yan" sumimangot naman ang magandang mukha ni Nami sa tinuran ng kuya nya bago nya ako binalingan ng tingin... Ngunit sa di ko inaasahan ay tinaasan nya ako ng kilay. Aba! Malditang bata!
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...