Fate 35

12.8K 291 8
                                    

"Zel anak? Kumain ka naman na oh kahit konti lang. Makakasama iyan sa batang dinadala mo." Sabi ni mama galing sa labas ng kwarto ko na sinabayan nya pa ng katok. 

 "Ate, Kumain kana." Pang-aalo din ni Thea mula sa labas. 

Its been a week. Isang linggo na akong ganito. Tuliro, wala sa sarili at walang ganang kumain. Isang linggo ko ng tinitext at tinatawagan si Nathan para magpaliwanag pero mukhang kinalimutan na nya talaga ako. Naiinis ako! Nasasaktan. Bat nagawa sa akin ni Atasha ito? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya para palabasing may ugnayan kami ni Jefferson? Ngayon ay mas naging malinaw na sa akin ang lahat. Kaya pala humihingi ng tawad sa akin si Jeff dati. Na sana balang araw ay mapapatawad ko raw sya. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa akin! Ang buong akala ko ay totoong kaibigan ang turing nya sa akin! Yon pala ay ginamit nya lang ako para sa mga plano ni Atasha. Bat kailangan nya pang gawin iyon

"May mahal akong babae pero may mahal syang iba." 

Biglang nagpopped sa utak ko yong sinabi nya nong nasa soccer field kami.

Hindi ko lubos akalaing nagpagamit sya sa Atashang iyon dahil mahal nya ito. Naiinis ako! Gusto kong patayin ang babaeng iyon! 

"Anak?" This time ay si papa na ang kumatok. Naaawa na ako sa pamilya ko. Pati sila ay nadadamay. Tumayo na ako at marahang binuksan ang pinto ng aking silid..

Nakita kong lumiwanag ang mga mukha nila kaya ngumiti narin ako kahit pilit man ito... 

"Ma, aalis po ako mamaya." Seryosong saad ko. Nagkatinginan naman silang tatlo. Simula kasi nong gabing iyon ay hindi na ako lumabas ng bahay at nagkulong lang ako sa kwarto. Dinadalhan nalang ako ni Thea ng pagkain na minsan ay hindi ko pa magawang galawin. 

 "Saan ka pupunta anak?" Tanong ni mama. 

 "Kina Nathan po ma." Nakita kong nangunot ang noo ni papa. Alam na kasi nila ang mga nangyari ng gabing iyon kasi sinabi ni Althea sa kanila. I cannot blame them. Kahit ako ay di ko lubos maisip na kaya nyang gawin sa akin iyon. Subalit buo na ang pasya ko. Kailangan kong makausap si Nathan. Magpapaliwanag ako at gusto kong malaman nya na sya lang ang ama ng dinadala ko. 

"Sige na. Kumain kana muna Zitella." Seryosong pahayag ni papa. Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad papuntang kusina.

 ----- 

"Hello Alen?" Tawag ko kay Alen mula sa kabilang linya. 

"Oh Zel! Jusko kumusta kana?!" Alam kong pati sila ni Sasha ay nag-aalala narin sa kalagayan ko. Araw araw ay bumibisita sila pero hindi ko ito pinagbubuksan ng pinto. 

"Mabuti na. May hihilingin lang akong pabor." Napabuntong hininga naman sya. 

"Pwedi bang samahan mo ako sa condo ni Nathan mamaya?" Alam kong ayaw nyang makipagkita ako kay Nathan kasi pati sila ay nasasaktan sa ginawa ni Nathan sa akin. 

"Do you think I have a choice? Ofcourse sasamahan kita nang maputol ko ang churva nyang ex mo!" Halos mapiga ang puso ko sa sinabi nya. Hindi pa naman kami hiwalay diba? Magpapaliwanag pa naman ako diba? 

"Sige na Alen. Around 10:30am puntahan mo ako dito. Isama mo nalang si Sasha kung gusto mo." 

Pagkatapos non ay ibinaba ko na ang tilipono at dagliang pinunasan ang mga butil ng luhang bumutawi sa aking mata.. 

Bat ako nasasaktan ng ganito? 

Ang buong akala ko ay magiging maayos pagkatapos kung sabihin kay Nathan na buntis ako. Subalit naunahan na pala sya ni Atasha! Mas pinaniniwalaan nya pa ang babaeng iyon kaysa sa akin. 

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon