Fate29

10.2K 231 9
                                    

Dalawang Buwan na ang nakakalipas at ngayon ay bagong yugto na naman ng aming buhay.. Pasukan na ulit bukas at sa wakas ay huling taon ko na ito sa kolehiyo. Si Nathan naman ay nagpapatuloy parin sa kanyang review at next week narin ang kanilang Board examination (a/n: pabayaan nyo ng hindi talaga timing ang buwan ng totoong board exam ng Neuro. Haha!). Nakakatuwang isipin na after nyan ay magtatrabaho na sya kaya mas na-iinspired akong mag-aral ng mabuti. 


Sa loob ng dalawang buwan after nong pagkukwento sa akin ni Nathan ng past nya ay naging mas matatag ang aming relasyon. Nagiging smooth at firm ang lahat. About naman kay Atasha ay busy raw ito sabi ni Nathan at hindi na muling nakipagkita sa kanya after nong sa Enchanted. At kung si Jeff naman ang tinatanong nyo, naku! Hindi na sya nagpaparamdam. Gusto ko nga syang makausap tungkol don sa paghalik nya sa akin kasi hanggang ngayon ay kinakain parin ako ng konsenya ko dahil mahal na mahal ako ng boyfriend ko tapos bigla nalang may ibang lalaking nanghalik sa akin. Parang ang panget naman pakinggan non. Minabuti ko ng wag nalang sabihin kay Nathan kasi baka magkagulo pa. Baka sugurin at bugbugin nya si Jeff. Alam nyo naman yong pogi kong boyfriend napaka-hot! Hahaha.


Tungkol naman doon sa nangyari sa amin ni Nathan ay hindi na namin ito napag-uusapan pa. At hindi narin iyon nasundan kahit gustong magwelga ng Internal Organs ko. Juskopo! At masaya kami kasi kolehiyo narin si Althea. Kagaya ng plano nya ay BS in Chemistry ang kinuha nya sa UP. Subalit mas mauuna ang pasukan namin kasi August shifter sila. Bale sa August pa yong pasukan nila. At ang loka natuwa pa! Kung ako yon, naku! Baka magbigti na ako. Mas gusto ko kasing may pasok parati. Kahit naman boring yong ibang subjects ay mas nag-eenjoy ako sa school kaysa dito sa bahay...


"Anak?" Pukaw sa akin ni mama.. 


"Ano po yon ma?" Tanong ko naman. Andito kami sa kusina ngayon. Tinutulungan ko si mamang magluto ng panghapunan namin.. Si papa ay nasa sala nanonood ng wrestling at si Thea naman ay nasa kwarto nag fe-facebook ata.


"Pakihiwa nga nyang Sibuyas pati bawang. Tapos ihanda mo narin yong paglalagyan nito sauce ok?" Tumango naman ako sa ipinag-uutos ni mama bago sinimulang manghiwa ng sibuyas. Nagluluto si mama ng adobo at Calamaris ngayon at ako naman ang assistant nya. Paborito kasi ni papa yong adobo ni mama na may pinya. Tapos paborito naman namin ni Althea yong calamaris nya kasi ang galing gumawa ni mama ng sauce.


"Ma? Nong ipinanganak mo ba kami ni Thea ay masakit?" Nagulat si mama sa tanong ko maski nga ako ay nagulat din. Ewan ko ba! Bigla bigla nalang pumasok sa isip ko yan..


"Bakit? Magkakaanak kana ba anak?" Biro ni mama na pinamulahan naman ako. Naalala ko kasi yong nangyari sa amin ni Nathan eh. Teka.. Oo nga no? Pano nalang kung may mabuo nga kami? Shit! Paano pag-aaral ko? Paano sina mama at papa? Itatakwil ba nila ako? Ok, kalma lang Zel! Wala ka namang nararamdamang kakaiba diba? Tsaka hindi na namin inulit gawin yon kaya imposibleng makabuo kami diba? 


"Zel?"

"H-Ha? .." Napatulala na pala ako. 

"I mean.. Wala lang ma. Naisip ko lang bigla kung gaano kahirap mo kami isinilang ni Thea." Ngumiti naman si mama tapos nilapitan ako at hinaplos haplos ang mahaba kong buhok...


"Alam mo anak.. Wala ng hihigit pa sa sayang naramdaman ko noong ipinagdadalang tao at ipinanganak ko kayo ng kapatid mo. Masakit nga ang pagli-labor pero walang tutumbas sa sayang nararamdaman ng isang ina pagnasilayan na nya ang kanyang anak." Di ko napansing napaluha na pala ako... Mahal na mahal talaga kami ni mama at mahal na mahal ko rin sya kahit hindi ako gaanong ka-vocal sa mga nararamdaman ko pero alam kong dama iyon ni mama... Niyakap ko sya ng mahigpit...

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon