Dalawampung minuto nalang at lalapag na ang eroplanong sinasakyan namin ng anak ko. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na'to. Kaba dahil dadapo na naman ako sa bayang naging saksi ng paghihirap na dinanas ko at excitement dahil sa wakas ay makakasama ko na ulit sina mama. Every summer lang kasi nila kami dinadalaw sa Malaysia at alam nyo bang nag-aaral ngayon ng Medicine si Althea? After she graduated as their batch Magna Cum Laude ay nagpatuloy sya ng medisina sa isang tanyag na International school sa Pilipinas. Magse-second year na sya sa med-school kaya konting push nalang ay magiging doctor na sya. She's 21 narin at ang alam ko ay may nobyo ito at apat na taon na sila. Long live eh! Nakakabitter nga! Hmp!
About naman sa mga lokarets kong mga kaibigan, mga successful narin ang mga bruha! Alen and Kevin got married last year and Alen is 5 months preggy. Si Atasha naman ay may sarili na itong primary type company at CPA lawyer narin! Sabi nga nya, sya raw ang kunin kung lawyer sa susunod na sagupaan namin ni Atasha! Baliw talaga!
Matagal na naman iyon at matatanda na kami para sa mga cat fights na yan. Siguro dati gusto ko pang kalbuhin si Atasha Pero ngayon mas gusto ko pang manahimik nalang at ibuhos ang atensyon ko sa aking anak. Marahil ay natatanggap ko na rin na wala na talaga akong puwang sa puso ni Nathan at baka si Atasha narin ang nakatadhana sa kanya. Masakit man pero wala na tayong magagawa. Basta ang alam ko, masaya ako dahil dumating si Angelica sa buhay ko kahit ang kanyang sariling ama ay walang alam na ipinanganak ko ang sarili nyang laman at dugo. Hindi nya kasi ako nagawang paniwalaan dati eh..
"Nanay?" Naibalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Angelica..
"Yes Baby?" Nagtatakang tinitigan naman nya ako...
"Baba na po tayo. Kanina pa po landing ang plane." Nakasimangot na saad nya.
Marahan ko namang pinisil ang kanang pisngi nya at hinalikan ito...
"Sorry Baby ha? May iniisip lang kasi si nanay." Sabi ko sabay tayo at kinarga sya gamit ang kanang kamay ko at hawak hawak naman ng kaliwang kamay ko ang malaki naming stroller bag at pagkatapos ay naglakad na kami palabas.
"Zitella!" Kilala ko ang boses na iyon!
"Kuya JJ!" Nakangiting lumapit sya sa amin at kinuha sa akin si Angelica..
"How's our pretty baby?" Tanong ni Jefferson kay Angel. Yumakap naman sa leeg nya ang bata..
"Quite good Tito!" Napangiti nalang ako sa closeness nila...
Matagal ko na pong napatawad si Jefferson. It was a month after I gave birth to Angelica nong pinuntahan nya ako sa Malaysia at humingi ng tawad. Nagpabulag raw sya sa nararamdaman nya dati. But He told me na totoo lahat ang kabutihang ipinapakita nya sa akin dati. Tatlong buwan bago ko sya napatawad. At after non ay bumalik ang aming closeness hanggang sa naging close narin sila ni Angelica nong lumalaki ito. Parati kasi nyang dinadalaw ang bata tuwing may Business trip sila sa Malaysia. Isa na po syang tanyag na CEO ng kompanya nila...
"Nanay! Kanina ka pa po space out!" Maktol ni Angelica habang bitbit parin ni Jeff..
"Hayaan mo nalang iyang nanay mo Baby. Tumatanda na kasi." Nakangising sabi ni Jeff. Bumungisngis naman si Angel..
"Che! Para ka namang hindi tumatanda!" Nakalabing saad ko...
"Ito talagang kapatid ko, napakapikunin!" Sabi nya sabay akbay sa akin. Bale, ang kaliwang kamay nya ay nakaabay sa akin at ang kanang kamay nya ay nakapasan kay Angel... Napangiti nalang ako sa sinabi nya.
"Nasan sina mama? Nakakatampo naman sila! Dapat nandito sila eh!" Maktol ko habang naglalakad na kami patungo sa kotse ni Jeff...
"May surpresa daw sila sayo kaya ako ang pinasundo nila." Sus! Mga kalokohan nila! Hahaha. Tumango nalang ako at pumasok na kami sa kotse nya. At maingat nya itong pinaandar at nagmaneho...
----
"ATEEEEE!!" Sigaw agad ni Althea nang makita nya akong bumaba sa kotse ni Jeff. Sya lang mag-isa kaya i'm sure nasa loob sina mama...
"Althea!" Yumakap agad sya sa akin nong makalapit sya.
"I miss you ate! Where is my pamangkin?" Napatingin naman ako sa loob ng kotse.. Ayun, tulog pala si Angelica... Nilapitan ko ito at kinarga..
"Aww. Napagod ang cutie patotie namin!" Saad ni Thea habang inaayos ang buhok ni Angel...
"Mauuna na ako." Napatingin naman kami kay Jeff..
"Huh? Hindi kaba papasok?" Ngumiti sya at umiling..
"Hindi na. Nagtext kasi si Cathy. Nagpapasundo." Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Ikamusta mo nalang ako sa kanya." Tumango si Jeff at pumasok na ito sa kotse nya.
Si Cathy ay yong dalawang buwan na nyang fiance. Parents agreement eh kaya wala na silang nagawa pero buti nalang at mukhang nagkakamabutihan na sila.
"Tara na ate! May surpresa kami sayo!" Naguguluhan man ay sumunod nalang ako kay Thea at dahan dahan nyang binuksan ang main door....
"Surprise!! Welcome Back Zel!" Sigaw nilang lahat.. Yong ngiting kanina lang ay suot suot ko, unti-unti itong napawi nang mapadako ang tingin ko sa isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko sa ganitong sitwasyon...
"Welcome Back Zela." I can't help it.. May mga luha na palang umaagos sa mga mata ko...
"I'm so sorry." Hindi ako nakapagreact.. Talaga bang si Nathan itong nasa harapan ko? Talaga bang hindi ako nanaginip?
"N-nanay?" Pupungas pungas na sambit ni Angelica habang humihikab. Kagigising nya lang...
"Huh?" Takang reaksyon ulit nya nong mapako ang mata nya sa taong nasa harapan nya. Pati si Nathan ay nanlalaki ang mga mata.
"Why do I looked like you?" Takang tanong ni Angelica kaya sumabat na ako. Hindi pa ito ang tamang oras. Ayaw kong biglain ang bata..
"Ah Baby? Sa taas muna tayo ok? May sasabihin lang si nanay." Dagli akong naglakad at nilampasan si Nathan na hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala. Nilamapasan ko rin sina mama at sina Alen na binigyan ako ng apologetic smile kaya tumango nalang ako...
"Nay? Ano po sasabihin mo?" Tanong nya nong ibaba ko sya sa kama.
"Baby, pagod pa si nanay eh. Rest muna tayo ok?" Nag-isip isip naman sya...
"Eh sino po yong lalaki kanina nay? Bat parehas kami mukha? Is he my tatay?" Jusko! Napabuga nalang ako ng hangin...
"Angel? Wag muna makulit ok? Masakit na ulo ni nanay. Later nalang tayo usap ok? Lika ipaghehele ka ni nanay." Tumango naman sya at lumapit sa akin na nakangiti. Niyakap ko sya at hinimashimas ang likod...
"Love you nanay." Sabi nya bago pumikit at isiniksik ang mukha nya sa leeg ko...
"I love you more Baby Angel." Then I started humming...
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nandito si Nathan. Matagal na ba syang napatawad nila mama? Bat hindi nila ipinaalam sa akin? Alam na ba nyang wala talaga akong kasalanan? Na sya lang ang bukod tanging lalaking minahal ko? At ngayon ba ay maniniwala na syang anak nya talaga si Angelica?
Oh God!
Anong klaseng kapalaran ito?
Is this one of those twisted fates?
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...