Pagkatapos nong Pagpasyal namin ni Nathan sa Baguio ay hindi na muli itong nasundan pa dahil sobrang hectic na ng mga schedules namin.
2 days Thesis Defense na nila simula bukas kaya buong linggo syang focus sa Thesis nya. Ako naman ay busy rin para sa finals ko na magsisimula din bukas. Bale yong mga graduating students ay nauna ng magtake ng Finals last week para raw makapagfocus na sila sa kanilang Defense.
Kahit naman busy si Nathan ay hindi parin nya ako nakakalimutang ihatid at sunduin at bigyan ng mga sweet texts at phone calls. Hindi narin ako nakakabisita sa kanila at ganun din sya sa amin. Nabalitaan ko ring nakauwi na ng America si Nami last week at Babalik raw next month. Sayang hindi tuloy ako nakapagbeso-beso sa kanya! *insert sarcasm here* Hahaha!
Wednesday ngayon at nasa library ako. May nireresearch lang ako para sa reviewer ko. Last day nalang kasi to para makapagreview kasi bukas na nga magsisimula ang final exams na magtatapos naman sa sabado. Mag-isa lang ako dito kasi nasa Faculty office si Alen nautusan ng Professor namin. Tanda nyo pa ba yong natulugan ko dati? Hahaha. Oo! Sya nga po yon. Parating si Alen kasi inuutusan non. Minsan nga binibiro ko si Alen na baka ginayuma nya yong matandang hukluban na yon. Hahaha! Si Sasha naman ay may klase pa at mamayang 3pm pa ang break nya.
Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga silya sa library habang nagbabasa ng libro. Napatingin naman ako sa Long table kung saan ako naroroon ngayon... Nasa may left corner kasi ako.. Napayuko nalang ulit ako. The feeling of Isolation. Walang ni isang nakiupo sa mga silyang nasa Table na ginagamit ko. Lahat sila ay nasa kabilang corners. Yong iba busy sa pagbabasa. Yong iba naman ay minsan nililingon ako at binibigyan ng matatalim na tingin. Ghad! Hanggang kailan ba nila ako tatantanan? 3 months na kami ni Nathan pero hanggang ngayon ay binubully parin nila ako ng palihim. Umiiyak at nasasaktan parin ako ng palihim.
Hindi ko nalang sila pinansin. I just focused on what I'm reading. Habang nagbabasa ako ay may napansin akong umupo sa harapan ko kaya napatingin ako rito. Medyo nagulat ako. Sino ba naman ang hindi magugulat, si Jefferson Collins ang nasa harapan ko ngayon na nakangiti sa akin. Isa sya sa mga Varsity ng Soccer team dito sa school. Tulad ni Nathan ay sikat rin ito at tinitingala ng mga students dito. Dati nga naging crush ko pa to. Kasi naman ang gwapo gwapo tapos ang galing pa maglaro ng soccer. Well, MAS gwapo naman yong boyfriend ko ano!
"Hi" maikling sabi nya habang nakangiti sa akin.. Langya! Yong ngiti nya pamatay! Ang gwapooo~ Hoy Zitella Lorraine! May boyfriend kana! Wag nang kumerengkeng pa!
"H-hi" nahihiyang tugon ko tapos yumuko sa binabasa ko. Medyo natuwa naman ako kasi nga may umupo na sa table ko.
"Ano ba yan. Hindi lang GD, Haliparot pa!"
"Oo nga! May Boyfriend na nga, lumalandi pa sa iba."
"Baka si Jeff na naman yong susunod na peperahan nyan"
Shit! Di ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko.. Bat ba nila nasasabi yang mga yan? Hindi ko naman piniperahan ang boyfriend ko ah! At hindi ko ginagamit si Nathan!
"Use it" biglang abot ni Jefferson sa akin ng Panyo nya. Nagulat naman ako kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti ito...
"Wag mo nalang silang pansinin. You know your self more than their judgements" nakangiting sabi nya kaya napangiti narin ako bago kunin ang inoffer nyang panyo at pinunasan ang mga luhang umaagos sa aking pisngi.
"T-thank you" mahinang sabi ko.. Ngumiti ulit ito..
"No problem Zitella" saad nya na medyo ikinagulat ko.. Siguro nga ay kilala nya ako dahil nga kalat na sa buong campus na kami na ni Nathan..
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...