Fate 9

13.1K 314 7
                                    

Bandang alas siete y media ng gabi nong pinatawag kami ni ma'am Valencia para kumain ng hapunan.. Sabay sabay kaming bumaba at nagtungo sa isang Mongolian Restaurant sa baba ng hotel...

"Zela?" Bat ba ako palagi pinupuntirya ng kwagong to? Kwago daw eh halos malaglag na nga fallopian Tube mo sa kagwapohan ng lalaking yan! Langyang utak to! Umaariba na naman. tsk!

"Ano na naman ba?!" Iritang tanong ko...

"Ayiiieee. LQ!!" Tangna! Ayan tuloy kinantyawan nila kami..

"Ahem. Sege na umupo na kayo" nagulat naman ako sa sinabi ni ma'am. Hala! Kami lang pala ni Nathan ang naiwang nakatayo. Nakakahiya!

"Ikaw kasi!" Mahinang sita ko sa kanya sabay kurot ng tagiliran nya bago ako umupo.. Chansing! Hahaha..

---

Matapos ang tour kuno namin sa mga conference room ay pinabalik na kami sa quarters namin para makapagpahinga.. Naghugas lang ako ng paa, kamay at mukha.. Di na ako nag bihis kasi nakapagbihis na naman ako kanina. Bale nakashorts at fitted tshirt lang ako...

"Guys! Laro tayo!" Suhistyon ni ate Gelai.. Anyways, nakapagpakilala na kami sa isa't isa kanina.. Nalaman ko na kaming tatlo lang ang 3rd year dito puro mga graduating na yong iba. Masaya naman silang kasama. Napaka kalog! Nalaman ko ring puro sila anak ng mga Business elites sa loob at labas ng bansa. Ang tarush!

"Sege! Sege! Sege!" Sigaw nila.. Ngumiti lang ako. Ayaw ko maglaro eh.. Truth or Dare lang naman yong lalaruin nila. Napaka-old school mashado. Haha!

Nagsimula na silang pumurma ng pabilog kaya ako nalang yong naiwang nakaupo sa kama.

"Ate Zel? Di ka ba sasali?" Tanong ni Alexa. Sha yong pinakabata sa amin.. 17 years old. Accelerated kasi sha kaya ganon..

"Nah. Di ako mahilig sa mga ganyan. Hehe kayo nalang" sagot ko sa kanya..

"Ang KJ naman neto! Sali kana kasi Fren" si Olivia yong nagsalita..

"Promise okey lang ako dito. Kayo nalang. Medyo masama rin kasi pakiramdam ko" pagdadahilan ko.. Ayaw kong sumali kasi ayaw kong magshare ng mga personal stuff.

Tumango nalang sila at nagsimula na sa paglalaro... Medyo natatawa ako sa kanila lalo na nong nag Dare si ate Rhea, at ang ipinagawa nila sa kanya ay pinalabas nila sha sa room at pinakatok sa boys room na katapat ng room namin tapos ng may nagbukas ay sumigaw sha ng "Ako si Darnaaa!!" Hahahaha. Yong mga boys hagalpak ng tawa. Pati narin kami. Pano kasi ang epic ng mukha nya. Hahaha

Meron ding nagtruth kagaya ni Olivia. Tinanong lang nila kong magkano ang net income ng family nila every month at as expected..

"2 Billion Dollars" . pero nashocked parin ako! Hala! 2 Billion talaga ha! Tapos Dollars pa! Ano yon? Literal na Money Maker lang? Haha. Pero ang yaman naman talaga! Sabi nya may 40 companies/industries sila sa iba't ibang bansa. Nahiya naman yong dalawang maliit na Bakery namin!

"Ahh. Labas muna ako guys. Papahangin lang" sabi ko.. Naglalaro parin sila.

"Awhhiiee! Papahangin daw. If I know magkikita kayo ni Steven" Panunukso ni ate Zandra..

"AYYIIIEEE!!" kantyaw nilang lahat..

"Che! Hindi no!" At yon lumabas na ako.. Pumunta lang akong Garden ng Hotel. Wala mashadong tao dito kasi gabi na. Umupo ako sa isang Bench doon at tumingala sa langit.. Ang daming bituin. Namimiss ko tuloy sina mama...

"Ang lamig naman" bulong ko... Nakasando lang kasi ako. Tinanggal ko kasi yong tshirt ko kanina. Gabi naman eh wala namang makakakita mashado...

Nagulat naman ako nang may biglang jacket ang pumulupot sa akin kaya napatingala ako...

"B-bat ka nandito?" Shemay! Nauutal na naman ako! Umupo sha sa tabi ko...

"Magpapahangin din sana. I didn't expect that you were here too" tapos tumingala sha..

Buhat ng liwanag na nagmumula sa kalangitan ay inididitalye nito ang katangusan ng kanyang ilong... Bat ba ang gwapo ng lalaking to?

"Baka matunaw na ako nyan" napayuko naman ako sa kahihiyan. Nakatutok na pala ako sa kanya.

Nabigla ako ng hawakan nya ang ilalim ng baba ko at ipinaharap nya ako sa kanya. Lintek na pusong to! Bat ba ang bilis ng tibok?!

"Zela.." Bat parang ang sarap pakinggan ng pagkakabigkas nya ng pangalan ko?!

"A-ano?" Nauutal kong tanong. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Shit! Nalulunod na ako! Ano ba'to?!

"I.. I like you" O_O

"H-huh?"

Sasagot na sana sha nang biglang...

"Yllustre? Ventura? Ba't nandito pa kayo sa labas?" Napatayo kaming pareho ni Nathan sa gulat...

"Ahh.. Ma'am.. Kasi..." Shit! Bat di ako makasagot ng maayos?!

"May pinag-uusapan lang kami ma'am. Tungkol sa academics. Sege alis na po kami" tapos hinila na nya ako papasok... Langyang lalaki to! Anong klaseng palusot yon?!


The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon