Naging maayos naman yong Dinner namin ng family ni Nathan. Diba nga Family gathering nila iyon at malamang lahat ata ng kamag-anak nila nandon. Nahihiya nga ako eh. Lalo na nong pinakilala ako ni Nathan sa mga kamag-anak nya. Buti naman at boto sila lahat sa relasyon namin. Si Nami lang naman ang maitim ang Budhi eh! Haha. Joke lang! Himala nga at di na ako masyado tinatarayan non pero di rin nya ako pinapansin. At di ko nalang din sya pinapansin para walang gulo.
Two weeks na nga pala ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkakabati ni Alen.. Talagang nagtatampo parin ako sa kanya eh! Minabuti nya ring wag muna akong kausapin baka nararamdaman nyang ayaw ko pa syang makausap kaya pati si Sasha ay nadadamay. Kasi sila yong palaging magkasama kaya ako itong lumalayo nalang. Kagaya ngayon dito ako kumakain ng lunch sa soccer field mag-isa. Tahimik kasi tsaka nasanayan ko narin na dito tumambay simula nong umalis si Kuya JJ! Yan yong bago kong tawag kay Jeff. Hangkyot diba? Haha! Si Cindy naman ay inaalagaan ni Thea pag nandito ako sa school.. Aliw na aliw nga sya sa tuta eh. Pati sina mama ay nacu-cutan din. At ang pogi kong boyfriend nagagalit baka raw kasi magkahika ako. Sus! Kinikilig lang ako eh tuwing nagagalit sya. Hahaha!
And guess what? Sa maniwala kayo't sa hindi. Top Notcher po ang Boyfriend ko! Nakakatuwa nga eh kasi ako yong unang tumingin sa web ng PRC. Tapos si Nathan ay nasa Party ng company ng pamilya nya that time then nang matapos yong party ay tinawagan ko syang dumaan muna sa bahay at ginawa nga nya. May kalokohan kasi akong naisip that time kaya ginawa ko nga. Pagpasok nya sa bahay non ay kunyaring pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko kaya nagtaka sya. Sinabi ko sa kanyang wala ang pangalan nya sa mga pumasa sa Board Exam at halos magbreakdown sya sa sinabi ko kaya kunyari ko namang kinomfort. Ang buong akala ko ay nasasaktan sya sa hindi nya pagpasa dahil nahihiya syang harapin ang judgements ng mga tao lalo na't Suma Cum Laude pa naman sya ng isang prestigious school dito sa bansa ngunit hindi pala yon yong rason nya...
"Paano na yan ganda? Nahihiya ako sayo dahil hindi ko muna matutupad yong pangako kong makapagtrabaho agad at makapag-ipon para mapakasalan na kita.. Sana wag kang makipagbreak sa akin Baby." Yan yong sinabi nya na syang nakapagtalon ng puso ko. Hindi ko lubos maisip na mas natatakot sya na hiwalayan ko sya dahil hindi sya nakapasa ng exam. Hindi naman ako baliw ano! Kahit naman totoong hindi sya nakapasa ay magiging proud parin ako sa kanya at magpapakasal parin ako sa kanya balang araw. Mahal na mahal ko sya at hindi ko sya ipagpapalit sa kahit anong materyal na bagay.. Kaya ayon, tinawanan ko sya ng malakas na syang ikinagtataka naman nya. At enexplain ko sa kanyang Biro lang lahat ng sinabi ko at sya ang Topnotcher ng course nila. Halos di sya makapaniwala sa sinabi ko.. Sa sobrang saya nga nya ay halos ihagis na nya ako sa ire! Kaloka! At may malaking selebrasyon next week sa mansyon nila para don sa pagkapasa nya. Lahat ng studyante at staff ng school ay masaya sa achievemen nya. Lalong lalo na ang parents nya.
"Ang saya natin ah." Napunta naman ako sa realidad nang may biglang nagsalita. Pagtingin ko ay napangiti ako. Antagal ko na syang di nakikita ah!
"Olivia!!" Ngumiti sya sabay upo sa tabi ko.. Kanina pa pala ako naglalakbay sa aking isipan na di man lang napagtantong may tao na pala sa harapan ko.
"Kumusta kana Zel? Teka, sure kang mauubos mo lahat yan?" Napatingin naman ako sa itinuro nya at napangiti... Nagtataka siguro sya. Mayron kasi akong isang malaking Lunch ware na Kanin lang ang laman tapos isa na namang lalagyan para sa ulam kong lobster, sisig at Hot dog. Tapos may isa na naman para sa dessert kong isang buong maliit na Chocolate moist cake at Salad. May dala rin akong mangga na binili ko kanina sa kanto at isang fresh Buko juice. Maski ako nga ay nagtataka kong bakit ko na uubos ito. Halos araw araw ay yan na ang binabaon ko. Minsan nga ay nagkukulang pa at napapabili pa ako sa canteen. At tuwing gabi bago ako matulog ay nilalantakan ko ang Ice cream sa fridge namin.. Sila mama nga ay nagtataka dahil lumalakas ang kain ko. Pero masaya raw sila kasi tumataba ako! Hmp! Sila lang ang natutuwa! Naiinis na nga ako kasi halos masikip na lahat ng mga damit ko sakin! At mas lalo pa akong naging spoiled sa pagkain dahil araw araw bago ako ihatid ni Nathan ay pinapakain muna nya ako ng mga niluluto nya. At syempre ginaganahan naman ako!
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...