Fate 31

9.7K 246 7
                                    


I was in my room gumagawa ng project nong bigla na lang sumakit ang tyan ko. Shit! Namilipit ako sa sakit. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa..

"Ate? Oh God! Ate!!" Agad na napatakbo sa kinaroroonan ko si Althea..

"Mom! Mom!" Saklulo nya. Halos hindi na ako makagalaw sa sakit na na bumabalot sa tyan ko at Nararamdaman kong may likidong umaagos sa binti ko..

"Jusko! Anong nangyayari dito?!" Yon nalang ang huli kong narinig dahil nawalan na ako ng malay...

---

"Wag nga kayong maingay. Ssshh!"

"Naku! Mapepektusan ko talaga yang anak nyo tita!"

"Ano kaba Alen! Sinabi ng wag kang maingay baka magising si Zel.."

Samu't saring tinig ang naririnig kong nag-uusap na syang pumukaw sa akin kaya marahan akong napadilat... Puting kisami agad ang bumungad sa akin.. Napalinga ako sa buong kwarto at doon pa nila napansing gising na pala ako..

"Jusko! Buti nama't gising kanang bruha ka!" Bwelta agad sa akin ni Alen.. Teka, ano ba ang nangyari?

"Nahimatay ka anak." Sabi ni mama na para bang nabasa ang tanong sa aking isipan..

"A-ano po ba ang nangyari? Bat sumakit yong tyan ko? Tsaka yong ano yong likidong..." Di ko tinapos ang tanong ko kasi kinapa ko yong binti ko at wala na yong likidong umaagos kanina.. Nakita kong nagkatingan silang lahat. Sina Alen, Sasha, Althea at mama ang nandito.. At oo nga pala, nagkabati na kami ni Alen last week.

"Pwedi bang maiwan nyo muna kami?" Seryosong pakiusap ni mama kina Alen at agad naman silang sumunod. Bale, kami nalang nila mama ang naiwan dito. Seryoso ang mukha ni mama kaya medyo kinabahan ako... Pinilit kong makaupo kaya tinulungan nya ako. Pagkatapos ay umupo sya sa paanan ko... Hindi nagsasalita si mama. Nakatitig lang sya sa akin. Bat parang kinakabahan ako?

"Ma?.." Pukaw ko sa kanya. Kumurap naman sya at si di ko inaasahan ay may luhang bumutawi sa kanyang mata kaya nagtaka ako..

"Ma? B-bat po kayo umiiyak?" Ngumiti si mama ng pilit bago nya punasan ang mga luha nya at pagkatapos ay hinawakan nya ang magkabilang kamay ko bago huminga ng malalim...

"Anak naman... B-bat hindi mo sinabi sa amin?" Huh? Ano ang hindi ko sinabi sa kanila? Naguguluhan ako!

"Ano pong ibig nyong sabihin mama?" Pumikit sya at para naman akong naitulos sa kinauupuan ko sa mga sumunod na lumabas sa kanyang bibig...

"You're 4 months pregnant Zel." Napahawak ako sa bibig ko. Nagulat at kinakabahan.. Alam ko naman na posibleng buntis ako dahil sa mga kinikilos ko pero iba parin pala talaga na hindi nalang ito haka haka.. Di ko namamalayang napahagulgol na pala ako. Niyakap ako ni mama...

"Tama na anak. Makakasama iyan sa batang dinadala mo." Pang-aalo ni mama.. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Nahihiya ako kay mama.. Nahihiya ako sa sarili ko. Pano na ang pag-aaral ko? Ano nalang ang sabihin ng ibang tao? Na kibata-bata ko ay buntis ako.. Natatakot akong harapin ang maari nilang ihusga sa akin ngunit ang isang bagay na alam ko... Hindi ko pinagsisihan na nabuo namin itong dinadala ko dahil sa pagmamahalan namin ng ama nya.

"Mama.. I-i'm sorry... Patawad po mama." Umiiyak parin na saad ko. Hinarap nya ako at pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang kamay nya...

"Nangyari na iyan Zel. Wala na tayong magagawa. Kahit naman bugbugin kapa namin ay hindi na maaalis iyan." Pabirong sabi ni mama. Alam kong pinapagaan nya lang ang atmosphere pero bakas sa mukha nya ang lungkot..

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon