Nagsilabasan na kaming mga Girls tapos agad na nagtungo sa Dagat.. Yong iba tumakbo na sa dagat para mag-swimming. Nandot na kasi yong mga Boys. Ako naman ay parang ayaw ko pang maligo. Buti nalang naglagay muna ako ng cover sa katawan ko. Ayaw ko namang pagpyestahan ng mga lalaki jan sa tabi ano! Tatanggalin sana nila ate Gelai pero sabi kong wag muna. Pumayag naman sila basta daw tangtanggalin ko raw mamaya. Tumango nalang ako sa kanila kahit ayaw ko...
Umupo ako sa isang long sliding chair doon na kahoy na nakaharap sa dagat. Medyo mainit pa naman kasi kaya ayaw ko pa maligo. Hello! Alas onse po ng umaga at tirik yong araw! Yong mga kasamahan ko kasi mga kalabaw kaya mahilig magtampisaw kahit mainit. Haha!
"Beautiful Flower for a Beautiful Lady" napatingin naman ako sa nagsalita at napangiti ako nang abutan ako ni Nathan ng kapirasong Pink Gumamela na may medyo mahabang stem. San kaya nya napitas to?
"Pasensya kana yan lang kasi nakita ko don sa may garden" nakakamot sa ulong sabi nya. Ang cute nya lang magblush!
"Ano kaba! Kahit naman ninakaw mo lang yan ay na appreciate ko parin" Pambibiro ko sa kanya...
"Grabe ka namang ninakaw! Di ba pweding nagpaalam sa may-ari?" Nakalabing sabi nya kaya di ko na napigilang halikan sya sa labi. Smack lang yon pero kung maka ngisi ang kwago kala mo naman nanalo sa lottery!
"Isa pa nga" tapos ngumuso pa sha.
"Gusto mo na ba talagang maputulan ng—-asgjkfgh" tinakpan nya bigla ang bibig ko kaya di na maintindihan yong huling sasabihin ko.. Sasapakin ko sana sya nang bigla nya akong yakapin kaya niyakap ko narin sya ng mahigpit...
*Poke*
T-teka... Ano yong kumakalabit sa may bandang puson ko? Bat parang matigas na.... Aw shit! Pinikot ko ang kaliwang tenga ni Nathan kaya napa aray sya sa sakit. Gagong to! Ang aga aga gumaganyan!
"Ano ba Babe. Kasalanan ko bang active ngayon si Bet—-" Di na nya natapos ang sasabihin nya nang hilain ko ang buhok nya at kinaladkad papuntang dagat...
"A-aray babe. Maawa ka naman sa pogi mong boyfriend"
"Pogi pala ha!" Ayun! Tinulak ko sya sa dagat kaya sapul ang mukha nya sa ilalim. Hahahaha!
"Hahahaha. Wagkang sumidsid jan sa mababaw pare. Don ka sa malalim mag Aryana!" Pang-aasar ni Mark kaya nagtawanan kaming lahat.. Sinamaan nalang sya ng tingin ni Nathan tapos seryosong tumingin sa akin.. Uh-oh! I can smell it, I can feel it... Kaya run for your life nalang ang nagawa ko nang habulin ako ni Nathan.. Pero ano ba ang laban ko sa mga poging abs nya? Ayun, nahuli nya rin ako...
"Bitawan mo ako Nathan. Isa!" Ginarga nya kasi ako. Yung pangkasal na karga..
"No way Zela" antaray talaga ng lolo nyo! Pektusan nyo nga!
"Nathan naman ehhh" nakatayo lang kasi sha don tapos karga parin ako habang nakatitig sa akin kaya naiilang talaga ako!
"Wag mo akong titigan ng ganyan! Alam kong maganda ako!" Biro ko. Ngumisi sha sabay sabing "I know. But you will look prettier kung ihahagis kita sa dagat" uwaaaah! At ang Kwago inihagis ako sa dagat! Buti nalang marunong akong lumangoy! Langyang yan! Ayun! Sumasakit ang tiyan kakatawa! Sana nga magkapulmonya kang bwiset ka!
"Ayiiieee. Ang sweet nyo talaga" biglang lapit ni olivia sa akin...
"Anong sweet! Eh halos magmatayan nga kami nyan araw araw eh"
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...