Bukas na ang kaarawan ni Nathan at nandito ako ngayon sa isang National Book Store malapit sa Ateneo para bumili ng ireregalo ko sa kanya. Napag-iisip-isip ko kasi na mas maganda parin kung kahit papaano ay may mairegalo ako sa kanya bukod doon sa sasabihin ko. Busy sila sa preparations doon sa mansion nila ngayon kaya pati sya ay busy rin. Pinapatulong kasi sya ni tita eh. Bale, triple celebration na iyo. Una ay don sa pagkapasa nya sa board exam (kahit na kapagcelebrate na naman sila), pangalawa ay dahil naipasa nya yong interview sa Germany at next month ay balak na ata nyang i grab yong malaking opportunity na iyon at syempre ang pangatlo ay dahil kaarawan nya. I'm pretty sure na invited ang Faculty and Staff sa school at mga Business Elites na kaibigan ng parents nya.
"Ma'am? Ano po yong hinahanap nyo?" Tanong nong sales lady sa akin..
"Mayron ba kayong new edition ng A Step To Extraordinary Neurology ni Johnson Schaefferson?" (a/n: gawa gawa ko lang po yan kaya wag nyo ng hanapin. Haha!) Yan yong napili kong iregalo kay Nathan kasi may koleksyon sya nga mga libro ni Johnson Schaefferson. At nong one time na nag-usap kami ay nasabi nyang bibili raw sya ng new edition ng A Step To Extraordinary Neurology ngunit wala raw syang time pumunta sa National Bookstore.
"Meron po ma'am. This side po." Iginaya ako nong babaeng sales lady sa istante nang librong iyon..
"Salamat." Sabi ko at pagkatapos ay umalis naman sya. Habang binabasa ko yong likod ng cover page ng libro ay may tumayo malapit sa akin na parang naghahanap din ng libro.. Ginawaran ko ito ng tingin at ganon nalang ang panlalaki ng aking mga mata dahil si Atasha ang katabi ko ngayon.
Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya napako ang tingin nya sa akin. Nong una ay nagulat din sya ngunit nang makabawi ay ngumisi sya.
"Small world isn't it dear?" Sopistikada nyang turan.. Syempre hindi ako magpapatalo ano! Kung hindi lang dahil kay Baby eh baka sinugod ko na ang Tangnang yan! Sa dami ng atraso nya sa Boyfriend ko tapos ngayon pati sa akin ay hindi ako magdadalawang isip na kalbuhin sya. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Yes Sweetie. Kasing liit niyang ilong mo!" Pang-aasar ko na syang ikinakunot ng noo nya. Pwes, maasar kang Dikya ka!
"Tignan ko lang kung tatabil pa yang dila mo pagkatapos ng araw na'to!" Nanggagalaiting pahayag nya na syang nagpakaba ng aking dibdib.
"Oo. Kasi mamatay kana after nito!" Naka smirk na saad ko sabay flip ng hair at talikod sa kanya. Wala akong oras sa haliparot na babaeng yan! Baka di lang ako makapagpigil ay malagari ko lang ang mukha nya ng wala sa oras.
"Biatch!" Pahabol na sigaw nya na alam kong may mga nakarinig pa. Huminto ako at nilingon sya.. Pinaamo ko ang mukha ko at ngumiti bago magsalita.
"Not as Bitcher as you sweetie." Then i turned around at nagtungo sa counter. Di ko na sya hinintay na manggulo pa doon!
----
Pagkatapos kung bumili ay nagpasya akong magstop muna sa shakey's. Parang nagcrave kasi si baby ng pizza eh. I ordered one medium layer tapos isang chocolate shake. Seriously, tumataba na talaga ako. Nagpabili na nga ako ng mga bagong damit kay mama eh. Hindi na talaga kasya sa akin yong mga damit ko! Hmp!
"Here's your order ma'am. " nakangiting nilapag nong waiter yong orders ko at pagkatapos ay umalis din ito. Hmmm~ Natatakam na ako! Wala ng arte arte ay sinunggaban ko na yong pizza ko. Wala akong pakealam kung iisipin nilang Patay Gutom ako! Basta mabusog lang kami ni baby ay ayos na!
"Oh.. Dahan dahan Zel!" Napatingin ako sa biglang nagsalita..
"Olivia?!" Ngumiti sya at pagnakay ginawaran nya ng tingin ang lumulubo ng tyan ko bago umupo sa tapat ko kaya na conscious naman ako sa echura ko! Pano kung mapagtanto nyang buntis ako?
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...