Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong sumalampak sa kama ko. Ano ba to?! Ba't ba naiinis ako? Ba't ba simula nong pumunta ako sa office nong venturang yon ay di na sha mawala-wala sa isip ko?! Apat na linggo na simula nong pag-uusap namin sa office kaya apat na linggo narin akong nagkakaganito!
Ayaw kong i-entertain ung mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Tangna! Maitulog na nga lang ito.
——-
Nagising ako sa kadahilanang may parang mga Balisang mga malalakas na boses sa baba. Ano bang nangyayari?
Tumayo ako tsaka pumunta ng CR. Nagsipilyo lang ako pati naghugas ng mukha nang may biglang....
*Katok* *katok* *katok*
Aba! Makakatok to ng pintuan! Kala mo sisirain na nya!
"ATEEEE!! NAN DYAN KABA SA CR?!" Taz sinabayan na naman nya ng mahiwagang katok nya...
"Wala! Nasa garden ako!" Sarkastikong sagot ko sa kapatid ko.. "Nahiya naman yong pintuan ng cr kakakatok mong bwiset ka!" Dagdag ko pa tapos binuksan na ang pinto para lumabas...
"Duh!" Tugon nya na nakaroll eyes with all the taas ng kilay at crossed arms pa! Oha! Eh kung dukutin ko ng kutsilyo yang talokap ng mata mo!
"Pwedi ba Althea! Tantanan mo ako!" Sus ginoo talagang batang to! Ewan ko kong saan ipinaglihi ni mama!
Aakmang lalabas na sana ako ng kwarto ng magsalita sha ulit...
"Eh ate! Nanjan sa baba yong boyfriend mo! Di ka nagsasabi eh mayHotie BF ka pala ate!" Nakangising sabi nya..
"What?! Eh wala naman akong boyfriend ahh!" Nagtatakang tanong ko...
"Basta! Anyways, maligo ka muna bago ka bumaba tsaka magbihis ng maganda! Ate mahiya ka naman sa mukha mo oh! Ang gwapo gwapo nong Bf mo!" Letcheng batang to! Ayon hinamparus ko!
"Ate naman eh!"
"Ate naman eh! Umalis ka nga dito!" Binigyan nya lang ako ng isang nakakalokong ngiti bago lumabas...
Ano ba problema ng mga tao ngayon? tsk. At sino naman ung Boyfriend ko kuno? Walanghiya! Eh matagal na panahon na akong walang bf! Paki ko ba sa mga hinayupak na mga lalaking yan na walang ginawa kundi paasahin at saktan kaming mga babae? Tapos makikipaglandian pa sa harapan mo! O_O hala! Letche! Makaligo na nga lang!
——
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako kasi nagugutom ako. Saturday ngaun. Wala kaming pasok at bukas na yong puntang palawan...
"Mama anong ula—-" shit! Anong ginagawa nya dito?!
"Goodmorning Zela" nakangiting bati nya...
"Ano bang ginagawa mo ditong lalaki ka?!" Bulyaw ko...
"Anak ganyan ba bumati ng bisita? Tsaka ki-aga-aga may LQ kaagad kayo?" Sabi ni mama na kakapasok lang sa hapag...
"Anong LQ LQ! Ma naman! Kailan pa kayo nagpapatuloy ng mga estranghero?!" Yamot kong tanong sabay tingin ng masama kay ventura na nginisihan lang ako.
"Aba anak! Wag kanamang bastos! Ikaw na nga tong dinadalaw ng tao eh ikaw patong galit galitan jan!" Tangna! Eh sinabi ko bang bisitahin nya ako?!
"Nah. Its okey tita. Nagulat lang si Zela" bwiset nato!
"Ayyiiee! Kigwapo talaga nitong batang ito. Cge maiwan ko muna kayo" si mama talaga! Minsan talaga parang may saltik sa utak to!
"Come on, kain kana. Wag kang mahiya" aba! Ako pa ang wag mahiya ha!
"Wow tsong! Nahiya naman ako sayo! Bahay mo? Bahay mo?" At ang kwago tinawanan lang ako.. Di ko nalang sha pinansin at kumain nalang. Letche! Bat tinititigan ako nito? Nakakailang!
"Pwedi ba Ventura! Wag mo akong tignan ng ganyan kong ayaw mong dukutin ko ng tinidor yang mata mo!" Sabi ko...
"Bat ba ang init ng ulo mo sa akin Zela? What did I do to you?" Tangna! Ikaw lang naman ang laman ng isipan ko araw araw! Bwiset!
"Wala!" Ikling sagot ko...
"Okey" at ngumisi na naman sha. Sus! Mukha mo!
"Bat ba nandito ka?" Mahinaon ng tanong ko...
"Kasi pinapapunta lahat ng Delegates sa school ngaun para sa short briefing" ahh! Haha. Assuming ka kasi Zel. Yan tuloy! Tangna!
"Ahh. Bat pumunta kapa? Edi sana tinext mo nalang ako" hala zel! Kumekerengkeng ka na naman! Anong text text eh wala namang number mo ung tao...
"Gusto mo talagang itext kita ha? Gusto mo textmate tayo?" Pang-aasar nya...
"Ha-Ha! Tatawa na ba ako?"
"You know what? You are pretty when you are mad" O_O shutangna! Yong puso ko nasan na?! Shits!
"H-ha? A-ano ba yang pinagsasabi mo?" Shemay! Bat ako nauutal? Hoy Zitella Lorraine maghunosdili ka!
"Bat ka namumula? Siguro crush mo na ako no?" Pang aasar nya sabay lapit ng mukha nya sa akin...
"H-ha? H-hindi no!" Shit Zel! Nasan na ang tapang mo?!
"Hahaha. Ang ganda mo talaga Zela" sabay layo nya ng mukha nya...
"Matagal ko na yang alam! Tara na nga punta na tayong school!" Pang-iiba ko.. Mahirap na baka mabuking ako ng lokong to! Oo na! Gusto ko na sha! Binabawi ko na lahat ng pinagsasabi ko kila Alen bout sa kanya! Eh kasi naman sinong hindi magkakagusto sa lalaking to eh gwapo na nga, may katawan pang perfect for kembotan at ubod pa ng talino.. tsk! Ang swerte naman ng nilalang na ito. Nasayo na talaga ang lahat tsong! Haha!
"Baka naman matunaw na ako nyan" shit! Nakatitig na pala ako sa kanya! Anubayan Zel! Nakakahiya ka!
"Ewan ko sayo! Tara na nga!" At yon, nagpaalam na kami kina mama at pumunta ng school...
~check fafa steven's selfie. hahaha. nakikiselfie ang boyfriend ko! XD Thanks for reading guys~
-Faids
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...