Kalahating oras... Isang oras... Bat ang tagal ni Nathan?! Kinakabahan na ako! Sige. Limang minuto nalang tapos pupuntahan ko na sya..
After five minutes...
"Hija? Nakita mo ba si Steven?" Tanong ni tita.
"Nasa kwarto nya ata tita eh. Isang oras na simula nong nagpaalam syang aakyat sya." Paliwanag ko.
"Ganun ba? Pwedi bang akyatin mo muna sya? Gusto kasi syang makita ng mga business partners namin." Nakangiting saad ni tita. Ngumiti din ako at tumango.
"Sige po tita." Pagkatapos ay naglakad na ako papasok ng kanilang mansion.
----
"Nathan?" Tawag ko sa kanya mula sa labas ng pintuan ng kwarto nya.. Walang sumagot kaya pinihit ko ang seradura ng pinto at buti nalang ay hindi ito nakalocked.
"Nathan kanina pa kita----"
"Get out of here!!" Nanlalaki ang aking mata na nakatingin sa kanya. Galit na galit ang kanyang mukha. Parang sinabunutan ang kanyang buhok. Lukot ang kanyang damit at nagkalat ang kanyang mga gamit sa sahig. Basag din ang lampshade nya. Anong nangyari?
"Nathan ano bang---"
"I said get out!" Makapangyarihang sigaw ulit nya. Natatakot na ako lalo na't buntis ako baka anong pwedi nyang magawa sa akin. Pero ayaw kong magpakain sa takot. Gusto kong malaman lahat lahat.
"Nathan? Ano bang nangyayari sayo? B-bat galit na galit ka?" Nagtatakang tanong ko habang maingat na lumalapit sa kanya.
"Pota! I told you to get your fucking ass of here!" Tumutulo na ang mga luha ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang hindi na sya ang Nathan na mahal na mahal ako.
"Nathan please bat mo ba ako sinisigawan?" This time nakalapit na ako sa kanya at sa di ko ina asahan ay hinawakan nya ako sa magkabilang balikat na animoy isang unan na pwedi nyang pigain. Nasasaktan na ako. Masakit ang pagkakahawak nya sa akin. Panay parin ang agos ng mga luha ko!
"W-why did you do this to me Zitella?! Bat mo nagawa sa akin to?!" Nanggagalaiting iyak nya. Naaawa ako sa kanya. Naguguluhan parin ako. Ano ba kasi ang nangyayari? Ano ba ang nagawa ko?!
"A-ano bang ibig mong sabihin Nathan? Ano bang nangyayari? Ipaliwanag mo naman sa akin oh." Nagmamakaawang turan ko. Binigyan naman nya ako ng matalim na tingin na halos magliyab na ang kanyang mga mata sa galit.
"Gusto mong malaman?! Ngayon magmamaka awa ka na gusto mong malaman?! Putangina! eh ako tong niloko mo tapos may gana kapang magsabi ng ganyan!" Para akong sinaksak sa pinagsasabi nya. Hindi ito ang Nathan na kilala ko!
"Ano ba kasi ang----"
"Bullshit! Look at my PC! Nandon lahat ng katarantaduhang ginawa mo sa akin, you slut!" Wala na.. Hindi ko na kaya. Bat nya nagagawang sabihin sa akin ang mga bagay na yan? Ni minsan hindi ako naging malandi sa iba. Ni minsan hindi ako nagtaksil sa kanya. Bat nya naatim na tawagin akong Slut? Nanginginig man ang aking katawan ay pinilit ko lumapit sa computer nya para tignan yong sinasabi nya..
Jesus! Natutop ako sa kinatatayuan ko.
"H-hindi ito totoo!" Sabi ko.
"Ngayon ay magmamaang maangan ka?! Sino pa bang nilalandi mo bukod sa amin ng Jefferson na yon?! Tangina!"
"P-please Baby.. Maniwala ka sa akin.. Hindi totoo lahat ng yan. Oo totoo pero---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya akong hilain at itinapon sa kama nya tapos dumagan sya sa akin at pinaghahalikan ako....
"Nathan wag...." Nakatangis na pagmamakaawa ko. Naiipit na nya ang tyan ko. Masakit narin ang mga labi ko.
"Kulang pa to sa mga ginawa mo! Minahal kita pero ito lang ang igaganti mo sa akin?! Buong akala ko ay iba ka sa kanila!" Pagkatapos ay sinimulan na nyang itaas ang ang dress ko kaya nakatampad ngayon sa kanya ang kabuuan ko! Nanlalaki ang mga mata nya..
"Shit!" Napasabunot sya sa ulo nya...
"Nathan... B-buntis ako.." Muling nagliyab ang kanyang mga mata.
"Bakit Zela?! Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko?! Kulang paba?! Pati ba naman ang puri mo ay ibinigay mo rin sa kanya at nagpabuntis ka?!" Gusto ko syang sigawan at bugbugin. Gustong sabihin sa kanya na mali lahat ng ipinaparatang nya sa akin. At sya lang ang tanging lalaking dumaan sa akin at ang ama ng dinadala ko! Pero walang lumabas sa bibig ko. Nasasaktan ako sa pinagsasabi nya na parang nabilaukan ako sa sakit..
"Wag ka ng magpaliwanag pa! Sinabi na sa akin lahat ni Atasha! Matagal nyo na pala akong ginagago ng Tanginang Jefferson na yon!"
"Trust me Nathan... Hindi totoo lahat ng iyan. Magkaibigan lang kami at ikaw ang ama ng dinadala ko!" Nagulat ako nang bigla nya akong sakalin.
"A-aray... N-nasasaktan ako... Nathan..."
"Hindi mo na ako maloloko pa Zitella! Lumayas kana bago pa kita mapatay!" Tapos ay binitawan na nya ako. Habol ko ang aking hininga.
"Please naman Nathan oh. Pakinggan mo naman ako." Halos lumuhod na iyak ko sa harapan nya.
"We're over Zela! Tapos na ang lahat sa atin! Kaya ngayon, Get out of this fucking room cause I don't wanna see your Bullshit face!" Pigang piga na ang puso ko. Halos pinapatay na nya ako sa mga salitang pinagsasabi nya sa akin.
"OMG! Kuya? Anong nangyayari dito?!"
"Ate!!" Patakbong napapasok sina Althea at Nami at nilapitan kami.
"Paalisin nyo ang babaeng yan!" Sigaw ni Nathan.
"Kuya! Masama tong ginagawa mo kay ate Zel! She's pregnant!" Sita sa kanya ni Nami na syang ikinagulat ko! Bat alam nyang buntis ako?
"Wala akong pakialam at hindi ako ang ama ng dinadala ng babaeng yan!" Nagulat ako nong tumayo si Thea at nilapitan nya si Nathan.
*Slap*
"That's for hurting my sister!" Pagkatapos ay tinulungan nya akong tumayo at hinila palabas.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...