"Anak mag-iingat ka don ha? Yong mga gamit mo wag mong ilagay kahit saan.. Maghugas ka ng katawan bago matulog. Wag magpapalipas ng gutom. Yong ano mo wag—-"
"Oo nga po ma. Ilang beses nyo na bayang ipinagbibilin? Para namang sa abroad punta ko" kaloka talaga tong nanay ko! Kanina pa nya inuulit ulit yan simula pag-gising ko hanggang ngaung papaalis na ako.
"Hoy Zitella Lorraine! Pinapaalala ko lang sayo kasi alam kong burara ka. Ikaw talagang bata ka! Sege lumayas kana!" Jusko! May saltik batong nanay ko?
"Para nyo naman akong pinapalayas nyan ma eh!" Nakalabing sabi ko..
"Oo at wag ka ng bumalik! Gora na! Layas!" At pinagtulakan pa ako..
"Mama naman eh!!" Naiiyak na reklamo ko. Eh kasi naman eh!
"Hahaha ito talagang magandang anak ko na mana sa nanay eh di na mabiro. Halika nga dito ihug mo si mothernature!" Jusko! May saltik nga talaga si mama! Haha.
Niyakap ko si mama sabay halik sa pisngi at nagpaalam na. Si papa kanina pa umalis kaya maaga na akong nagpaalam sa kanya tapos si Althea naman gumala kaya nagpaalam narin ako kanina. At alam nyo ba kung anong bilin nya sa akin? "Hoy ate! Wag maharot doon! Ayaw ko pa magkapamangkin! Wag na wag mong pipikutin si Kuya Steven" ayon, isang malakas na batok ang ipinagkaloob ko sa kanya. Kalokang bata! Ako pipikutin ang Nathan nayon? No way! Yes way! Ayy Letcheng utak naman to! Ayaw makiride! tsk!
At alam ko yang mga iniisip nyo na kung bakit Nathan tawag ko sa Venturang yon. Eh kasi diba Zela naman tawag nya sa akin kahit ayaw ko naman at napag-alaman kong ayaw na ayaw nyang tinatawag sa first name nya kaya para maasar sha ay yon nalang itatawag ko sa kanya! Hihihi.
——-
Paglabas ko ng bahay ay magpapara na sana ako ng taxi ng may biglang humintong White Ferrari F model na sasakyan sa harapan ko kasabay non ang pagbaba ng bintana ng sasakyan nya...
"Goodmorning Zela. Sumabay kana sa akin" aba! Kahapon lang nandito tong asungot nato at ngaun nandito na naman? Kinacareer nya ata!
"Whatever Nathan!" Nakita kong medyo nagpout sha sa sinabi ko.. Hahaha! Nice one Zel! Asar na yan XD
Pumasok na ako sa loob ng kotse nya. Aba! Di na ako magpapahard to get no! Grasya na tatanggihan mo paba? Ulam na aayawan mo pa ba? Letche talaga tong isipan ko! Marahan kong hinampas ang ulo ko.. Ano bang pinakain ng lalaking to sa akin at nagkakaganito kaberde tong utak ko?! Langya!
"Are you okey?" Nagtatakang tanong nya...
"Oo" maikling sagot ko tapos pinikit ko ang mga mata ko.. Ayaw ko kasi makita ang pagmumukha nya kasi baka ano nanamang kaberdehan ang papasok sa isip ko. Shemay!
——
"Zela?" May naramdaman akong tumatampal ng mahina sa kamay ko...
"mmm.." Ungol ko. Nanaginip ba akong may tumatawag sa akin? Baka nga..
"Zel? Gising kana andito na tayo sa airport" Teka..
"Hala!" Napabalikwas ako kaya nauntog ang ulo ko sa loob ng kotse..
"Ouch" ansakit.. Huhuhu
"Okey kalang?" Tanong nya. Sinamaan ko naman sha ng tingin...
"Patayin kaya kita tapos tatanungin kita kong okey ka lang. Ano gusto mo?" Mataray kong sabi..
"Ohh. Ang Hot mo naman ke aga-aga. Meron ka ata ngayon eh" pang-aasar nya...
"Bwiset ka talaga!" Tapos kinurot ko yong matangos nyang ilong tsaka lumabas ng kotse.. Ayiiiee! Chansing pre! Hahaha.
——
"WOOOW!" makalaglag pangang sabi ko pagkaba namin sa Palawan.. Ang ganda naman tsaka ang linis ng paligid...
"Mukhang nagustuhan mo ang place" Diko nalang pinansin ang mokong at nagpatuloy na sa paglalakad.. Papasok na kasi kami sa Hotel na Pagstay-yan namin...
"Okey Delegates, since you are all 20 and mabuti nalang at sampu ang babae at sampu din ang lalaki ay dalawang rooms lang ang kinuha namin.. Don't worry may malaki ang rooms nyo. Bale may tig-limang Master Bed sa bawat kwarto kaya kayo na ang bahala kong sino gusto nyong makatabi sa higaan.. Magpahinga na muna kayo para mamayang gabi ay itotour muna namin kayo sa Mga Conference room malapit dito" mahabang pahayag ni maam Valencia. Nag-OK lang kaming lahat tsaka pumasok na sa quarter namin...
Humanap na ako ng pwesto ko nang may biglang lumapit sa akin..
"Hi Yllustre, tabi nalang tayo. I'm Olivia Rodriguez pala from HRM department" tapos inabot nya yong kamay nya sa akin na nakangiti...
"Ah sure. Zel nalang itawag mo sa akin" then inabot ko narin yong kamay nya.. Teka, bat kilala ako nito?
"Bat mo pala ako kilala?" Tanong ko kay Olivia na ngaun ay nag aarange ng gamit nya.. Medyo nagulat naman sha sa tanong ko..
"H-ha? Diba ikaw yong nanalo sa spontaneous speech last year?" Napaisip ako.. Oo nga naman. Pinost kasi nila sa Lahat ng Bulletin Board na may kasamang picture ko yong pagkapanalo ko. Interschool competition yon last year at fortunately nanalo ako.
"Ah ganon ba? sege Olivia magbibihis lang ako.." Tumango lang sha at ako naman ay nagpalit na ng damit..
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...