Fate 39

15.9K 262 7
                                    

Mula sa Veranda ay tanaw ko ang aking mag-ama na ngayon ay masayang nag tatapunan ng tubig sa garden. Napapangiti nalang ako... I never seen my baby smile like that before. Parang ang daming taong ipinagkait ko sa aming anak na makasama ang tatay nya..

"Anak? Wala kang lakad ngayon?" Naalimpungatan ako nong tinapik ako ni tita sa balikat..

"Wala po tita.." Nahihiyang sagot ko. Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa kanila dahil itinago ko si Angelica sa kanila ng limang taon subalit humingi parin sila ng tawad sa mga nangyari dati..

"Diba I told you not to call me tita? Mom nalang ok?" Nakangiting saad nya kaya napangiti narin ako sabay tango..

"Osha, ikaw ng bahala kay Steven pati sa apo ko. May pupuntahan pa kami ng Dad mo. Alam mo naman yang asawa mo isip bata." Natatawang sambit ni tita na syang ikinapamula ng mukha ko! Nahiya naman daw ako sa 'asawa' na sinasabi nya.

Hindi ko pa nga alam kung anong standing namin ngayon ni Nathan eh. After kasi nong sa hospital noong isang linggo ay hindi na namin napapag-usapan ang tungkol sa amin. Basta ang alam ko ay masaya kami sa piling ng isa't isa kasama ng anak namin. Nong isang araw pa namin ipinaalam sa parents ni Nathan yong lahat ng nangyari dati at masaya raw sila dahil bumalik ang sigla ni Nathan dahil simula nung umalis ako ay hindi na raw sya masyadong ngumingiti at palagi itong subsob sa trabaho na pati pagkain ay nakakaligtaan na nya...

"Sige po mom. Nasan po pala si Nami?" Nagtatakang tanong ko.. Simula nong pumunta kami dito ay hindi ko pa nakikita ang batang iyon. Bata pa nga ba?

"Nangdon sa bahay ng asawa nya." Namilog naman ang mga mata ko sa tinuran ni tita. Si Nami? May asawa?

"May anak narin sila. Five months old." Dagdag nya. Napahawak ako sa ulo ko.. Parang ayaw pagsink in sa utak ko lahat ng sinabi nya.. Papaanong may asawa't anak na si Nami gayong 21 pa ito? Asus Zel! Anong taon kaba nabuntis?

"Osige na." Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa pisngi at nagsimulang maglakad..

Bababa na sana ako nang magring ang phone ko kaya sinagot ko ito...

"Hello?" Sabi ko subalit nanatiling tahimik ang kabilang linya..

"Hello? Sino po ito?" Dagdag ko ulit.. Walang sumagot ulit ngunit may parang humihikbi sa kabilang linya. Sino ba to?

"Ibababa ko na ito..."

"N-no.." Marahang sambit nong nasa kabilang linya..

"Sino po sila?" Tanong ko.. I heard that person clear her throat. Alam kong babae kasi yong boses nya kanina.

"I'm sorry Zel..." Oh god!

"Atasha?!" Gulat na tanong ko.. San nya nakuha ang number ko?

"I'm sorry for everything i've caused you Zel." Mahinang saad nya. Napapikit nalang ako.. Malaking marka ang noo'y naiwan nya sa pagkatao ko subalit matagal na ang lahat alam kong may rason ang Diyos kung ba't nangyari sa amin lahat ng iyon at alam kong biktima lang din si Atasha ng kanyang pag-iisip..

"Lets meet Atasha. Nasan kaba ngayon?" Sinabi sa akin ni Nathan na nakarehab si Atasha pero hindi nya sinabi kung saan..

"D-Dito sa Quezon Rehabilitation Center and I'm with.." Naputol yong sinasabi nya nong may tumawag sa kanya at pagkatapos non ay naputol narin ang linya.. I took a deep sigh..

"Naaaay! Look over here!" Napangiti ako nong marinig ko ang munting boses ng angel namin.. Tumingin naman ako sa kanila mula dito sa Veranda..

"Tignan mo nay oh! Karga ako ni tatay! Galing galing!" Napatawa nalang ako sa kakulitan nila.

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon