Fate 38

14.1K 296 17
                                    

~Nathan's Point-of-View~ 

I am such a piece of bugger! Shit! Bat hindi ko sya pinaniwalaan noon? 

"Hijo? Pwedi kaba naming makausap?" Napako ang tingin ko kay paps. Tumango ako at sinundan sya sa Garden nila... 

"Ngayon alam mo na?" Seryosong sabi nya. Napabuntong hininga ako... 

"I'm sorry paps!" Mahinang sambit ko.. 

Its been 4 years bago ko nalaman ang lahat lahat. Lahat ng kasinungalingan ni Atasha! Na gawa gawa at plinano nya ang lahat ng iyon. Hanggang ngayon ay pinagbabayaran nya parin ang kasalanang nagawa nya sa akin at sa babaeng tanging minahal ko! Ipinarehab sya ng parents nya dahil baka mas lalong lumala ang kalagayan nya. Nagbago na pala talaga sya simula nung mga panahong naghiwalay kami dati. Naging palakira at kung sinu-sinong lalaki ang ikinakama nya dati sa states. May halos napatay pa nga raw sya dati. 

Gusto ko syang patawarin subalit malaking sugat ang naiwan nya sa akin at kay Zela. Limang taon ang nasayang. Lahat ng mga pangarap namin ni Zela ay nawala ng parang bula ng dahil sa ka baliwan ng babaeng iyon! Matagal narin kaming nagkaayos ni Jefferson and he also told me everything. Subalit ang kaisa-isang bagay na hindi nila sinabi sa akin ay ang tungkol sa anak namin.. Pinaniwala nila ako dating nakunan si Zela nong nasa hospital sya at nakipagsabunutan kay Atasha. Nung malaman ko ang totoo na anak ko pala ang dinadala ni Zela ay halos Patayin ko na ang sarili ko sa pagsisisi. I thought we lost our child dahil sa pagkagago ko! 

"Kami ang dapat humingi ng tawad sayo Steven." Marahang tinapik tapik ni Paps ang balikat ko... Umiling iling ako. Tumingala ako para pigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas sa aking mata. Nagsisisi parin ako. Ang laki ko kasing tanga! Kung sana pinakinggan ko lang sya dati. At hanggang ngayon ay hindi ko parin napapatawad ang sarili ko sa pananakit kay Zela dati. 

"Kasalanan ko po Paps! Kung sana hindi ako nagpakain sa galit ko ay hindi sana hahantong sa ganito ang lahat." 

"Ang nakalipas ay nakalipas na Steven. May rason ang Diyos kung bakit kayo binigyan ng pagsubok na ganyan." 

"Mapapatawad pa ba nya ako?" Nanghihinang tanong ko.. Malaki na pala ang anak namin at hindi maipagkakailang nanggaling sya sa akin. Hindi na kailangan ng DNA testing dahil kamukhang kamukha ko sya.. 

"Alam kong makakaya kang patawarin ng anak ko Hijo. Mabait na bata si Zel at marahil ay matagal ka ng napatawad non." Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi ni Paps. I smiled at inakbayan ko sya. 

"Paps, papayag po ba kayong maging manugang ko?" Sumeryoso naman ang mukha nya kaya kinabahan ako. 

"Basta ipapangako mong hindi mo na ulit sasaktan ang anak ko." Napalawak ang ngiti ko. 

"Naman Paps! Ipinapangako ko po!" 

"Matanda na kami Hijo at gusto kong nasa mabuting kamay ang anak ko at alam naming sasaya sya sa piling mo." Trumeple naman ang lawak ng ngiti ko. 

"Thank you po Sir!" May sinseredad na saad ko. Lumiwanag naman ang kanina'y seryoso nyang mukha. 

"Bumawi ka sa mag-ina mo." Tumango ako at nagpaalam na dahil nagtext ang ang hospital na kailangan ako ngayon doon. Pero bago ako umalis ay umakyat muna ako sa itaas at pumasok sa kwarto ni Zela. 

Napakagandang tanawin ang bumungad sa akin. Ang dalawang Prinsesa ko ay mahimbing na natutulog habang nakasiksik ang mukha ng anak ko sa leeg ng nanay nya at nakatanday ang kanang binti nya sa bewang nito. Sana ay mapatawad mo na ako Ganda... 

----- 

"Doc?" Napaangat ako ng mukha. Yong sekretarya ko pala. 

"May naghahanap po sa inyo sa labas." Tumango nalang ako at sinabihang papasukin yong taong naghahanap sa akin... 

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon