Fate 40: EPILOGUE

19.9K 406 48
                                    

EPILOGUE


"You are so pretty ate Zel!" Puna sa akin ni Nami nang tignan ko ang repleksyon ko sa Salamin..

"Thank you Nami.. Ano ba kasi ang gagawin natin sa Baguio at kailangan pa nating magbihis ng ganito?" Nagtatakang tanong ko. Kahapon pa kasi excited to na pumuntang Baguio at talagang dinamay pa ako. May party raw kasi yong kaibigan nya don. Sya mismo ang nagpaalam sa akin kina mama tsaka isang rason din kung bakit sasama ako dahil naiinis ako kay Nathan! Bwiset na yon! Tatlong araw ng hindi nagpapakita! Kahit ni text o tawag ay wala! Ang sabi ni Nami ay may pinuntahan raw para sa kanilang medical mission. That's not an excuse diba para hindi sya magtext or tumawag! Ipinaalam man lang sana nya.

Mabuti nalang at hindi sya hinahanap ni Angelica kasi nawiwili itong bantayan ang anak ni Nami na si baby Yvon. Nandon ngayon sa Mansion nila Nathan si Angelica..

"Basta ate! It's a garden party kasi kaya dapat mukha tayong Goddesses!" Natatawang paliwanag nya.

I am wearing a white dress na medyo below the knee tapos one sided iyon na fit sa bandang waistline at tinirnuhan ito ng six inches na puting sandals na may golden beads design sa edges nya at nilagyan din ni Nami ng Flower Tiara ang ulo ko na ngayon ay nakalugay na pinakulutan nong baklang nag-ayos sa akin at inayos nya rin yong pagmake up ng mukha ko. To be short, ang GANDA ko talaga! Hihi.


"Siguraduhin mo lang mag-eenjoy tayo sa parting iyan Nami ha! Pinacancel ko lahat ng appointments ko sa araw nato para jan!" Last week lang pala ako nagsimulang pumasok doon sa branch na nakaassign sa akin at so far ay okey naman ang lahat. At nakikita nyo naman, magkasundo na kami ni Nami..

Tanda nyo pa ba yong araw na binisita ko si Atasha? Pag-uwi ko non ay nadatnan ko si Nami sa mansion nila kaya we talked. Humingi sya ng tawad sa dating hindi maayos na pakikitungo nya sa akin. Ang sabi nya ay natatakot lang daw sya na magtiwala ulit.. Kasi dati raw napakaclose nila ni Atasha at botong boto sya sa relasyon ng kuya nya rito subalit sa huli ay sinaktan lang pala nya si Nathan kaya after non ay gusto nya munang makasigurado na hindi na ulit masasaktan ang kuya nya.. Noong gabing nakita nila kami ni Thea na nag-aaway ni Nathan ay nalaman na pala nya lahat lahat kasi sinabi sa kanya ni Althea.


Ngumiti sya bago sumagot...

"Trust me ate magugustuhan mo ang party." Tumango nalang ako at nagpaalam na pupunta muna ako ng banyo saglit...


Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Nami na may kausap sa phone kaya nilapitan ko ito...

"Huh?... Yes kuya... Ha? Hindi naman... Oo... Sige."

"Nami?" Muntik na nyang mabitawan ang cellphone nya sa gulat...

"Ate naman! Ginulat mo ako. T-teka.. Kanina kapa ba jan?" Kinakabagang tanong nya..

"Bago lang. Si Nathan ba yong kausap mo?" Nakalabing tanong ko..

"S-si kuya Nick po ate." Nauutal na sagot nya..

"Bat kaba kinakabahan jan? Nililitis ba kita?" Napatawa sya sa sinabi ko...

"Wala. Excited lang kasi ako. Osha, lets go na ate!" Tapos ay hinila nya ako palabas ng bahay at pinasakay sa antigo nilang Mercedes Benz na pinalibutan ng mamahaling bulaklak sa unahan. Ano ba talaga ang meron?


"Teka, tatawagan ko muna si Angelica baka hinahanap ako non." Kukunin ko na sana yong phone ko ng bawiin ito sa akin ni Nami. Nagtatakang tinignan ko naman sya. Ngumiti ito at ini off ang phone ko..

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon