Fate22

11.3K 251 9
                                    



Sunday ngayon kaya maaga palang ay binulabog na ni Nathan ang kwarto ko at ginising ako. Langya! Alas syete ng umaga pa tapos ginising lang ako para samahan syang mag-almusal sa labas. Eh kung dukutin ko kaya bituka nya?!

"Goodness Nathan! Bat ba pinapasok ka ni papa dito sa bahay?" Yamot na maktol ko... Ngumisi naman sya.

"Aba! Sa gwapo kong to hindi papapasukin ni papa? Baka nga dumugin pa ako jan sa labas nyo eh!" Prenting paliwanag nya habang nakaupo sa maliit kong couch katapat ng kama ko. Nakaupo lang din ako sa kama kaharap sya. Busangot pa ang mukha ko. May muta pa ata ako eh. Pakialam ko ba sa gwapong yan! Bahala sya kung nagmumukha akong zombie sa harap nya.

"Kung maka 'papa' tayo ah! Kelan pa kita naging kuya?" Natatawang tanong ko..

"Well, I can be your brother, bestfriend, boyfriend and husband at the same time" nakangising sabi nya.

"Kulang nalang sabihin mong you can also be my kapitbahay!" Nakalabing sabi ko.

"Pwedi rin. Papabili nalang ako kay Dad ng bahay sa tapat nyo para maging kapitbahay na kita. Ano say mo?" Natatawang turan nya kaya binato ko ng unan.

"Sira! Sige na! Bumaba kana sa sala at maliligo muna ako" sabi ko sabay tayo at pasok na sana sa cr pero nagsalita sya bigla.

"Oh I forgot..." Panimula nya kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya habang yong kanang kamay ko ay nakahawak sa doorknob ng cr.

"Ano na naman?!" Iretabling tanong ko. Ang kwago ngumisi na naman.

"I can also be your Tagaligo" malanding sabi nya. Ghaaad! Bigyan nyo nga ako ng kutsilyo nang masaksak ko ang baliw nato!

"My Goodness Nathaniel! Kung ikaw hindi pa lalabas dyan ay mapuputulan kana talaga ng--"

*Booggssh*

"I love you Zela! Take your time. Sa sala lang ako" sigaw nya mula sa labas ng kwarto. Bago ko pa kasi matapos ang sasabihin ko ay mabilis pa sa alas kwatrong nakalabas sya nang kwarto at sinarado ang pinto. Napangiti nalang ako bago pumasok sa cr. I think Nathan is right, he can be my Bestfriend, Kuya and Boyfriend at the same time. Yong relasyon kasi namin hindi lang puro boyfriend and girlfriend stuff. Mas madalas nga kami nagpipikunan nyan eh. Pero syempre nagtatapos lahat ng asaran namin sa mahiwaga kong linya na puputulin ko ang Betlog nya kung di pa sya titigil at doon ay magsiseryoso na yan. Natutuwa nga ako sa relasyon namin kasi para lang kaming magbestfriend na laging nadyan para sa isa't isa. Nathan is a loving and sweet boyfriend. Well, wag nyo na isama yang pagka may sayad ng utak nya! Hahaha.

--

After kong maligo at magbihis ay bumaba na ako. Alam kong yamot na si Nathan sa katagalan ko. Pero you know what I like Nathan? Yong pagiging macontrol nya pagdating sa akin. Napakashort-tempered kasi nyan at ayaw na ayaw na pinaghihintay pero pagdating sa akin ay hindi sya nagrereklamo. Masaya ako kasi sa dalawang buwan naming pagsasama ay mas nakikita ko yong iba pa nyang sides.

"Ganda naman ng girlfriend ko" sabi nyang nakangiti sa akin na litaw na naman yong dimple. Alam nyo bang yong dimple nya ang weakness ko sa kanya? Ang cute kasi paglumalabas yon.

"Saan pa naman magmamana yan" singit naman ni papa na katabi ni Nathan na nakaupo sa sofa habang nanonood sila ng spawn.

"Syempre sa inyo Paps!" Pambobola naman ng boyfriend ko. Teka nga, kailan pa nya tinatawag na 'Paps' si papa? Jusko! Kaya pala ang close ng dalawang to.

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon