Saturday ngayon at last day narin ng exam namin. Sila Nathan naman ay kahapon natapos ang Defense nila. And guess what? Best in Thesis ang boyfriend ko. Nakakaproud lang ehh! Wala syang pasok ngayon. Tapos sa lunes babalik sila sa school para sa last practice ng graduation nila. Sa Wednesday na kasi yon. Oh yes, Summa Cum Laude po si Nathan. And I'm too much happy for him. Kami naman, ay last day nato namin sa school. Bale after nito bakasyon na. Ang saya diba? Hihihi.
Andito ako ngayon sa sala. Hinihintay nalang si Nathan. On the way na raw sya. Sinabihan ko ng wag na akong ihatid eh pero matigas talaga ulo non.
"Ate? Yong gift ko ha! Wag mo kalimutan!" sigaw ni Althea sa akin mula sa kusina. Ay! Oo nga pala, Graduation na nya Bukas. At college na sya sa pasukan. Althea is a smart girl. Mas matalino pa ata sa akin yang batang yan eh. She's the Valedictorian of their batch. Simula nong elementary yan ay Valedictorian na. Unlike me na noong High School lang ako naging Valedictorian. Fourth Honorable kasi ako nong elementary. Well, wala kasi akong pakialam sa mga ranking na yan nong elementary eh.
"Sige. Ibibili kita mamaya" sigaw ko rin. Lumabas naman sya mula sa kusina at lumapit sa akin tapos hinalikan ako sa pisngi.
"Thank you ate. I love you" Niyakap ko naman sya. Naging maayos na ulit pagsasama namin simula nong last time na nakapag-usap kami. Tanda nyo pa ba yon?
"I love you more Baby girl" Ngumiti naman sya bago bumalik sa kusina. Biglang nagbeep naman yong phone ko at pagtingin ko ay si Nathan na nagsasabing nasa labas na raw sya.
Paglabas ko ay prenting nakasandal si Nathan sa kanyang Black Jaguar habang naka Shades ito. Edi sya na Gwapo! Hmp!
"Hi Ganda" tapos kiniss nya ako sa right cheek. Namula naman ang lola nyo! PBB Teens eh! Hahaha!
"Tara na?" Sabi ko. Tumango naman sya tapos binuksan yong pinto ng sasakyan nya. Nong makapasok ako ay umikot sya para pumasok sa Driver seat at pinaandar na nya ang sasakyan.
"Natapos mo na ba speech mo?" Tanong ko. Ngumiti naman sya sabay kindat sa akin.
"Ako pa!" Ok, talk about Mahangin. Hahaha!
"Sus! Mamaya nyan puro kaberdehan nilagay mo don" ngumisi naman sya.
"Gusto mo bang ilagay ko don kung paano kita Halikan? Kung paano ka napapaungol sa halik ko?" Binato ko sya ng isang roll ng tissue paper na nasa harapan ko.. Langyang to!
"Joke lang naman eh!" Maktol nya. Jusko! Ayan na naman sya.
"Wag ka kasing baliw! Makikita mo, hindi talaga ako aattend!" Lumabi naman sya.
"Ouch! Para mo narin akong sinaksak ng kutsilyo non!" Nakalabing sabi nya. Napangiti naman ako.. Natutuwa talaga ako tuwing nagmamaktol sya.
"Joke lang. Mahal kita eh!" Ngumiti naman sya bago hawakan ang kanang kamay ko at hinalikan ito.
"I love you too Ganda" then He winked.
--
"Sige na Nathan. Wag mo nalang ipasok. Ok lang ako dito sa gate" sabi ko. Ayaw ko kasing mabully na naman ako. Last day pa naman ng klase. Nagtaka naman sya ...
"Huh? Ngayon ka pa nahihiya? Eh alam na naman nilang lahat na girlfriend kita eh" Yun nga ang problema ko eh! Mamaya nyan ay may nagbubuhos na naman sa akin ng kung ano! Gusto ko sanang sabihin pero wag na.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...