"Nanay? If I convert 250ml of water into Liters the answer will be 0.25Liters right?""Baby? Diba Nanay told you na wag muna yan ang pag-aaralan mo? You are still in Kinder diba?" Bigla namang sumimangot ang kanina'y masigla nyang mukha..
"Nanay naman eh! I want to be in High School na. Our teacher is always teaching us Alphabets and I'm getting bored to it. I want to take Algebra na po nanay." Jusko! Saan ko ba ipinaglihi ang batang ito? Imagine limang taong gulang pa iyan pero dinaig pa ang High Schooler na gusto ng kumuha ng Algebra! Palagi syang nagrereklamo na nababagot na raw sya sa school kasi paulit ulit lang daw itinuturo ng teacher nya.
"Ano bang parating sinasabi ni nanay?" Lumuhod ako para makalevel ko ang maamo nyang mukha.. Minsan parang ayaw ko syang titigan ng matagal kasi may naaalala lang ako.
Its been 5 years. Limang taon na ang nakakalipas simula nong magpasya akong dito manirahan sa Malaysia sa puder ng kuya Cloud. Limang taon akong nagtiis at nangulila. Walang gabi na hindi ako palihim na umiiyak. Limang taon na ang nakakalipas subalit hindi parin sya maalis sa puso't isipan ko. Wala na akong balita sa kanya simula ng araw na iyon. Hindi ko alam kung may pamilya na ba sya o wala. Sa tuwing nakikita ko si Angelica ay naaalala ko lang si Nathan sa kanya. Hawig na hawig ito sa kanyang ama. Mukha ngang wala syang nakuha sa Physical Feature ko eh! Ang daya! Ako itong syam na buwang nagdala sa kanya tapos sa ama nya lang magmamana? Hmp!
"Na I'm too young pa for that. But Naaay~" Huminga ako ng malalim. Dinadaan na naman nya ako sa pagpapacute nya. Alam na alam nya talagang weakness ko iyon!
"Ok. After your graduation, Hahanap si nanay ng tutor mo para sa algebra na yan. Basta promise me na parati kang good girl ok?" Imbes na matuwa ay sumimangot ito. Jusko! Pati ba naman pag-uugali replica din ng ama nya?
"Bat nakasimangot ang Angel ko?" Malambing na tanong ko sabay mahinang pisil sa matambok nyang pisngi.
"Eh kasi nanay. I'm good na naman eh. I can teach my own self na tsaka gagastos ka pa kung kukuha ka ng tutor ko. You can teach me naman if I need backup." Napangiti ako sa sinabi nya. Ang swerte ko talaga at biniyayaan ako ng isang matalino at ubod ng ka-cute-tan na anak.
"Oo na po. Wag ng ipamukha kay nanay na nagmana ka talaga sa katalinuhan ng tatay." Natakpan ko naman bigla ang bibig ko! Tengene! Bat ba ang daldal ko!
"Really nay? Matalino ang tatay?" Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. No use of lying to my child. Alam kong matalino ang anak ko kaya maiintindihan nya.
"Yes Baby. You look like your tatay at alam mo bang Suma Cum Laude ang tatay?" Nagningning naman ang mata nya. Bakas rito ang paghanga sa ama.
"Then, where is my tatay?" Kasi Zel eh! Inopen up mo pa itong topic na ito. Yan tuloy wala kang kawala!
"Busy si tatay Baby. Pero wag ka mag-alala balang araw makikita mo rin sya." Walang kasiguraduhang saad ko. Ah basta! Kaysa naman idisappoint ko ang bata diba?
"Talaga nay? Yeheey! Makikita ko na si tatay!" Napangiti nalang ako dahil mukhang ang saya saya nya at alam kong sabik na sabik na syang magkaroon ng ama. Ever since na nandito kami sa Malaysia ay hindi ako tumanggap ng mga manliligaw. Maraming gustong manligaw pero sinasabihan ko silang may asawa na ako. Alam kong ayaw nilang maniwala pero wala na silang magagawa pa.
Anyways, I am working in an exclusive Toy company. At last month ay napromote ako bilang Manager at ang sabi ng CEO namin ay iaasign nya ako sa isang branch namin. Pero hindi pa nya sinasabi kung saang lugar ito. About naman kay Angelica, kakafive nya lang last December 5. At so far ay maganda ang standing nya sa school. Gusto nga ng mga teacher nya na gawing accelerated student eh. Pero tinanggihan ko. Gusto ko syang mamuhay ng normal kagaya ng ibang mga bata. Gusto kong e enjoy nya muna ang childhood nya.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...