Fate 11

12.7K 295 8
                                    

This chap is dedicated to @honeymaegemina Heto na :))

"Hija wag kang mahiya. Kumain kalang ng kumain. Alam kong gutom kayo" suhistyon ni nanay coring... Nalaman kong sha pala ang nag-alaga kay Nathan simula ng isilang ito... Marami nga shang kinwento tungkol kay Nathan pero kung papaano nya alam ang pangalan ko ang shang hindi ko alam.. Ayaw ko namang magtanong baka isipin nyang mausisa ako...

"Sege Hija punta muna ako sa Hardin may gagawin lang ako" tinanguan ko lang si nanay coring at agad din naman shang umalis..

Si Nathan may pinuntahan sa likod ng mansyon nila. May kakausapin daw kaya naiwan akong mag-isa dito sa hapag... Binilisan ko nalang ang pagkain at nang matapos ako kay iniligpit ko ang pinagkainan ko...

"Naku senyorita kami na po ang bahala jan!" Biglang lapit ng isang kasambahay sa akin.. Nailang naman ako ng konti. Malamang! Di ako sanay tawaging senyorita..

"Naku ayos lang po!" Sabi ko naman...

"Wag na senyorita. Sa sala nalang po kayo nang makapagpahinga ng konti o di kaya'y sa Hardin para malibang kayo" Di na ako nakipagtalo sa kanya kaya nagtungo nalang ako sa sala nila...

Letcheng Nathan yan! Nasan na ba yon?!

Pagpasok ko sa sala ay bumungad sa akin ang mga mamahaling marmol na sa tantya ko ay galing pa to sa ibang bansa.. Naroon din ang kanilang sala set na gawa sa narra na mukhang nililok ng isang sikat na manlililok.. Nakakamangha! Ngayon lang talaga ako nakapasok ng ganito karangyang bahay..

Naagaw naman ng atensyon ko ang mga photo frames na nakadikit sa malapad nilang dingding sa sala.. Nasa pinaka center ang malaking Family picture nila.. May Dalawa pa palang kapatid si Nathan.. Isang panganay na lalaki at bunsong kapatid.. Mukhang nasa 26 or 27 yong kuya nya tapos yong bunsong kapatid naman nya ay around 16 years old..

Di maipagkakailang may pinagmanahan si Nathan. Kasi naman ang ganda ganda ng mommy nya na mukhang model sa kapanahunan nya. Tapos ang daddy naman nya ay napakagwapo rin na para bang may lahing Brazilyano.. Ang dalawang kapatid din nya ay tulad nya ring may pinagmanahan...

Aalis na sana ako upang magtungo sa Hardin ng may napansin akong isang frame sa may pinakadulo ng dingding kaya nilapitan ko ito...

"Sino kaya yang kasama nya?" Mahinang tanong ko sa sarili... Nakaakbay si Nathan sa babae tapos yong babae naman ay nakayakap ang dalawang kamay nya sa waist ni Nathan... Tangna! Ba't parang may kumirot?!

"Yan si senyorita Atasha. Bestfriend at first love ni senyorito Steven" nagulat naman ako nagsalita kaya napahawak ako sa dibdib ko.. Jusko! Sa lahat ng ayaw ko yong gimugulat ako!

"Aahh.. Ganun ba?" Maasim na turan ko. Eh naiinis ako ng konti sa babaeng ito. Baka dahil ginulat nya ako o dikaya'y dahil narin sa sinabi nya...

"Sige, Labas muna ako. Nakita mo ba si Nathan?" Tanong ko sa kanya.. Mukhang magkasing edad lang kasi kami kaya scratch that 'po' at 'ho' thing!

"Nathan? Bakit nathan ang tawag nyo kay senyorito eh ayaw na nya gamitin ang first name nya simula nong--"

"Zela. Nandito kalang pala" Di na natapos magsalita ang babaeng katulong nong biglang dumating si Nathan kaya nagbow lang ito at umalis din...

"Nabusog kaba?" Tanong nya na ngaun ay nasa harap ko na sha.. Di ako sumagot. Tinignan ko lang sha.. Eh diba may pa 'Can you do me a favor' churva pashang nalalaman kanina kaya manigas sha!

"Kanina kapa hindi nagsasalita" nakalabing sabi nya.. Tarantado! Tinutupad ko lang yong pesting favor mo! Hmp!

"Zela isa! Pag ikaw di pa magsalita jan, hahalikan talaga kita! Don't try me" nakakalokong sabi nya...

"Tangna naman kasi eh! Eh ikaw yong ayaw pagsalitain ako tapos ikaw tong pumuputok jan!" Ang loko mas lalo pang ngumisi ng nakakaloko!

"Talagang ako naman dapat ang pumuputok. Hindi naman pweding ikaw" ano batong pinagsasabi--

"Walanghiya ka! Bastos!" Tapos pinaghahampas ko sha.. Mas lalo namang lumakas ang halakhak nya..

"E-enough.. HAHAHAHA!" Hagalpak nya parin kaya mas lalo akong nainis!

"Isa! sisipain ko talaga yang ano mo kung di ka titigil kakatawa jan!" Panghahamon ko sa kanya..

"Hahaha.. Promise.. Hahaha.. I will stop... Hahaha... Laughing!" Haist! Nakakabanas talaga ang tangnang to!

"Ewan ko sayo! Tangna mo!" Tapos iniwan ko na sha don. Bwiset talaga! Anong nakakatawa don?! Sha tong kung ano ano ang pinagsasabi tapos sha tong panay ang tawa!

"Zela!" Tawag nya ulit.. Bahala ka sa buhay mong gago ka! Magsama kayo ng First love mong mukhang Dikya!

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon