Fate 19

11.2K 258 10
                                    



Dalawang linggo... Dalawang linggo nang hindi nagigising si Nathan. Habang tumatagal ay mas lalo akong natatakot at sinisisi ang sarili ko. Hindi ko alam kong sasaya ako dahil hindi nagalit ang parents ni Nathan sa akin bagkus ay nagpapasalamat pa sila kasi gabi gabi kong binabantayan si Nathan. O malulungkot dahil ako ang dahilan kung bakit sya  nakaratay sa hospital bed nya na wala paring kamalay malay... 

Sunday ngayon kaya masaya ako dahil full time kong mababantayan si Nathan.. Pag weekdays kasi, Tuwing gabi ko lang sya nababantayan kasi syempre pumapasok parin ako sa school. Ayaw ko namang bumagsak sa mga subjects ko. Scholar pa naman ako. Dito narin ako kumakain at natutulog araw araw. Sabi nga ni tita Agnes, yong mom nya na umuwi nalang muna raw ako para makapagpahinga ng maayos pero i insisted na dito lang ako kaya nagpapasalamat sila.. Yong Dad nya namang si tito Alfred ay madalang lang makadalaw kasi busy sya sa business nila. Yong mga kapatid naman nya ay di ko pa nakikita. Sabi ng mom nya, Yong kuya Nico nya (short for Nicholas Stanley) ay nasa France raw kaya hindi muna makakadalaw. Baka next week raw. Tapos yong bunso nilang kapatid na si Nami (short for Naeomi Scarlet) ay nasa America raw kasama ang lola nya. Pero bukas darating daw si Nami para bisitahin ang kuya nya. Nalaman kong 15 pala sya tapos 27 yung kuya nya. At kung napapansin nyo ay puro NSV yong initial ng name nila. Ang cool diba?

Kinukwentuhan ko ngayon si Nathan habang himas himas ang buhok nya.. Ako lang ang nasa hospital ngayon kasi pag sunday day off nung katulong na nakakasama ko dito sa hospital tapos busy din yong parents nya ngaun kc may meeting ata pero dadalaw yon mamaya. Sina mama naman ay tuwing gabi silang bumibisita kasi daw namimiss naraw nila ako kaya parang double visit narin.. Okey naman yong parents ko pati parents ni Nathan.. Close na nga ata mommy nya pati si mama eh. Nagkakasundo kasi sila. 

"Alam mo ba kanina baby, Naperfect ko yong dalawang major exams ko. Ang galing ko diba? Nagmana ako sayo eh" masayang kwento ko sa kanya kahit nakapikit parin sya. Ang sabi kasi ng doktor ay mas makakabuti raw kay Nathan kung palagi namin syang kakausapin para mas mapabilis ang recovery nya.. Bumuntong hininga ako bago ulit magsalita..

"Miss na miss na kita Nathan.. I'm sorry kung nang dahil sa katangahan ko ay nangyari to sayo. Mahal na mahal kita alam mo ba yon?" Humihikbi ko na namang sabi habang nakabaon na ang mukha ko sa leeg nya.. Ghad! Miss na miss ko na talaga sya. Marami rami narin shang na-miss sa school kaya kailangan nyang makabawi. Nagsimula narin ang exam kahapon kaya until tomorrow pati sa tuesday ay exams parin.. Malapit narin yong Thesis nila Nathan. Ang sabi ni Kervin pagkatapos raw ng exams ay sisimulan na yong thesis nila. Nautical pala yong course ni Kervin at graduating narin ito kagaya ni Nathan...

Di ko na pala namalayan na nakatulog na pala ako.. Nagising lang ako nung may humahaplos sa buhok ko...

"Zela..." Biglang lumundag ang puso ko sa narinig ko. Alam kong sya lang ang tumatawag sa akin nyan..

"N-nathan!" Di ko na napigilan... umiyak na ako ng malakas tapos niyakap sya ng mahigpit.. Ang saya saya ko! Gising na sya!

"Ikaw ha. Dalawang linggo lang ako natulog ay halos maglaslas kana sa pagkamiss sa akin. Pakasalan na kaya kita?" Pangloloko na naman nya habang yakap yakap ako at himas himas ang buhok ko..

"Eh kasi naman ehhh!" Mas nilakasan ko pa ang iyak ko. Wala akong pakialam kung naririnig sa labas ang iyak ko. Miss ko lang talaga sya..

"Sshh.. Stop crying Zela" pang aalo nya sa akin sabay punas ng mga luha ko...

"Nathan.. I'm so—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sakupin nya ang mga labi ko.. It was a romantic passionate kiss na para bang gusyo nyang ipahiwatig na mahal na mahal nya ako... Humiwalay sya nong medyo kinapos na kami ng hangin.. Tinititigan lang nya ako na para bang minimimorya nya ang bawat ditalye ng mukha ko.

The Twisted Fate (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon