~Hello Faters. Masaya ako ngayon eh kaya 2 chapters narin ginawa ko. Dedicated to kay @PrettyPinkPink Thanks for the comments & votes. Enjoy reading!~
"Ang ganda mo naman fren" biglang sabi ni Olivia na ngayon ay inaayos ang damit nya. Nakapamake-up churva narin kasi sha at ako naman ay tapos na kaya nakaupo lang ako sa kama at hinihintay sha. Yong iba naming kasamahan ay nagpaparlor pa. Marunong daw si Olivia sa mga cosmitics kaya sinabi nya saking sha na ang bahala. Seriously, ang galing talaga nya. Sabi nya sa akin self study raw sha at dahil narin daw iyon sa impluwensya ng modelo nyang ina.
"Kung maganda ako, baka ikaw pwedi na ipalit kay Aphrodite" biro ko na partly ay totoo naman. Kasi ang ganda ganda talaga ni Olivia. Kung ako lalaki baka niligawan ko na'to! Mabait na, maganda pa! Di mo aakalaing heiress billionaire kasi napakasimple. Pwera nalang dahil maganda talaga sha manit at halatang mamahalin.
"Ikaw talaga zel! Binola mo pa ako"
"Nagpabola ka naman?" Malakas na tawanan nalang ang aming pinagsaluhan.
--
"Hi Pretty" napatingin ako sa nagsalita. And Bull-freaking-shit! Ang gwapooo! Nginitian ko sha sabay round ng right arm ko sa sa left arm nya...
"You look stunning" pambobola nya na sinabayan nya pa ng kindat. Wag ka! Nagtitilian ang internal organs ko. Yong puso ko naman kumakanta ng 'This is the moment~ Hahaha!
"Eh kahit naman wala akong damit stunning parin ako sayo. Word of the week mo ata yan eh" pagbibiro ko. At ang loko ang laki ng ngisi.
"Gusto mo talagang hubaran kita ano?" Taas-babang kilay nyang pambubwiset na may kalokohang ngisi pa!
"Sira! Eh kung putulin ko yang Betlog mo?!" Ayun, nawala ang ngisi nya at tumikhim sha sabay ngiti ng maayos.
"Syempre joke lang yon na kahit okey lang din" Binatukan ko na talaga.
"Aray" nakalabing reklamo nya sabay himas ng batok nya.. Hangkyoooot~! Hahahaha. Di ko na napigilan kaya i tiptoed tapos i gave him a quick smack. At ang busangot nyang mukha nagtransform into 'this is it' look.
"Isa pa. Masakit eh" tapos ngumuso sha ulit. Ayun! Hinila ko ang nguso nya. Hahahaha!
"Kasi naman eh!" Maktol nya nong bitawan ko ang nguso nya. Hahaha! Namumula.
"Ikaw naman kasi puro ka kalokohan" nakangiting sabi ko tapos ginawaran ko na sya ng isang halik..
"I love you" sabi nya tapos niyakap ako.. I know Nathan, and I love you too but this isn't the right time. Niyakap ko rin sha ng mahigpit then i rested my head on his chest..
"I know" sagot ko.
"Eh kasi naman eh!" Reklamo na naman nya. Jusko! Maprapraning ako sa lalaking to! Magkaroon ka ba naman ng manliligaw na may sayad sa utak.
"Ano na naman bang ipinuputok ng Butche mo jan Ventura?" Nakataas na kilay kong tanong. Nagpout sya bigla.
"Dapat kasi ang sinagot mo ay 'I love you too honey' hindi yong 'i know'. " maktol na naman nya. Sarap talaga ingudngod ang nguso nito sa seminto!
"Gusto mo bang maputulan ng betlog ha?!" Panghahamon ko na naman..
"Sabi ko nga maganda ka" tapos niyakap ulit ako. Jusko! Matalinong may topak ata tong manliligaw ko!
Maya't maya'y tumawag si Olivia kasi magsisimula naraw ang party. Oo nga pala, nasa terrace kami ng hotel. Wala pa kasi yong ibang schools kaya nagpahangin muna kami. Iksaktong alas Dyes y media nong makabalik kami sa hall. Agad naman kaming nagtungo sa mga kasamahan namin. Alam kong lahat ng mata nila ay nakatutok sa kamay namin na magkahawak ...
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate (COMPLETED)
Humor(Romantic Comedy Story) **Prologue** How could I forgive him when He gave me reasons to hate him? How could I forget him when He is always graven in my heart? And... How could I move on when i'm having his own child? These 3 words... Forgive, Forge...