Title: Joven and Jelo
Genre: Sport, DramaLumabas mula sa Banyo si Joven habang nag tatali ng Buhok nyang ilang buwan nyang pinahaba, Dugo, Pawis at Laway ang binuhos nya, para lang mapanatili ang haba nito.
Dugo dahil nakipag away sa Nanay
Pawis dahil nakipag away sa Nanay
at Huli, Laway dahil nakipag away sa Nanay." Joven!!!! " Sigaw ng kung sino sa labas ng bahay nila, Napatigil sa pagsusuri ng sarili nya si Joven sa harap ng salamin at mabilis na dumungaw sa bintana ng makilala ang boses ng taong iyon, Kumaway ang Tumawag sa kanya na si Jelo, napangiti at gumanti ng kaway si Joven dito bilang pagbati.
" Sandali lang, Jel!! " Sigaw ni Joven dito, Nag approved sign si Jelo bilang sagot, Nakasuot ito ng Panlaro at hawak ang Bola ng volleyball.
Mabilis na Naglagay ng pulbos sa mukha at Pabango sa sarili si Joven para kung sakaling pawisan man ay Safe na safe ang amoy, Bumaba na siya at naabutan nya ang Nanay nyang Kasalukuyang nag Bebenta ng ulam sa harap ng bahay nila.
" Hi, Tita! " Bati ni Jelo sa Nanay ni Joven ng lumapit ito.
" Oh, Jelo Kumain muna kayo Bago umalis " Alok ng Nanay ni Joven.
" Ma, Hindi na Baka mapagalitan pa kami, late na sa Laro " Joven, Hinawakan nya sa braso si Jelo para yayain ng umalis pero ang kaibihan ay unti unting lumalapit sa Nanay nyang nagsasandok ng kanin na para sa kanilang dalawa.
" Ven, Kain muna tayo Medyo Tomguts na ako, Si Erpats kasi " pakiusap na sabi ni Jelo sa kaibigan, habang hinihimas ang tiyan na malamang kumakalam na, Nagpalipat lipat naman ang tingin ni Joven sa kaibigan at sa Nanay nyang Nag aabot na ng plato para magamit nilang dalawa.
" Sige na nga, Pero bilisan lang natin kilala mo naman sina Ken " Joven, Agad tumango at napangiti si Jelo at nauna ng umupo sa lamesang para sa mga customer na kakain duon.
Si Joven na ang nag asikaso sa pagkain nila dahil unti unting dumadami ang Customer ng Nanay nya tuwing umaga, Hindi pa nakakaupo ng tuluyan si Joven ay agad ng nilantakan ni Jelo ang pagkain na para sa kanya, Pinagsalinan niya ng tubig ang baso ni Jelo.
" Hinay Hinay, Parr " Paalala ni Joven, Pero imbis na maghinay hinay ay ngumiti lang si Jelo at nagpatuloy sa mabilis na pagkain.
" Sabi mo bilisan lang, Ikaw naman pala itong mabagal kumain " Sita naman ni Jelo kay Joven at nang mapatingin sa Suot na relo ay agad na ding kumain ng mabilis.
Habang nainom ng tubig si Jelo ay hindi nya maiwasang mapangiti, Tuwing pagmamasdan nya ng palihim ang kaibigang si Joven ng matapos itong kumain ay nag iwas sya ng tingin tsaka inubos ang tubig na nilagay para sa kanya ni Joven.
" Pashmakm---- " Nagsalita si Joven habang may pagkain sa bunganga at hindi napigilan ni Jelo na masamid dahil sa Tubig.
" Ay, bastos " Reklamo ni Joven habang nakuha ng tissue para mapunasan ang tumalsik na tubig sa mukha nya.
" Sorry, Sorry, Hahaha " Jelo, Napatigil sa pagpupunas si Joven at tinignan ng nakakunot ang noo si Jelo.
" Tinatawa tawa mo? " Inis na tanong ni Joven habang nagpapagpag ng damit, Stress yarn?
" Sorry na nga diba? Gagalit ka pa dyan, Bilisan mo na Para makahabol tayo " Biglang reklamo ni Jelo at tumayo na para lumapit sa Nanay ni Joven.
" Tss, siya na nga nambasa ng tubig siya pa may ganang magalit? Hala, Mimasaur tapon kita sa Mars " Bulong ni Joven sa nakatalikod na si Jelo, Nagpapasalamat pa yata ito sa nanay nya.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...