Title: Love, Hold Me
Genre: Drama, BL
Author: Joy_RikavelaJay Chan POV
Matagal ko ng iniisip paano nga ba magtahi ng Pantalon? Ilang taon na ako pero kapag may nasisira akong damit tinatapon ko agad o Hindi kaya kapag nakita ni Papa ay duon nya ito tatahiin.
Minsan tinuruan nya ako kung paano magtahi, Babasain ko daw muna yung Sinulid tapos ipapasok sa Butas, Napakamot ako sa ulo ko Dahil kanina ko pa dinidilaan yung sinulid ang sikip naman ng papasukan ko, kaya sa huli Itinapon ko nalang yung Damit.
" Oh, Bakit mo tinapon Anak? " Tanong sa akin ni Papa, Umiling ako at nangalumbaba dito sa tindahan.
" 'Wag ka ngang mangalumbaba dyan, Malas sa Tinda yan " Sabi ni Papa, Kaya agad akong sumandal sa upuan.
" Pabili po " Sabi ng batang babae sa tindahan.
" Uy, Jay Tindahan mo yun " Sabi ni Papa, Tamad akong tumayo at tinanong kung ano yung bibilhin nya, Tsk! Candy lang pala, Tapos piso lang?? Sana ginawa mo nalang tatlo para naman naging worth it yung pagtayo ko tapos piso lang bibilhin mo?
" Bakit ba nakasimangot ka na naman? " Tanong ni papa sa akin.
" Yung sinulid kasi ayaw mapasok sa karayom " Inis kong sabi dito at agad nyang itinigil ang kanyang pamamalantya ng yuniporme ko sa school.
" Jusko naman, Jay Kaliliit liit na bagay inuungot ungutan mo ng ganyan, Bakit hindi mo kasi pag aralan? Ipapasok lang naman " Sabi nito, umupo ulit ako sa pwesto ko at pinagmasdan syang mag asikaso.
Dalawa nalang kami ni Papa sa Buhay, mali pala, Tatlo kami sa buhay, Ako at si Papa ko na dalawa ang kasarian, It means Bakla nya, Pero ako?? Uy!! Baka sapakan tayo.
" Ipasok mo nga, Pa " Sabi ko dito at muling inabot ang karayom tsaka sinulid sa kanya.
" Hay, Kaya mo na yan Malaki ka na " Papa.
" Hindi ko nga kaya eh " Nakakunot ang noong, Reklamo ko dito.
" Kita mo namang may ginagawa ako, Oh sige ako ng bahala sa karayom ikaw dito mamlantsa ng susuotin mo bukas " Sabi nito, Nag iwas ako ng tingin at nang may bumili ay agad ko syang inasikaso, Tsk.
Tama na nga sa Karayom at sinulid na yan.
Wala na ang mama ko dahil nakipaghiwalay ito kay Papa ng malamang may lalaki ang Papa ko, Sinubukan naman daw ni Papa na maging lalaki para kay Mama pero hindi daw talaga kaya, Kaya ito kami Naiwan dalawa, Dahil Sumama sa Kano ang Mama ko, Hindi ko din naman siya masisisi sa ginawa ni Papa.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pasukan na naman, Kakatapos lang ng mahal na araw kaya kailangan magsipag sa pag aaral ilang taon nalang gagraduate na ako.
" Oh, Uminom ka ng tubig " Papa.
" Pa, Kaya ko na " Sabi ko dito.
" Hay, Uminom ka ng uminom ng tubig para malinis ang katawan mo " Papa.
" Edi, kung iinom ako ng iinom ng tubig iihi naman ako ng iihi mamaya sa school, Science ba " Sabi ko dito.
" Edi, 'Wag ka nalang uminom ng tubig tapos ang problema " Papa.
" Kung hindi naman ako iinom, Edi na dehydrate ako tapos mamamatay kasi wala ng tubig ang katawan " Reklamo ko naman dito, Sinamaan nya ako ng tingin.
" Alam mo, Uminom ka nalang ng tubig andami mo na kasing alam eh " Papa, Ngumisi ako at Nagpatuloy na kami sa pagkain ng Umagahan.
After namin mag almusal ay hinatid ako ni Papa sa Entrance ng school gamit ang Tricycle nya, Oo Tricycle driver ang Papa ko, Madami syang customer kaya minsan kinukuha syang service sa school kaya malaki minsan ang naiuuwi nya sa amin.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...