Crush Back Part 9

60 3 1
                                    

Jenmark Moreno POV

Nagtrabaho ulit ako at ganun ulit ang uwi ko, Bago ako umakyat sa kwarto ni Louie ay nagpalit muna ako tsaka sya kinatok sa kwarto nya, Ayoko nang pumasok ng basta basta, Baka mamaya may ginagawa na naman syang milagro kasama yung Maris, Agad bumukas ang kwarto at bumungad sa akin ang may iilang kandila na nakasindi at nakadim yung ilaw nya, Ang Creepy para akong pumasok sa Haunted house.

Lumakad sya sa pinakagitna ng kwarto na tila inaantay ang pagdating ko, Ano na naman kayang pakulo ito? Tss!!

" Bakit ang dilim? Bampira ka ba? " Pabiro kong tanong dito pero hindi siya sumagot dahil inilahad nya lang ang kamay sa akin na para bang hinihingi ang kamay ko, Ganito pala ang gusto nyang practice.

" Can I have this dance? " Tanong niya sa pinakamalalim na boses na meron sya, Inangat ko ang kamay ko pero nang subukan na nya itong hawakan ay inilagay ko ito sa dibdib ko.

" Hindi ako nakikipagsayaw sa masama ang ugali " Sabi ko dito, Tsaka umiwas ng tingin, Pero Kinuha din nya agad ang kamay ko para halikan ng tatlong beses paakyat sa palapulsuhan ko, Sunod ay hinila ako nito palapit sa kanya para mapahawak ako sa balikat nya.

" Kailangan pwersahin? " Inis kong tanong dito at sinubukang dumistansya sa gitna pero talagang malakas ang trip ng isang ito, Nakayakap na kami ngayon sa isa't isa habang sumasayaw ng slow dance, May pahagod pa sa buhok ko.

Akala mo talaga mabait.

" 'Wag kang mawawala sa Knight Dance, Lagot ka sa akin " Louie.

" Ano nga palang susuotin dun? Pwede bang nakacivilian? Pambahay? " Tanong ko dito, Bahagya kaming huminto sa pagsayaw, Tsaka nya ako nilayo sa kanya.

" Seryoso ka ba? " Louie.

" Oo, Wala akong damit kaya itatanong ko nalang kay Sir kung pwede nakacivilian " Sabi ko dito.

" Hindi na kailangan, I can Spare you one of my prom suit last time " Sabi nya, binuksan nya muna ang ilaw ng kwarto tsaka lumapit sa cabinet para maghanap ng sinasabi nyang suit na gamit nya nung nakaraan, Hindi man ito prom night at least naranasan ko pa din umattend sa ganito.

" Here, Try it " Louie, Sabay abot sa akin ng Brown suit na may kasamang white long sleeves sa loob, red, Black and White na necktie, Tapos Slocks na brown din, Parang pang Royalty, Anh Cool tignan.

" Ipapahiram mo ito sa akin? " Tanong ko dito, Tumango siya at agad akong tinulak papasok sa CR nya.

" Seryoso ka ba? " Hindi makapaniwalang tanong ko dito.

" Bilisan mo na, Suotin mo tignan natin kung bagay sayo " Louie, Huminto ako sa hamba ng pinto tsaka humarap sa kanya.

" Paano yung susuotin mo? " Tanong ko dito.

" I already have my new suit for Knight Dance kaya sukatin mo na yan " Sabi nito at siya na ang nagsarado ng pinto, Inangat ko ang hanger na pinaglalagyan ng suit, Nilock ko muna ang pinto tsaka ako naghubad sunod ay isa isa itong sinuot, Humarap muna ako sa salamin bago ako lumabas at nang makita ako ni Louie na nakaupo sa kama nya habang naghihintay sa paglabas ko ay agad itong tunayo

" Bagay sayo " Louie, Sabay hawak sa balikat ko, Inikot ako nito para mapaharap sa Full length mirror nya, Pinagmasdan ko ang sarili ko, Bagay, Konting ayos lang, Nagkatinginan kami ni Louie na kasalukuyang inaayos ang pagkakagitna ng Necktie ko, Maingat nyang pinagpagan ang balikat ko tsaka lumipat sa kabilang side para tignan ako sa salamin, Sunod ay lumapit ang pisngi nya sa pisngi ko, Habang nakatitig sa akin, Pasimple nyang kinukuskos ang labi sa pisngi ko kaya napapikit ako, Nang Hipan nya ng mahina ang tenga ko ay nakiliti ako.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now