Crush Back Part 12

45 3 0
                                    

Louie Estonido POV

" Bakit hindi mo sinabi sa akin na alam nyo, Mom? Bakit nilayo nyo ako sa kanya? Hindi nyo ba alam na sobrang lungkot yung naramdaman ko habang hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya dun sa pinas? I was so stupid to believe you back then " Reklamo ko dito.

" I'm Sorry, Louie You are still young and ayaw namin ng dad mo na madistract kayong dalawa ni Jen sa isa't isa " Mom.

" Kahit na, Hindi nyo kailangan magsinungaling sa akin " Sagot ko dito.

" Louie, You are free now Go and get him back, 'wag ka ng magalit sa mom mo dahil para sa inyo din naman ang ginawa namin " Dad, Napairap ako sa ere dahil sa Frustration na bumabalot sa akin, I have alot of regret since then tapos ganito?? Kainis!!!

Habang nasa Himpapawid ay sinubukan kong makatulog pero habang palapit ako ng palapit sa Pilipinas ay hindi na ako mapakali, Hindi na ako makahinga ng ayos, Paano kung wala sya sa bahay? Paano kung umalis sila ni Manang Josephine? Saan ko sya hahanapin?? Paano kung----- kung may Girlfriend na sya? Damn, I'm not ready for this.

Sinuot ko ang salamin at Headset ko habang naglalakad palabas ng eroplano at matapos kong makuha ang mga bagahe ko, Hila hila ang maleta ay may napansin akong nakaangat na Tarpaulin na may pangalan ko at picture ko, Sa Itsura ko duon ay mukhang pampatay pa yung Tarpaulin dahil para akong kinukuha ng liwanag, Nasigurado ko iyon ng makita ko si Manang Josephine, Tumalon talon ito ng makita ako.

" Manang " Nakangiti kong Tawag dito at agad syang niyakap, Wala syang kasama pero nakaparada ang kotse namin sa gilid.

" Kamusta po? " Tanong ko dito.

" Ayos lang, Anak Kamusta ka?? Ang gwapo gwapo mo na at ang Fresh fresh mo, Amoy Shekago ka pa, Hmm!! Ang bango " Sabi ni Manang kaya napangiti ako, Sabay kaming napatingin sa Nagbukas ng driver seat at Natameme ako ng makita ko si Jen, He looks intimidating hindi nya ako tinitingnan dahil si Manang Josephine lang ang nakikita nya.

" Ma, Aalis na ba tayo? " Masungit nitong tanong tsaka tabi sa mama nya, Hindi ako nakapagsalita dahil ang laki ng pinagbago nya, Tumangkad sya katulad ko at umangas, Maangas naman sya dati pero mas umangas sya, dahil seryoso lang sya ngayon, I miss his smile.

" Jen, How are---- " Hindi ko pa natatapos ang itatanong ko sa kanya ay hinawakan na nya ang maleta ko.

" Ilalagay ko na po ang gamit nyo sa likuran " Magalang nitong sabi sa akin kaya nangunot ang noo ko, Dahil sa inaasta nya, Sino nga naman ang matutuwa na after so many years babalik pa pala ako?? Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na ito ni Jen para ilagay sa loob ng compartment, Agad naman akong pinapasok ni Manang josephine sa tabi ng Driver seat, Tsaka sya sumakay sa likod ng kotse.

" Naku, Miss na miss ka na ni Radang Sir Louie, Mabuti nalang at nandyan si Jen siya na muna ang nag alaga " Sabi ni Manang, Napalingon ako ng pumasok na si Jen sa driver seat, Nagtanggal ako ng Salamin para matingnan ko sya ng ayos.

Pagsarado nya ng pinto ay hindi nya pa din ako nililingon, Basta lang kami umalis ng Airport without talking, Habang nasa byahe kami si manang josephine lang ang salita ng salita, Tumatawa ako sa mga kwento nya, Dahil yung kwento nya ay about kay Jen na hindi ko naabutan, Pasulyap sulyap ako kay Jen na wala talagang pakialam sa amin ng mama nya.

Pagdating sa bahay ay una syang lumabas para kunin ang maleta ko, Tsaka inalisan kami ng mama nya, Pumasok kami at agad akong nasorpresa ng may handaan pala para sa pagbabalik ko dito, Lahat ng katulong namin ang nandun, Nag angat ako ng tingin kay Jen ng bumabalik na ito matapos iakyat ang maleta ko, Akala ko ay makikicelebrate sya sa pagdating ko pero mali ako.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now