Jenmark Moreno POV
Mga alas onse ay duon ako nakaramdam ng gutom, Hindi nga pala ako kumain ng hapunan, Hindi din ako niyaya ni Mama siguro ay pinaparusahan ako dahil nagmatigas ako, Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa akin ang Dim na buong bahay, Binuksan ko ang ilaw sa kusina para maghalungkat ng makakain sa kusina.
Sa Counter ay may kaldero, Binuksan ko iyon, May kanin pa Ano bang ulam nila kanina? Naghalungkat pa ako ng mga kaldero na may takip pero wala na akong nakita, Ubos?? Nagulat ako ng may marinig akong Papalapit sa kusina at pagkakita ko kay Radang ay nakahinga ako ng maluwag.
Mukhang nagising ito dahil sa pagbubukas ko ng takip dito sa kusina, Bakit ito nasa labas? Ang alam ko sa loob ng kwarto ni Louie ito natutulog.
Naghalungkat ako sa mga cabinet at nakakita ng Sardinas na pula, Ang sarap nito, Kumuha ako ng kanin at agad binuksan ang Sardinas para sabawan ang Kanin ko, Kumuha din ako ng tubig para kumpleto na, Babalik na sana ako sa Kwarto ko ng may marinig akong pagtalon sa tubig.
" May Gising pa ba? " Tanong ko sa sarili ko, Pinakinggan ko ang paligid pero wala ng sumunod na ingay, Kaya lumabas ako ng swimming pool area, Duon nakita ko si Louie na lumalangoy na parang sirena sa swimming pool nila.
Tss!! Akala ko pa naman Alien siya, Yun pala Sirena, Tumalikod na ako at babalik na sana sa loob kaya lang nakita na ako ni Louie.
" Squatter " Tawag nito sa akin, Agad akong humarap at inilapag ang pagkain sa Lamesa.
" Sinisilipan mo ba ako? " Tanong nito, Kaya sinamaan ko siya ng tingin tsaka umupo, Nagsimula akong kumain at inisip nalang na mag isa ako dito sa labas, Ang lamig ng simoy ng hangin ngayong gabi pero yung isa nakababad sa swimming pool? Tibay naman ng kalamnan nito hindi nilalamig?
" Squatter " Tawag na naman nito sa akin habang nanguya ako.
" Pahingi " Louie, Napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinabi niya, Napatingin ako sa plato ko, Seryoso? Kumakain siya ng Sardinas?
" Kumakain ka ba nito? " Tanong ko.
" Oo naman " Louie, Tumayo ako para subuan sya na nakasabit lang sa gilid ng pool para hindi siya lumubog sa tubig.
" Yakk!! Ano yan? " Gulat na tanong ni Louie habang ngumunguya na lukot ang mukha.
" Sardinas, Sabi mo nakain ka nito? " Sabi ko dito.
" Oh my god! " Louie, Sabay lunok ng sinubo ko sa kanya, Agad syang nanghingi ng tubig kaya binigay ko yung tubig ko sa kanya.
" Bakit nakain ka nyan? Hindi masarap " Louie.
" Grabe ka, Ayan kaya yung kinakain namin kapag walang ulam " Ako.
" No wonder, Pagkain pala yan ng Squatter " Louie.
" Edi, Squatter ka na din kumain ka nito " Sabi ko dito, Binasa nya ako ng tubig galing sa pool kaya napapikit ako dahil sa mukha ko tumama ang tubig.
" Squatter ka talaga " Louie, Sabay langoy sa malalim, Tumayo ako tsaka naglakad papasok ng bahay para ilagay sa lababo ang mga ginamit ko, Matapos kong hugasan lahat ng ginamit ko ay lumabas ulit ako, Naghubad ako ng damit at short ko tsaka mabilis na tumalon sa tubig na parang nahulog na bomba, Yung tipong ubos ang tubig ng pool.
" Shitt!!! " Louie, Agad akong lumangoy para hawakan sya sa paa, Sa gulat nya ay nasipa nya yung mukha ko kaya agad akong umahon.
" Aray!!! Kabayo ka ba? " Inis kong tanong kay Louie habang nagtatanggal ng tubig sa tenga.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...