Title: Joven and Jelo Part Seven
Genre: Sports, DramaJoven Endrinal POV
Nagbuga ako ng hangin habang nakatungo dito sa Desk ko, Hayst!! Anong Ganap? Wala!! Ilang araw ko ng hindi pinapansin si Jelo, Bahala sya diyan.
Tuwing Umaga ay susunduin nya ako kaya mas inaagahan ko ang pag pasok sa School kaya makakareceive ako ng text mula kay Mama na Naghihintay duon si Jelo, Sa tanghali naman ay nag kacut sya ng one hour subject para lang mapuntahan ako tuwing break time ng department namin, Pero hindi ko pa din siya pinapansin.
Sa Hapon naman ay Iintayin nya ako sa Gate para sabayan ako pero pag may dadaang jeep na puno, Sasabit nalang ako kapag gusto din nyang makisabit sa tabi ko ay Sasakupin ko yung pwesto ko, As In ibubuka ko talaga yung binti ko, 'wag lang sya mabigyan ng pwesto.
" Hi, Ven!! " Bati sa akin ni Ken ng magawi ito sa Department namin, Sumimangot ako at naglipat ng tingin sa kabila.
" Sungit mo naman, Bhe " Pansin nito sa nakabusangot kong mukha, Naghila pa sya ng upuan palapit at dahil yung upuan ay Bakal, Naglikha ito ng nakakainis na tunog, Para tuloy nangilo yung ngipin ko.
" Buhatin mo naman yan " Saway ko dito, ngumiti sya at binuhat ang upuan palapit.
" Bakit ka nandito? " Tanong ko kay Ken, Nagkibit balikat siya.
" Uhmmm, May Chichika ako " Sabi nito, Napalingon sya sa Paligid ko at nang makita nyang safe ng magkwento ay tumingin na sya sa akin.
" May Crush ako " Sabi nito, Nanlaki ang mata ko.
Nakakagulat dahil kahit kailan ay walang natipuhan si Ken na lalaki, Mataas kasi yung standard nya pagdating sa Guy tapos sa akin nya pa chinika ang secret nya, Pero wala naman syang kailangan ipag alala dahil magaling akong magtago ng sikreto, Tignan mo yung relationship namin ni Jelo nakatago pa din.
" Truelibels?? Sinetch itey? " Interesado kong tanong dito.
" Uhmm, Volleyball player din " Sabi nito, Napatakip ako sa bibig.
" Howatts!? sino sino?? Ayy!! Wait, Bago mo ichika kung sino yan, Ano muna yung nagustuhan mo sa kanya? " Excited kong sabi dito, Ngumiti naman sya at napaisip ng konti.
" Ano? " Tanong ko pa dito.
" Uhmm, Ang Cute nya, Sweet, Caring hahaha at tsaka napahumble, Napakakulit, Parang kapag tinitignan nya ako mata sa mata, Parang ako lang yung nakikita nya " Describe nya sa lalaki at sa nararamdaman nya, Napapalakpak ako ng mahina.
" Hala, I'm proud of you " Sabi ko dito, Ngumiti sya.
" Ay! Ako din may sasabihin ako " Sabi ko dito.
" Ano yun? " Tanong nito.
" May Boyfriend na ako " Sabi ko dito, Nanlaki ang mata nya sunod ay napatakip sya sa bibig.
" Huyy, Ang landi mong bakla ka, Sino? Sino yan? " Alog nito sa Palapulsuhan ko kaya para tuloy naalog yung utak ko for a minute, Ay!! Taray!!
" Sino muna yung sayo? " Tanong ko dito.
" Sayo muna " Sabi nito, Agad akong umiling.
" Ikaw ang unang nagsabi kaya ikaw ang unang mag Crush Reve------ "
" Si Jelo " Nakangiti nitong sabi at pagbanggit palang ng pangalan ng Crush nya ay para na syang bulaklak na kamumukadkad palang.
" S-sino? " Tanong ko dito.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...