Joven and Jelo Part Eight

87 4 0
                                    

Joven Endrinal POV

Umayos ako ng tayo, Para pag nagkita kami, Mainlove ulit siya sa akin kumatok ako ng tatlong beses at ganun ulit hanggang sa pabalang itong bumukas at bumungad ang Nakahubad at nanghihina na si Anjelo.

" Ano bang problema mo? " Galit nitong bungad sa akin.

" A-anjelo, A-anong nangyari sayo? " Nauutal at nag aalala kong tanong dito.

" Edi itanong mo sa Boyfriend ko " Maanghang na sabi nito at pagsasaraduhan na sana ako ng pinto kaya lang agad kong pinigilan ang pagsara nito.

" Umalis ka na nga " Pagtataboy nito sa akin, Pilit nyang inaalis ang kamay ko sa pinto habang ako ay pinilit naman makapasok kahit na sobrang lakas nya.

Tuluyan na kaming nakulong sa kwarto at masama syang nakatingin sa akin tsaka umiling, Sumunod ako sa kanya ng Lumakad sya patungo sa higaan nya, Nakita ko ang Planggana na may basahan at ang tubig nito ay kulay Pula.

" Dugo? " Tanong ko sa sarili ko at nilapitan ito para suriin, Hindi pa ako nakukuntento ay agad itong hinablot ni Jelo mula sa kamay ko, Pabalang nya ding kinuha ang Planggana tsaka ako tinalikuran, Bago pa sya makalayo sa akin ay agad ko syang niyakap sa tiyan nya at hinalikan sa likod.

Hindi siya nagsalita at ganun din ako, Dahil sa pagdampi palang ng balat namin sa isa't isa ay Ramdam ko ng masama ang pakiramdam nya.

" Ano bang nangyari, Jelo? " Malungkot kong tanong dito at halos mapapikit ako ng bumagsak ang Planggana sa sahig at kumalat ang tubig na punong puno ng dugo, sunod ay bumagsak sya sa sahig kasama ko.

" Jelo, Jelo " Tawag ko dito at sunod ay nagsimula na syang umiyak.

" Tang ina!! " Galit nyang sigaw kaya agad ko siyang hinila paakyat sa kama nya, Ngayon ko napansin ang pasa at sugat sa katawan nya, ito pala ang dahilan kung bakit may dugo ang Pamunas na hinawakan ko kanina.

" Anong nangyari, Jelo?? please sabihin mo " Pilit ko kay Jelong magsalita kaya lang puro sya iyak kaya unti unti na ding nanlalabo ang mata ko dahil ayokong makita syang ganito, Tumingin siya sa akin at pumikit sabay bangon para yakapin ako.

" I'm sorry, Joven " Sabi nito at malambing akong hinalikan sa ulo ko, Kaya umiyak na ako.

" 'Wag kang makikipagkita kay Taj, Joven ayokong mangyari sayo yung ginawa nya sa akin " Sabi nito ng pabulong, Napahinto ako sa pagiyak at maya maya ay humagulgol na naman.

" Ano ba kasing nangyari?? Jelo, Magsalita ka " Sabi ko dito, Bumitaw sya sa yakap ko at tinignan ako ng nakangiti.

" I ....... need justice, My Love " Sabi nito at pumikit, sunod ay bumagsak ang kamay nyang hinahaplos ang buhok ko.

Napahagulgol ako ng Hindi siya muling dumilat pa, Inalog ko ang katawan nya para gisingin kaya lang hindi na iyon nangyari pa, Wala na sya.

Wala na si Anjelo.

" Anjelo!! Anjelo!! Gumising ka, Anjelo please!! Haahhhh! Bakit mo ko iniwan?? Anjeloo!! A-anjelo, S-sorry, Sorry magpapaliwanag na ako, Sorry Anjelo, Gumising ka na!! Anjelo ko!!! " Sigaw ko at dahil sa lakas nito ay rinig iyon ng buong Dormitory kaya nakarinig ako ng takbuhan mula sa labas.

" Anjelo, Gumising ka!! Please, Please!!! Anjelo, Aaaaahhhh!! " Hagulgol ko habang yakap yakap ang Bangkay ng lalaking kaibigan at mahal ko.

" Aahhhh!! " Reklamo ng nakakita sa amin at narinig ko ang pagkakagulo nila, May tumawag ng ambulansya pero wala akong pakialam, Gusto kong gumising si Anjelo.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now