Final Chapter!!!!!! Bye o.o
Kusot
Ace Illustrisimo POV
Sakay ng kotse ni Nolen ay patungo kami ngayon sa Ilog na malimit lang mapuntahan ng mga tao, Dahil kapag umuulan ay tumataas ang tubig nito ngayong araw ay inalam talaga namin ang balita, Wala namang pagbaha at pag ulan na mangyayari ngayong araw.
Magkahawak kamay naming binabaybay ang daan patungo sa ilog at nang marating na namin iyon ay si Nolen na ang unang bumitaw sa kamay ko, Hindi ko alam pero iba yung naramdaman ko, Sumikip bigla ang dibdib ko at parang gusto kong maluha na hindi.
" Ace!!! " Tawag sa akin ni Nolen, Kaya Isinantabi ko muna yung panandalian kong naramdaman, Naghubad ng damit nya si Nolen at mabilis na tumalon sa ilog, Hindi ako sumunod sa kanya dahil hindi ako marunong lumangoy.
" Acee!! Tara na dito " Nolen, Agad akong umiling tsaka umupo sa tabi ng mga gamit namin.
" Ace!! " Nolen.
" Ikaw nalang " Sabi ko dito, Nang hindi nya ako mayaya sa tubig ay mabilis syang naglangoy para makalapit sa akin.
" Tara na sa tubig, Masarap magbabad " Nolen.
" Sige na, Ikaw nalang " Sabi ko dito.
" Tuturuan kitang lumangoy " Nolen, Tsaka ako hinila nito patayo.
" Paano mo nalamang hindi ako marunong lumangoy? " Kuryoso kong tanong dito.
" Sinabi ni Brusko kagabi, Nabanggit ko kasi sa kanyang maliligo tayo ng ilog ngayon baka gusto nyang sumama, Kaso hindi daw nya pwedeng iwan ang trabaho sa kakahuyan kaya sa susunod nalang sya sasama " Nolen.
" Yun pala yung pinagtatawanan nyong dalawa " Hindi makapaniwala kong sabi at mabilis syang binuhat para itapon sa ilog, Pag angat nya sa tubig ay winisikan nya ako ng tubig, Kaya gumanti ako at tanging tawanan lang naming dalawa ang maririnig dito sa ilog.
Nang magsawa kami sa pagligo ay nilatag ko sa Patag na lupa at may kaunting bato yung dala kong banig, kaya mabilis na dumapa si Nolen duon para pumikit, Ako naman ay nahiga lang habang nakatitig sa langit, Habang nagmumuni muni ay bumungad ang mukha ni Nolen ng nakangiti.
" May regalo ako sayo " Nolen, Pinagmasdan ko ang ginawa nyang pag upo at pagkuha ng maliit nyang bag.
" Ano yun? " Tanong ko ng itago ni Nolen ang nasa kamay nya sa likod, Umupo ako para magpantay kami.
" Pumikit ka muna " Nolen, Huminga muna ako ng malalim bago pumikit, Maya maya ay naramdaman ko yung pagdampi ng labi nya sa labi ko at pag mulat ko lumantad ang isang kwintas sa harap ko.
" Para saan ito? " Hindi makapaniwala kong tanong ng mahawakan ko yung bigay nya.
" It's a Promise necklace " Nolen, Napangiti ako.
" Anong ipapangako natin sa isa't isa? " tanong ko dito.
" Hmm, Alam mong nung una palang Hindi ko talaga ramdam yung probinsya nung unang dating ko dito, Mga Maliliit na bahay, Bukid, Kakahuyan, Mga batang madudungis, mga puno at mga bundok lang ang nakikita ko, Wala sa nakasanayan kong maynila, Pero dahil sayo naappreciate ko yung Abra, Ikaw yung nagpakilala sakin Ng Tunay na ganda ng Abra, Kaya Nolen salamat, Ikaw yung taong nandyan kahit hindi natin lubos na kilala ang isa't isa, This Maybe clichè to hear But for me, You are important " Nolen, Pasimple akong nagpunas sa ilong ko dahil hindi ko kayang itago ang ngiti na gustong ipakita ng labi ko.
" First time kong magregalo ng necklace, Even my ex Princess didn't receive any Jewelries from me, Tanging ikaw lang ang nabigyan ko nito " Nolen.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...