Jenmark Moreno POV
After namin kumain ay akala ko lalapit na sya sa mga kaibigan nya pero sumabay pa din siya sa akin paalis ng cafeteria, Kaya napatingin lang ako sa kanya.
" What? " Lingon sa akin ni Jireh habang naglalakad na kami palabas ng Cafeteria.
" Hindi ka lalapit sa mga kaibigan mo? " Tanong ko dito.
" Hindi " Sagot nya.
" Bakit? " Tanong ko ulit.
" Anong Bakit? Ayaw ko lang " Sagot ni Jireh.
" Siguro nag away kayo? " Hula ko sa maaaring dahilan ng hindi nya pagsabay at paglapit sa mga kaibigan nya, Yung mga itsura kasi nila ay parang gustong kunin si Jireh palayo sa akin, As if naman inaangkin ko itong kaibigan nila.
" Hindi nga " Jireh.
" Eh, Bakit ka nga nasama sa akin? " Ako.
" Gusto ko lang, Bawal ba? " Sagot ni Jireh.
" Hindi naman, Kaya lang baka may pinaplano kayong masama sa akin " Hindi ko na napigilan ang pagDelulu na nararamdaman ko, Nakakapagtaka kasi.
" Hahaha, Tingin mo ba katulad nila ako? " Natatawa nyang tanong.
" Hindi naman, Mas mukha ka ngang matino kesa sa kanila " Sagot ko dito.
" Kasi hindi ako sila " Jireh.
" Kung hindi ka nila katulad bakit kaibigan ka nila? " Ako.
" I don't know " Jireh.
" Bakit?? " Tanong ko pa, Nilingon ako ni Jireh na parang ako na yung pinakabobong taong nakilala nya.
" Seriously, Hindi ka na ba mauubusan ng tanong? Hindi kami nagkaaway ng mga yun, Sumasama ako sayo ngayon, Kasi wala lang, Gusto ko lang, Kailangan ba may dahilan? " Jireh.
" Oo, Kailangan may Dahilan kasi hindi ka naman sasama o lalapit sa akin ng ganito kung walang dahilan, Kaya aminin mo na, May binabalak ba mga tropa mo sa akin? Hindi naman ako magagalit, Ihahanda ko lang ang sarili ko " Sabi ko dito.
" Wala ngang dahilan, Gusto ko lang at wala kaming pinaplano, Kaya 'wag mo akong pag isipan ng ganyan dahil hindi ako nananakit ng kapwa ko estudyante " Jireh.
" Very well said " Sabi ko dito, Napangiti sya kaya hindi ko na din naiwasan ang ngumiti pabalik, Cute sya.
Sabay kaming pumasok sa Classroom, Nakatulog agad ako para pagdating ng teacher namin ay hindi na ako inaantok.
Nang mag uwian ay nagtrabaho muna ako bago umuwi ng medyo gabi na, Pagpasok ko sa Bahay nila Louie ay sinalubong ako ni Radang na nakadila, Hinimas ko ang ulo nito kaya sumunod ito sa akin hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko tsaka ko pinasampay ang kamay nya sa tuhod ko, Habang hinihimas ko ang balahibo nya ay biglang lumitaw ang ulo ng isang Kasambahay nila Louie na may dalang sandok.
" Ahh, Jen? " Tawag nito sa akin, Biglang bumaba si Radang tsaka lumapit sa Pinto, Nagulat ako ng muntik na nitong masarado ang pinto kaya mabilis akong tumayo, para maharangan ang pinto.
" Ano po yun, Ate? " Tanong ko dito.
" Ahh, Pinapatawag ka ni Sir Louie " Nahihiya nitong sabi.
" Ganun po? Sige po, Pupuntahan ko na " Sabi ko dito at hinawakan ang doorknob ng pinto ko, Inantay ko muna si Radang na makalabas dahil kapag nakulong yan sa kwarto ko tiyak iiyak lang ito dito ng iiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/335251116-288-k333477.jpg)
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...