Jenmark Moreno POV
Tulad ng sinabi ko kay Louie na hindi pwedeng angkinin nya ako pagdating sa trabaho ko sa gym, Magugulat nalang ako unang una pa sya sa pila pagdating ko at talagang sinesecure nya na sya ang magiging customer ko hanggang makauwi kami ng sabay.
Nagtataka na nga yung boss ko na bakit daw laging nanduon yun, Kakilala ko daw ba ito? Pero sabi ko nalang kaibigan ko na namiss ang pag gygym dito sa pinas dahil sa US ito nag tigil ng ilang taon.
" Ano bang pinagkaiba ng gym sa Us tapos Gym dito? " Tanong ng Boss ko.
Gusto ko sanang sabihin na yung Gym sa US wala ako, Tapos yung Gym dito sa Pinas ay nandito ako, Kaya Miss na miss nito ang Gym, Hehehehe!
Mabuti at hindi naman ganun kalawak ang kaalaman nya sa mga bagay na may kakaiba, Matapos nyang itanong sa akin yun ay hindi na ulit sya nagtatanong pa dahil mas kumikita pa siya kay Louie.
Nakaka 5k pa para sa 5 hours.
Tipong Isang oras lang kami mag eexercise tapos mas lamang pa ang pahinga nya kesa sa pagpapagod sa sarili, Dati naman lagi syang nag jojogging ngayon naman palagi syang pagod.
Baka buntis?? Bwahahahahahahaha.
Pag uwi namin sa bahay nila ay dumiretso kami sa kanya kanya naming kwarto, Pero pagsapit ng alas dyis ay maingat akong lumilipat sa kwarto nya, Para tabihan sya sa pagtulog.
Hindi naman kami palaging nag gaganun, May araw na gagawin namin yun pero mas lamang ang araw na mag cucuddle lang kami, Lambingan, Kwentuhan, Asaran at tawanan, Masaya na kami kahit nakatitig lang kami sa isa't isa.
Parang nakatulong din ang pagkahiwalay namin sa isa't isa, Mas dun ko nakita ang growth ko ng mag isa, Tutal nung umalis si Louie ay nagsisimula palang kami, Kumbaga ang pagkahiwalay namin ay syang naging cause kung bakit kami magkasama ulit ngayon, Bumalik sya sa akin kahit na hindi naman ako umaasa na babalik sya.
Kasi sa America maaaring magkaron sya ng gusto sa puti, Babae man o lalaki, Maganda, gwapo hindi namn nya kailangan ng pera dahil madami sya nuon.
Hindi ko din naman ng kailangan ng pera nya dahil kayang kaya ko ng mag provide sa sarili ko at para sa nanay ko, Sinabihan ko na nga si mama na pwede na kaming bumukod pero ayaw nya talagang mawalay sa bahay nila Louie.
Mahal na mahal nya talaga ang pamilya nila Louie, Kaya nga napamahal na din ako kay Louie, Kahit pa nag umpisa kami sa pag aaway, Lalo na sa napakasama nyang ugali pagdating sa alaga kong si Menggay na ngayon ay mas mahal nya pa kesa sa akin.
Tuwing hahabulin ni Radang si Menggay ay si Louie pa ang magpapapasok dito para makapagtago sa kwarto nya, Pero dati kung sinapa sipain nya ito ay para ng mababalian ang pusa.
Pero wala na yun, Dati nga tawag sa akin Squatter ngayon, Jen na, Yung pusa ko pa kayang tinatawag nyang maruming pusa?? Lahat naman nagbabago at natutuwa ako duon.
Totoo nga ang sinabi ni Mama na hindi naman talaga masama ang ugali ni Louie, Sadyang Mainit lang ang ulo nito nung unang araw kong makarating sa bahay nila.
Hinalikan ko sa noo ang yakap na yakap sa aking si Louie, Gusto ko syang tanungin kung ano ba kami, Pero natatakot ako, Ramdam ko namang meron talaga kaming nararamdaman sa isa't isa, Pero hindi pa siguro ito ang time para duon, Basta masaya kaming kasama ang isa't isa ay okay na ako.
Nakangiti kong sinalubong ang Mommy ni Louie na si Madam, Ilang months din ang tinagal ni Louie dito sa Pinas bago sila sumunod, Naging busy din siguro sa america kaya pinauna na nila si Louie.
" Mom, I miss you " Masiglang bati ni Louie sabay yakap kay Madam.
" I miss you too, Anak " Madam, Humalik ito sa anak nya tsaka lumingon sa akin, Inalok ako nito ng yakap kaya hindi ko na ito tinanggihan.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...