Jay Chan POV
Habang naglilinis ako ng mga dura sa katawan ko ay kinuha ni Yun yung Uniform kong nasira at itinapat sa Gripong patuloy na nakabukas, Nilingon ko siya dahil nasa katabing gripo ko siya.
" Anong gagawin mo? " Tanong ko dito.
" Chill ka lang, Lalabhan ko lang " Sabi nito at kinusot ang Damit ko.
" Hindi na, Ako nalang maglalaba " Sabi ko dito at sinubukang kunin ito mula sa kamay nya kaso inilayo nya sa akin.
" Ako na, Pambawi nalang sa paglalaba mo ng Uniform ko " Sabi nito, Napakunot ang noo ko Anong nilabhan ang Uniform nya?? kelan naman yun??
" Dito mo din nilabhan Uniform ko kasi natamaan ako ng bola sa likod " Paalala nito, Nanlaki ang mata ko at nag iwas ng tingin dahil hindi lang paglalaba ng uniform nya ang naalala ko yung napaupo ako sa ilalim ng lababo dahil nahulog yung sabon tapos nadulas sya dahil naapakan nya yung nahulog na sabon at Boom nakita ko nalang yung harap nya nasa harap ko na.
" A-ah, Yun ba?? Wala yun " Sabi ko dito, Pero hindi ko na din pinakialaman yung paglalaba nya, Nagmamagandang loob lang yung tao.
Hinintay muna naming matuyo ako dahil basang basa ang braso at binti ko pati na yung buhok ko, Tsaka yung nilabhan ni Yun na Uniform.
Parehas kaming hindi nakapasok, Siya kasi Excuse dahil Roaming nila sa Buong campus kaya siguro nakita nya din ako habang ako naman ay hindi nakapagpaexcuse dahil makikita ko lang yung mga maaasim.
" Tara na " Sabi ni Yun, Kaya tumango ako, Inabot nya sa akin ang Uniform kong natuyo tuyo naman ng kaunti, Pero ramdam pa din yung lamig dito.
Kumatok si Yun sa pintuan ng Principal's Office at nang makita siya ng Principal ay agad kaming pinapasok, Buong oras na nag cocomplain si Yun sa mga Bully na gumawa sa akin nito Habang tahimik lang ako at kapag tinatanong naman ako ng Nakakataas ay sumasagot ako pero mas dinedepensahan talaga ako ni Yun, Kaya hindi ko din naiwasang humanga sa kanya.
Duon siya sa side ng walang kalaban laban at parang siya yung shield ko, Huyyy! Lumabas kami ng Office at agad nya akong hinarap.
" Okay na " Sabi nito, Tumango ako.
" Sabi ko naman sayo, Magsabi ka lang sa akin kapag nabubully ka ako ng bahala magdala sa Office ng pangalan nila tiyak kong hindi sila makakaligtas " Ngumiti ako at tumango sa kanya.
" Paano? Una na ako, Maraming salamat ah " Sabi ko dito, Ang akala ko ay aalis na siya pero nang talikuran ko siya ay tumabi agad sya sa akin habang naglalakad, Napatigil ako ng lingunin ko siya.
" Hindi ka ba papasok sa Klase mo? " Tanong ko dito.
" Roaming " Sabi nito.
" Ahh, Oo nga pala " Nagsimula ulit kaming maglakad, Mukhang ihahatid nya ako sa klase ko, " Ilang oras ba ang Roaming nyo? " Tanong ko dito.
" 4 hours, 2 hours sa umaga 2 hours sa hapon, Mabuti na nga lang Roaming ako sa Field " Sabi nya kaya sabay kaming tumawa.
" Oo nga, Kung hindi ka siguro Roaming sa lugar na yun baka gabihin pa ako sa loob ng CR " Sabi ko dito.
" Uhmm, Bakit ka nga pala nila binubully ng ganun? I mean, Mabait ka naman, Friendly pero Bakit ganun?? parang sobrang laki ng galit nila sayo " Kuryoso nitong tanong kaya ngumiti ako ng mapait, baka hindi nya lang alam na ako yung anak ng Bakla na nag aaral dito sa school.
" Ako yung anak ng Bakla " Sabi ko dito, I'm not proud of it but I'm not ashamed of being my Gay Father's Son, Kaso minsan talaga hindi maiiwasang magalit eh.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...