Crush Back Part 10

74 2 0
                                    

Jenmark Moreno POV

" Yan lang naman yung tingin nyo sa akin!!! Squatter!! Tang ina, Hindi ka na nagbago Louie!! Ang galing mong mang uto tapos ako naman ang daling mauto " Ako.

" Tumigil ka " Louie.

" Nice One, Louie Nakaganti ka na naman sa akin, Kumbaga sa langgam, Ako yung pinaka maliit na hinding hindi makakaganti sayo Kahit kagatin kita ng paulit ulit! " Ako.

" Tumahimik ka sabi!! " Louie.

" Bakit ako tatahimik? Hindi pa ba sapat yun? Patatahimikin mo na naman ako tapos ano? pag kakaisahan nyo na naman akong magkakaibigan? Nakakaloko kayo! Hindi ko alam kung ano bang maling nagawa ko sainyo para tratuhin nyo akong parang basura!! Hindi porket galing Iskwater ay hindi na tao!! Tao kami, Tao ako!! Kayo yung hindi tao! Mga Ugali nyo hayop, Mas mabuti pa nga sigurong umalis na ako sa puder nyo " Sabi ko dito.

" Hindi ka aalis " Louie.

" Wala akong pakialam sa opinyon mo, Buhay ko to! Kaya mo lang naman ako sinasabihang 'wag umalis sa inyo kasi wala ka ng aasarin Wala na kayong Squatter na mapagtitripan ng mga kaibigan mo, Tama ako diba?? " Galit kong sabi dito.

" Tama! Squatter ka lang " Tumatangong sabi ni Louie, Kaya mas lalo akong nainis.

" Oo, Squatter ako! " Ako.

" Squatter ka lang buti alam mo!!" Louie.

" Alam ko " Ako.

" Squatter " Louie, Nang matitigan ko ang pagbabago ng ekspresyon nya ay unti unti akong kumalma, Yung pagkakasabi kasi nya ng Squatter ay mahinahon, Para akong hinehele sa pagtulog.

" Squatter " Louie, Lumuwag ang hawak nya sa kamay ko kaya agad ko syang mahigpit na hinawakan sa kwelyo ng Suot nya, Ngumisi sya at agad akong hinawakan sa likod ng ulo para halikan.

Agad akong bumitaw para panlakihan sya ng mata pero ngumiti lang sya, Kumagat sa labi bago tinignan ang labi ko, Tumagilid ang ulo nya tsaka ako hinalikan ulit, Yung dila nya ay pilit na kumakatok sa labi ko, Nang maramdaman ko ang paghilot ni Louie sa batok ko ay pumikit ako tsaka sumabay sa galaw na ginagawa ng labi nya sa labi ko, Ginaya ko din ang pagsayaw ng dila nya sa loob ng bibig ko.

Unti unti nya akong inupo habang nasa ibabaw ko pa din sya at hindi pa din naghihiwalay sa labi ng isa't isa, Para akong lasing na nagising ng bumitaw sya sa halik, Shit!! Ang sarap.

Akala ko sa TV at sa Palabas ko lang makikita yung ganitong ka intense na scene, Hindi lang ako makapaniwala na nangyari ito sa akin at si Louie pa talaga ang nagparamdam sa akin nito, hahalikan ko na sana ulit sya kaya lang hinarang na nya ang hintuturo sa labi ko.

" Squatter " Tawag nya ulit sa akin, Kaya napangiti ako, Hindi ko alam sa sarili ko bakit nya ako napangiti at napatawa.

Kung kanina inis na inis ako sa tawag nyang Squatter sa akin, Ngayon gustong gusto ko ng naririnig ying boses nya na ako yung tinatawag

" I have a Crush on someone " Louie, Unti unting lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya tsaka umiwas ng tingin, Pero agad nya akong hinawakan sa pisngi para iharap muli sa kanya.

" And that someone is you Squatter...... I like you, Jen " Louie, Sumilay muli ang ngiti sa labi ko at agad dinikit ang pisngi ko sa dibdib nya.

" Crush mo ako? " Tanong ko dito ng namamangha, Crush ako ng kaaway ko? Seryoso ba ito??

" Oo, Crush kita " Louie.

" Crush mo nga ako?? " Hindi pa din makapaniwalang tanong dito.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now