Kusot.
Ace Illustrisimo POV
Nakita ko si Brusko nakaupo sa may puno ng Niyog malapit lang sa Poso na pinaliliguan ni Isidro kanina, Nang mapansin nitong may tao ay agad syang tumayo.
" Brusko " Tawag ko dito.
" Chong " Tawag naman nito sa akin.
" Bakit ka nandito?? " Tanong ko, Ngumiti siya ng alanganin at pansin ko yung kamay nyang hindi mapakali sa ilalim ng Tshirt na suot nya.
" Wala lang " Brusko.
" Ano nga?? May Problema ka ba?? Hindi ka naman siguro aabsent sa trabaho kung walang problema sa bahay nyo " Sabi ko dito at itinaas ang paa sa Paanan ng niyog, Tsaka pinagkrus ang Braso ko sa dibdib ko, Si Brusko naman ay bumalik sa pagkakasandal nya sa puno ng niyog.
" Ano kasi, Chong Pinapaalis na kami sa Lupang tinitirhan namin " Brusko.
" Ha?? Diba lupa yun ng Tito mo?? " Tanong ko.
" Oo, Lupa nga yun ni Tito pero masaklap si Tito na ang nagpapaalis sa amin, Wala kaming malilipatan " Brusko.
" Paano yan?? Anong gagawin nyo?? Anong plano ng Tatay mo? " Tanong ko, Nag angat ng tingin sa akin si Brusko.
" Ipaglalaban daw nya yung lupa " Brusko.
" Anong ipaglalaban? Kayo lang ang matatalo dyan, Wala kayong hawak na papel " Sabi ko.
" Ewan ko kay Tatay, Isang linggo nalang ang binigay na palugit ni Tito, Kapag hindi pa kami nakaalis sa lupa nya sa loob ng isang linggo, Ipapagiba na nya yung bahay namin at wala na kaming maisasalbang gamit, Lumapit na ako kay Boss Adonis pero wala daw syang maitutulong sa problema ko, Kung pera daw ang kailangan ko mabibigay nya agad yung sweldo ko sa isang linggo, Kaso hindi naman pera yung kailangan ko Chong, Bahay na matitirhan ng pamilya ko " Problemadong sabi ni Brusko, Napahawak ako sa sintido ko, Bakit sumasakit ang ulo ko sa problema ng iba? May problema din naman ako.
" Kaya nga nagbabakasali ako na pumunta dito, Chong Nakakahiya man, Pero kakapalan ko na ang mukha ko, Baka pwede kami dito sa bakuran nyo maliit na bahay lang ang itatayo namin, Isang kwarto at kahit wala ng sala kusina na agad " Brusko, Napalingon ako sa Bakuran namin.
May kalakihan din naman talaga ang lupa ni Mama, Maraming puno ng mangga at kayumito, Kung tatayuan pa ng isa pang bahay tiyak kasyang kasya, Ang problema nga lang yung Mama ko, Lupa nya ito hindi sa akin.
" Walang problema sa akin, Brusko Pero kailangan ko munang kausapin si Mama, Handa akong tumulong " Sabi ko dito, Yung problemadong awra ni Brusko kanina ay biglaang nawala, Sumigla sya kaya napatayo sya mula sa pagkakaupo sa Paanan ng Puno ng niyog.
" Talaga, Chong?? Kung gusto mo ako nalang ang kumausap sa Mama mo, Mukha namang mabait si Nana " Brusko, Natawa ako sa sinabi nya.
" Yung Nanay ko?? Mabait? Diyan ka nagkakamali, Brusko Mukha lang mabait yan pero nasa loob ang Kulo nyan, Kung magalit yan parang Mayon, Hindi mo kakayanin yung init " Sabi ko dito, Yung ngiti nya ay unti unting nawala, kaya Lumawak ang ngiti ko, Napasandal na naman sya sa Puno ng niyog ng nakatayo na hindi na nakaupo, Nilagay ko ang kamay ko sa balikat nya kaya napatingin sya duon.
" Pero 'wag kang mag alala, Kakausapin ko ang mama ko na baka kung pwede kayo dito, Kahit naman Mayon magalit yun malambot pa din ang puso nun, Lalo na sa Kapos palad na tulad natin " Sabi ko dito at pinisil siya sa balikat ng mahina.
" Chong, Hindi naman talaga kayo Kapos palad, Kinapos lang kayo " Brusko, Tumawa ako.
" Brusko, Kahit galing kami sa Pagiging may kaya o sabihin na nating may yaman kami dati, Dati na yun hindi na ngayon, Kaya mabuti nga at nasanay agad ako sa probinsya " Sabi ko dito.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...