Crush Back Part 6

39 3 0
                                    

Louie Estonido POV

Sinabihan ko si Mommy na pupunta ang mga kaibigan ko dito, Kaya nagpaluto sya sa mga maid namin ng pagkain, Wala namang occation  tamang tambay at kwentuhan lang talaga kasama ang mga kaibigan ko sa school, Inayos ko ang itsura ko sa harap ng salamin, Pwede na ba ito??

*Ring.Ring*

Napatingin ako sa Cellphone ko nakita ko kasi ang pangalan ni Maris kaya sinagot ko agad ito.

Maris:
Hello? Louie, Malapit na kami.

Ako:
Sige, Antayin ko kayo dito.

Maris:
Sige, See you.

Napangiti ako ng sabihin nya yung see you in her very calm voice, Grabe parang magiging perfect ang gabing ito, Umamin na kaya ako sa kanya??

Agad akong napalingon sa taong pumasok sa kwarto ko at agad napasimangot ng makita ko ang mukha ni Squatter.

" Anong sinabi ko sayo? " Inis akong lapit dito dahil lumapit sya sa Cabinet ko dala ang damit ko.

" Ilalagay ko lang itong mga damit mo sa tamang lalagyan, Boss " Sabi nito, Nangunot ang noo ko.

" Boss?? Wala akong tauhan na Squatter " Sabi ko dito.

" Edi, Wala " Sabi nya sa akin, Tsaka tumalikod.

" Okay na sana, Nakita pa kita 'wag kang magpapakita sa kanila ha! Kung hindi lagot ka talaga sa akin " Sabi ko dito, Bago siya makalabas pero hindi na sya nagsalita, Bumalik ako sa Full length mirror ko para mag spray ng perfume.

Huling sulyap sa sarili ay bumaba na ako, Chineck ko yung set up nila sa Pool area, Nakita ko na naman si Squatter, Iniinis talaga ako nito, Agad ko syang nilapitan na nag aayos ng lamesa.

" Hindi ka ba talaga makikinig? " Inis kong tanong dito.

" Inaayos ko lang itong lamesa, Oh " Sabi nya ng hindi nakatingin sa akin, Inis kong tinabig ang kamay nya para mapabitaw sya sa cover ng lamesa.

" Pumasok ka na, Baka makita ka pa nila " Inis kong sabi dito, Itutulak ko na sana sya kaya lang iwinasiwas nya yung kamay palikod dahilan ng muntik na pagtama ng siko nya sa ilong ko, Agad akong napahawak duon.

" Ano bang problema mo? Bakit kasi pinapunta mo pa yang mga Bully mong kaibigan dito kung ayaw mo naman palang makita nilang may nakatirang squatter dito? " Inis na sabi ni Squatter sa akin, Hindi agad ako nakapagsalita dahil nakakagulat yung ilong ko, Baka bumaliko.

" Alam mo, Nagtitimpi lang ako sa masama mong ugali eh sabi ni mama hindi ka naman daw ganyan, Mabait ka daw, Eh! puta!! Sa araw araw nating pagsasama dito sa iisang bahay pakiramdam ko nilalamon ako ng impyerno, Ang sama ng ugali mo!! Hindi ka nagbabago, Kung ano yung pagkakakilala ko sayo yun ka pa din hanggang ngayon!! " Inis nyang sabi tsaka ako nilisan sa swimming pool.

Mabait daw ako?? Mabait naman ako,  kaso nagbago yun ng dumating sya, Bukod sa ugaling squatter nya ay nainis din ako sa dala nyang alaga tapos lumalaban pa sa akin kaya mas lalo ko syang kinainisan.

Ayoko sa Squatter.

Nagising ako sa pagkakatulala ng ilang minuto dahil sa biglang pagbusina ng kotse mula sa labas, Nandyan na sila, Agad akong lumakad palabas ng bahay mabuti at hindi ko na nakita pa si Squatter dahil malilintikan na talaga sya kapag nakita sya ng mga bisita ko.

" Pre!! " Bungad ni Dale.

" Uy! Hi, Kiera, Hi Maris " Bati ko sa dalawang babaeng bumaba sa kotse.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now