Title: Joven and Jelo Part Four
Genre: sports, DramaAnjelo Marasigan POV
Pre, Sundin natin yung nakalagay na instruction ng nasa papel.
Duck, Cover and Hold!!
Ginawa namin iyon dito sa Classroom namin at dahil madaming OA akong kaklase ay nagsigawan ang mga ito at umaktong lumilindol.
" Oh my god, Sir!! Anong gagawin ko?? "
" Sir, Niyuyugyog nya ang tahimik kong mundo "
" Sir, Baka bukas malaman nyong buntis na ako "
Napailing nalang ako sa mga kalokohan ng mga kaklase ko, Tsk!! nagkaron lang naman kami ng Earthquake drill ngayon at nasaktohan pang napakainit ng panahon ngayon, Ano na Tayo Madam Proncipal??
" Pre, Bilis bilis " Sabi ni Abner ng magpalabas na si Sir at tahimik kaming bumaba patungo sa Evacuation area.
" Siguro kung may lindol talaga, Hindi ko na maiisip pa yung, Duck, cover and, Hold na iyan Tatakbo na ako palabas, Bahala na kayo sa buhay nyo " Sabi ni Gabe, Napalingon ako sa kanila kasi napakaiingay.
" Napakasama talaga ng ugali mong gago ka " Reklamo ko dito.
" oh, Bakit? sigurado ka bang maililigtas ka ng Duck, cover and hold mong iyan? paano kung may bumagsak na bato, Mag daduck, Cover and Hold ka pa ba? Syempre hindi na kasi patay kana " Sabi nito, Kinunutan ko siya ng noo dahil kung ano ano na naman ang sinasabi, Ayaw nalang sumunod.
" Ang dami mo namang Alam, Pre " Abner.
" Gabe, Bakit hindi mo itesting nalang kay Sir magreklamo ng Duck, Cover and hold na yan, Hindi yung sa amin ka nagrereklamo " Sabi ko dito.
" eh, Ikaw Nalang " Gabe, Tss!! Rereklamo reklamo pa, Takot din naman palang masermunan ni Sir, Asan ang Angas mo Pre??
Nagtakip ako ng bimpo sa ulo ko at sakto naman nawala ang pagod ko ng makita ko ang pagdating ng department nila Joven, Napangiti ako ng makita ko siyang naka Duck,Cover and Hold.
" Umayos kayo ng pila, Guys Para makapasok agad tayo " Sabi ng siguro ay President nila sa klase.
" Uy, mukha kang aso Pre Nginingiti ngiti mo dyan? " Tanong ni Gabe sa akin.
" Wala kang paki, Pre " Sagot ko dito.
" Ay , Tang inang ito oh!! Sinosolo yung nasa utak " Gabe.
" Teka, May utak ka ba? " Dugtong ni Gabe.
" Oo, Mas may utak pa ako kesa sayo " Sagot ko dito, Humagalpak naman ng tawa si Abner, Para asarin pa lalo si Gabe.
Mga Kasama ko itong naglaro sa Volleyball team ng Department namin kaya naging kaibigan ko na sila.
" Tawa tawa ka, Abner akala mo naman may utak ka " Sita ni Gabe dito.
" Oo, Mas malaki pa nga yata utak ng ipis kesa sayo " Dugtong naman ni abner.
" Wow, Pre!! Ang talino mo naman magsalita " sarkastikong sabi ni Gabe at pumalakpak, Nagtinginan naman sa amin ang mga estudyante pati na si joven ay napatingin na din kaya kumaway ako dito at ngumiti.
" Shh, 'wag kang maingay Pre baka tayo yung huling papasukin, Lagot ka talaga sa amin " Reklamo ni Abner.
" Wow, Pinagtutulungan nyo na nga akong dalawa tapos sa huli kasalanan ko pa?? Ano ba naman yun, Pre? Parang hindi ka nag grade 2 " Gabe.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...