Love, Hold Me Part 8

37 1 0
                                    

Taehyun Pasco POV

Nakatambay kaming lima dito sa Quadrangle, May event ang school at kakatapos lang nito kaya ito kaming lima nagpapahinga.

Si Andrew ay nakaupo sa Lamesang bato, Habang si Mirasol ay nakaupo duon sa may puno tsaka naputol ng bato tapos ibabato sa amin, Ang Galing diba??

Si Ar-Ar naman ay nakaupo kaharap namin katabi ko si Jay na nakayuko sa bato, Sinundan ko ang tinitingnan nya pero wala namang tao sa harap namin.

" Huy, Anong iniisip mo? " Tanong ko dito.

" Wala " Sabi nito at nag angat ng ulo para umiling tas inayos ang buhok, Pasimple akong ngumiti ng laruin nya ang bangs.

" Laro tayo " Sabi ni Andrew.

" Mag isa ka " Sabi naman ni Ar-Ar at nagpipindot sa Cellphone.

" KJ naman ng kaibigan mo, Mirasol " Inis na sabi ni Andrew kay Mirasol, nabato naman nya si Andrew sa mukha kaya tumawa kami nila Jay.

" Ay, Bastos ka pre!! Mamaya may ipot ng kambing yan eh " reklamo ni Andrew.

" Mas Malinis naman ipot ng kambing kesa sa ipot mo " Sabi ni Ar-Ar at lumingon ito kay Mirasol, Mukhang nagkasundo silang bardagulin si Andrew.

" Ayy, Wow!! Nag sanib pwersa ang dalawang Top!! " Sabi ni Andrew.

" Ha?? Ano daw? " Tanong ni Ar-Ar at tumingin sa akin.

" Anong top? Croptop? " walang alam na tanong ni Ar-Ar.

" AlitapTOP!! " Singit ni Mirasol kaya natawa ako.

" TOP of the world " Jay.

" TOP Water " Andrew.

" STOP!! " Sigaw ni Mirasol.

Lumingon silang Apat sa akin, Kaya nag isip ako ng word na may TOP.

" TOP 1 " Sabi ko at mukhang hindi sila natuwa sa entry ko kaya nagbuklat nalang ako ng libro para hindi mapahiya.

" Tara na, Uwian na may korni " Sbai ni Andrew.

" Umuwi ka mag isa " Sabi ni Ar-Ar." Pero seryoso ano ba yung TOP at BOTTOM? lagi yang gamit sa LGBT diba? " Kuryosong tanong ni Ar-Ar.

" TOP mean the dominant position sa Tot at Bottom yung sa ilalim " Paliwanag ni Andrew.

" Ano naman yung toot? " Dugtong pa ni Ar-Ar.

" Tot!! Hindi mo alam yun? Ayun yung gagawin ko sayo pag nakuha mo na naman yung inis ko, Totuktukan kita bakit hindi ka nalang mag search sa google? Dami mong tanong kami pa istressin mo " Kunwari ay galit na sabi ni Andrew kaya tumawa kami.

" Ipaliwanag mo kasi ng ayos, Bakit ba gamit na gamit yung Top and Bottom? " Hindi pa din tumitigil sa kyuryusidad niya si Ar-Ar.

" We use that words kapag member ka ng LGBTQ+, Sa Relasyon naman ng same sex ay hindi na naman kailangan nyan, Top and Bottom is a Position, Kung anong mas prefer mong posisyon, Ihalintulad natin siya sa Normal couple, Babae at Lalaki, Yung top yung lalaki cause he's the musculine and yung bottom yung babae cause she's a Feminine, Gets Ba Vice President?? 'Diba nagkaron tayo ng debate dyan? " paliwanag ko dito.

" Nagdebate tayo pero walang Top at Bottom dun " Ar-Ar, Tama sya pero hindi ko nalang din sinagot dahil hindi naman sya interesadong alamin lahat About LGBT, Hindi ganun kalalim ang kaalaman nya pagdating dito.

" Tanong lang, Ar-Ar kung pipili ka?? Ano ka Top or Bottom? " Tanong ni Andrew.

" Hindi ko alam, Maybe Top? " Ar-ar.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now