Kusot 4

20 0 0
                                    

Kusot

Ace Illustrisimo POV

Aalis na sana ako kaya lang hawak ko pa pala yung basahan, Isasampay ko nalang ito tapos aalis na sa bahay nila, Pagsampay ko ng Basahan ay humarap din sa akin si Nolen.

" Sino ka nga ulit? " Tanong nito.

" Ace " Sagot ko.

" Ace? Oh, Bayad ko " Sabi nito at humugot ng limang daan sa Wallet nya, Napatingin ako duon tsaka nagbalik ng Tingin sa kanya, Bayad bayad lang? walang Thank you??

" Wait, Nagkita na ba tayo?? kasi You kinda look Familiar " Sabi nito.

" Oo " Sagot ko.

" Saan? " Tanong nito, Tss Ang sarap tawanan, Siya yung may sabing pamilyar ako tapos hindi nya matandaan kung saan, Ganito na pala ang mga galing Manila?? Ulyanin na?

" Sa School " Sagot ko ulit.

" Oww, Nag enroll ka din sa Abra Valley College? " Nolen, Tumango ako at aalis na.

" Wait, Wait, Wait, Ace Take this " Nolen, Pero hinawi ko lang yung kamay nyang may hawak na pera, Ang akala ko ay hindi na sya hahabol pero mabilis syang humarang sa harap ko at inabot ang 500.

" Take This, Ace and Thank you, Siguro kung hindi dahil sayo marumi pa din tingnan ang kotse ko " Sabi nito ng nakangiti pero hindi labas ang ngiti, Nilingon ko yung kotse nya, Nung nilinisan ko yan hindi naman sobrang dumi, Siya lang yung maarte.

At Dahil narinig ko naman na yung magic word ay kinuha ko na at hindi ako nagsalita, Hindi na din naman sya nagsalita pa dahil wala na din naman kaming pag uusapan.

Dumaan ang ilang araw at nakabili na ako ng mga kailangan ko, Hinatid na din dito yung dalawang Uniform at isang PE Uniform ko, Munisipyo ang nagprovide nito para sa mga scholar ni Mayor.

" Chong! " Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang tumawag sa akin, Unang araw ng Pasukan kaya maaga ako, Pero maaga din pala nagising si Brusko.

" Brusko?? Mamaya pa yung punta mo sa Kakahuyan? Bakit ang Aga mo magising? " Tanong ko dito.

" Gusto kitang makitang pumasok ng School nyo, Chong " Brusko.

" Ihahatid mo ako sa school? 'wag na, baka malate ka sa trabaho, Magkikita naman tayo mamaya sa Kakahuyan " Sabi ko dito.

" Dun ka didiretso, Chong ahh?? " Brusko, Tumango ako at ginulo ang buhok nya.

" Oo, Diba nga Hindi naman ako tatanggalin ni Boss Adonis kahit nag aaral ako " Paalala ko dito.

" Sige, Pero Gusto mo sunduin kita? " Brusko, Agad akong tumawa at umiling.

" Hindi na kailangan, Brusko Magkita nalang tayo sa Kakahuyan mamaya " Sabi ko at mukhang pumayag naman siya, Nakisabay ako sa Tricycle na kakilala ni Papa, Mabuti at sampung piso lang ang siningil sa akin.

" Maraming salamat po " Sabi ko dito at pumasok na sa Gate, May mga Teacher na sumasalubong sa mga eatudyante, May mga magulang din na naiwan sa Gate para ihatid ang mga anak nila.

Nilabas ko ang Maliit na mapa ng School, Tsaka yung schedule ko sa araw na ito, Inisa isa ko ang mga room at nang sa wakas ay makita ko ito ay pumasok na ako para makahanap ng upuan na magiging kumportable ako.

Ang mga kaklase ko ay may nakilala at may kakilala na talaga sa Room na ito, Ako lang ang wala kaya tahimik lang ako habang inaantay ang pagpasok ng guro.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now