Title: Joven And Jelo Part Three
Genre: Sport, DramaJoven Endrinal POV
Bago dumating ang araw ng Laban namin laban sa ibang Baranggay ay nagset ng Swimming ang Volleyball team namin.
" Uyy, Narinig mo na ba? " Kalabit sa akin ni Fritz, Kasali sa Girls Volleyball team ng barangay namin.
" Hindi pa, Ano yon? " Tanong ko dito tsaka sumipsip ulit sa Softdrinks ko.
" Ang ganda ko daw sabi nung Grade 10 " Sabi nito, Muntik na akong nachoke dahil s sinabi nya, Akala ko naman malalim na chika yun pala, Hay Naku! Napailing ako at hinawakan sya sa balikat.
" Sis, Sabi sabi lang yun kaya 'wag ka masyadong nagpapaniwala sa mga yun, Niloloko ka lang nun " Concern kong payo dito, Sumimangot naman sya sa akin.
" Ang sakit mo naman, magsalita Sis! Parang sinasabi mong niloloko ko lang din sarili ko dahil hindi totoong maganda ako " Sabi nito, Umiwas ako ng tingin at sumipsip sa Coke ko, Sabay sabing.
" Parang Ganun na nga " Ako, Agad naman ako nitong tinulak ng mahina kaya nawala sa bibig ko ang Straw.
" Aray, Sis " Reklamo ko dito.
" Dyan ka na nga, Azar!!! " Inis nitong sabi at mabilis na naglakad paalis, Ako naman ay susunod na din sa kanya kaya lang may humawak sa palapulsuhan ko paglingon ko sa tabi ko ay inuubos na ni Jelo yung softdrinks ko, Binawi ko ang kamay ko sa kanya.
" Bakit mo inubos? " Inis kong Tanong dito.
" Ay, Hindi mo ba ako pinapainom? " Tanong nito sabay paypay.
" Hindi, Kakainom ko palang dun " Sabi ko dito at wala ng nagawa kundi itapon ito s basurahan.
" Sorry, Nauhaw kasi ako Tsaka sali ka, Naglalaro kami sa Court ng Volleyball " Sabi nito, Nilingon ko ang pinuntahan ni Fritz, Hayst!! Mamaya ko nalang sya kakausapin, Masyado naman kasing matampuhin yun, Suyuin ko nalang mamaya.
kapag hindi nagpasuyo, He! Tapon ko sya sa ilog, Hinila ako ni Jelo patungo sa Court ng school namin totoo nga na naglalaro sila ng naka uniform lang, Pinaupo nya ako sa kinalalagyan ng mga gamit nilang magtotropa.
" Sali ka? " Tanong nito, Umiling ako at inilagay din sa tabi ko yung bag ko.
" Hindi na, May klase pa ako mamaya baka mapaiwasan ako " Sabi ko dito.
" Oo nga, Bawal ka magkasakit pwede ka ding magkasakit pero ako dapat mag aalaga sayo " Sabi nito ng nakangiti, Kaloka!! Napairap nalang ako dito, gusto pa talaga nya akong magkasakit?? Kapag dinapuan pa naman ako ng sakit ay matagal ako gumaling.
" Desisyon ka dyan?? Sige na, Maglaro ka na, Babantayan ko nalang gamit nyo " Sabi ko dito at lumakad naman sya ng paatras.
" Baka ako " Sabi nito ng nakangisi, Napairap na naman ako, Feeling talaga itong mokong na ito.
" Dyan ka lang, 'wag kang mawawala " Sabi nito, Taray! Inangkin ako??Huy! Ako lang ito.
Naglaro na sila habang ako ay tahimik lang na nagchecheer sa kanya, May sa Kalapati talaga si Jelo kapag in game na in game sya, wala talagang makakapigil sa kanya, Pero grabe din naman yan pag walang laro sa loob ng court, Lutang kung lutang, Tulad nalang nung nasabi nya sa akin ang gustong gawin ng Dad nya na nasa ibang bansa.
" Gagi, Edi sana Inalok mo "
" Baliw, Aalukin kita mong kumakain yung babae "
" Oo nga, Pwede naman yun, Sabihin nya lang Miss pwede bang pakain "
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...